Chapter 14

90.4K 1.8K 488
                                        

Joshia

"Clock out muna, Lone Wolves!" Sigaw ni Sir Arnold.

"Tara ron." Hinigit nya ako para makapag check out sya sa attendance list nila saka bumalik kami sa shower room.

"Sigurado kang papasok ka sa trabaho mo mamaya ha. Lagot ka sakin pag hindi." Banta nya saka nagsuot ng shirt, tapos na sya.

Humalukipkip lang ako. "I don't do absents without valid reasons."

"Mabuti na yung sigurado." Aniya at nagpunas ng ulo.

Tumunog ang tyan nya habang nagsisintas sya ng sapatos. Napahawak sya ron bago tumingin sakin.

"Mall ulit tayo. Gusto kong magfish ball." Aya nya at tinapos ang pagsisintas.

"Sure." Tumuwid ako ng tayo ng makitang tapos na sya.

Pumunta kami ng Mall, sa may street foods to be exact. Ang dami nyang inorder para sa sarili nya. Mukang gutom na gutom na sya. Nagtake out na lang kami dahil gusto raw nyang manood ng sunset sa may sea side.

Umupo kami sa may semento at nilapag sa pagitan namin ang mga pagkain na binili. We ate in silence like we used to while watching the sun reflected on the water as time goes on, it's so peaceful.

"I think I like you now.. I just don't want to admit it.." He suddenly sang.

"I feel so foolish.. I just want to hide it forever.."

"I'm so coward.. punish me, don't hold it back.."

"Chain, wip, belt and cutters. Tortures can't hurt me.."

"It's you.. only you." He smiled and turned to me.

"Hatid mo 'ko. Wala akong sasakyang dala papasok kanina, sumabay lang ako kay Pete." Sabi nya at kinuha ang helmet nya.

Tumingin ako sa kanya at nakitang nagsusuot na ito agad ng helmet. Pauwi na kami dahil lumubog na ang araw. At dahil angkas ko sya papunta rito, wala akong choice kundi ang ihatid sya dahil wala rin syang dalang kotse.

Sinuot ko ang helmet ko at sumakay na. Sumunod sya at authomaticong pumulupot sa bewang ko ang mga braso nya na parang normal lang sa kanya na ginagawa yun. I ignored it and drove my big bike to his address.

May kalayuan ang village kung saan sya nakatira. Nakapunta na ako rito, noong elementary ako. It's my schoolmmate's 10th birthday and unfortunately, I'm invited. I can still remember the boy who I gave my toy to.

And it's the same boy too that I used to like before until I graduated highschool and became more focused on my studies that I set aside that shitty thing called puppy love or whatever. Same year my father died.

"Don, sa may itim na gate." Sabi nya at tinuro ang bahay nila.

Nasa may gitnang parte ang bahay nila. Malaki at moderno. May nakita akong matandang babae na nagwawalis sa labas ng gate at isang lalaking naglilinis ng kotse sa loob ng garahe nila. I stopped my bike in front of them.

Natigil ang mga ito sa pagkukwentuhan. Nakilala ng matandang babae ang nakaangkas sa likod ko ng maghubad ito ng helmet at bumaba sa motor ko. Hindi ko na inalis ang akin at hinintay na lang sya na makapasok.

"Adonis, ikaw pala yan. Akala ko kung sino na. Nakamotor ka kasi." Nakangiting sabi ng matanda, their Mayordoma I guess.

"Sino ba yang kasama mo? Baka gusto nyang magmeryenda muna." Tukoy nito sakin at tinuro pa ako.

Nilingon ako ni Adonis bago bumaling ulit sa matanda. "Hindi na po, Nana. Kakakain din lang po namin. Hinatid nya lang ako, saka may trabaho po yan."

Tumango ang matanda. "Ganon ba. Sya sige ikaw ang bahala. Pumasok ka na ha?"

Glasses And CigarettesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon