Chapter 9

59.3K 1.5K 531
                                    

Joshia

"What am I exactly doing here?" I asked the three while crossing my arms over my chest.

Ngumiti si Pete. "Manonood kasama namin!"

"Tama! Mas magandang manood ng baseball kaysa sa soccer!" Rocco added.

"Mas pogi rin player dito, lalo na yung player 07." And here comes Jonas.

I face palmed. Halata namang nang iinis lang ang mga ito. They dragged me all the way here in their place. Hindi na nga ako nakapag paalam kay Ian dahil abala ito sa pagprapractice ng soccer.

"Hindi ako interesado sa baseball." Ulit ko at bagot silang tiningnan.

Nasa may lower part kami ng bleachers, nakaharap mismo sa team ng mga naglalaro. Marami rin ang mga nanonood, mga babae ang pinakamadami, nagchecheer kahit practice pa lang ang pinapanood nila.

"Simulan mo ng maging interesado ngayon! Saka ano bang maganda sa nagsisipa ng bola? Mas maganda yung pumapalo!" Pangsales talk ni Pete at umupo sa tabi ko.

Umismid ako at tiningnan ang mga naglalaro. They took the biggest part of the field. Nakasuot din sila ng uniform nila at seryosong seryoso. They're probably happy too because they can play their sports again after almost two years.

"It's hot in here." Kunot noong sabi ko saka tumayo para lumipat sa walang sikat ng araw na pwesto.

Nagsunuran naman ang tatlo sakin na parang mga tanga. Hindi ko sila pinansin at sinubukang manood ng baseball practice. Hindi ko alam kung anong maganda sa baseball, para lang naman itong archery.

You only need to move your upper body part to hit the ball and your lower part when you need to run. This sport can enhance your strength and speed. The players looks fit and capable of playing this sport.

"Diba ang gandang manood, Pres?" Parang tangang tanong ni Pete.

Hindi ko sya pinansin at tinuon na lang ang tingin kay Adonis na kanina pa pinagagalitan ng Coach nila. Paano ba naman kasi ay sobrang lakas nyang bumato ng bola na hindi kayang ihandle ng iba.

"Bad trip ang Lolo nyo. Pakalmahin mo nga, Pres." Pabiro akong tinulak ni Pete sa likod.

"Kung patulugin kaya kita." Sinamaan ko sya ng tingin dahilan para lumayo sya ng konti.

"Ito naman! Pinapagaan ko lang naman yung atmosphere!" Depensa nya sa sarili.

"Tss." I looked at the field again.

Kumunot ang noo ko ng may mapansing gulo sa field. Magkaharap si Adonis at isa pang membro ng team nila. Sinubukan silang awatin ng Coach nila pati na rin ng iba pang baseball team member.

Nagkatinginan ang tatlo sa tabi ko bago mabilis na tumakbo pababa at pinuntahan ang barkada nilang sinumpong na naman ng topak nya. Humalukipkip ako at sumandal habang tinatanaw sila.

Naglapitan na rin ang ibang nanonood para makiusyoso sa nangyayari. Biglang  nagtilian ang mga babae ng tumalsik ang kaharap ni Adonis sa field. Sinuntok lang naman ng gago sa panga.

"Awat na! Awat na!" Sigaw ng Coach nila pero hindi sya natinag.

Nilapitan nya ang bulagtang kamembro at sinuntok ulit sa muka. Nagkagulo ang mga estudyante at madaming sumisigaw para tawagin ang guard at ang mga school officers na akala mo naman may magagawa.

Hindi sa minamaliit ko sila pero mas takot pa silang umawat kaysa sa mga estudyante. Paano ba naman kasi ay magninomina ng puro babae. Aisa na nga lang ang lalaki, presidente na nga, wala pa ring magawa.

Glasses And CigarettesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon