Chapter 5

60.1K 1.3K 137
                                    

Joshia

"Akala ko di ka na papasok." Salubong sakin ni Maui ng makalabas ako ng Staff Room para magsuot ng uniporme.

"Why wouldn't I?" I asked him and started mixing liquors beside him.

Naka pila na agad ang mga orders. Maaga pa pero marami na agad ang nandito. Maya maya lang ay puno na naman ang bar, sa bawat paglalim ng gabi ay ganon din ang dagsa ng mga customers.

Magandang bagay din naman, mas marami kaming kikitain. More customers, more tips.

"E diba may problema ka? Akala ko bad mood ka pa rin hanggang ngayon." He replied.

Nagkibit balikat lang ako at hindi na umimik. I focused on my work when costumers started arriving to the counter. Paingay na rin ng paingay ang mga tao kasabay ng malakas na tugtog mula sa naglalakihang speakers.

"Martini please." A lady approached the counter.

Mabilis akong kumilos para ihanda ang order nya habang hinahanda rin ang tatlo pang order na nauna. Sa apat na counter na meron ang bar, sa counter namin ni Maui ang may pinaka maraming costumer.

Thanks to my father for giving me good looks.

"Pre, ang dami yatang tao ngayon." Bulong ni Maui sakin habang naga-abot ng orders sa mga waitress.

"I noticed that too." I shortly said.

It's not really a big deal dahil kilala ang bar sa buong lugar. Siguro ay mas marami lang ang nagcecelebrate ngayon ng kung anong mga okasyon kaya mas marami ang mga tao. Mas maganda nga yun e, more tips.

"Here's your order, Ma'am." I served a plate of chips and one cocktail.

Naging abala kaming pareho ni Maui habang palalim ng palalim ang gabi. Hindi na namin nagawang magpahinga dahil may dumating na bisita ang may ari ng bar na kailangan naming asikasuhin.

"Josh, sa VIP ka raw." Jak told me as he passed our counter.

Nagkatinginan kami ni Maui bago nya ako tinapik sa balikat. He called the other bartender na walang ginagawa para pumalit sa pwesto ko. Tumaas ako sa VIP area para ron magserve ng mga inumin.

"Sorry for the disturbance, Josh. They requested our best bartender so I called you." Mr. Abeth Chan told me as I arrive at the counter.

I just nodded my head as acknowledgement. Nagsimula ng umorder ang mga bisita nya ng iba't ibang uri ng inumin. Mabuti na lang at kaya nilang mag intay. I can't do all their drinks at once that fast.

"Athan, I want to congratulate you for your up coming wedding. After so many years, may nahanap ka na ring ipapalit sa yumao mong asawa." Mr. Chan said to the man acrossed him.

Malapit lang sa counter ang mesa nila kaya rinig na rinig ko ang pinag uusapan nila. Wala sa plano kong makichismis kaya nagfocus na lang ako sa ginagawa. After fifteen minutes, I served their drinks.

"Thank you." Mr. Chan mouthed and raised his drink.

I nodded in response and wait for their next order. Tatlo ang counter dito sa VIP area pero kakaunti lang ang mga tao. Mas gusto kasi nila sa baba para makipag sayawan at guluhan sa mga costumers. Dito kasi ay medyo nakaka antok.

After an hour of serving them, they stop from drinking and talk about something. Tumayo yung tinawag na Athan at pumunta sa pwesto ko. I stood straight and waited for his order which for sure will be vodka, he's been drinking it.

"Another vodka please." Malalim ang boses nyang sabi.

Tumango ako at nagsalin ng vodka sa isang shot glass at inabot yun sa kanya. Inisang lagukan nya yun at binaba ang baso sa counter. Mukang lasing na ito dahil sa namumula nyang muka at bagsak na mata.

Glasses And CigarettesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon