Chapter 30

45K 1.1K 422
                                    

Joshia

"Anong ibig sabihin non, Joshia? Kailan mo pa kilala si Adonis, ha?" Malumanay pero mapangakusang tanong ng Nanay ko.

"He's my schoolmate since elementary." I replied.

"Hindi mo sinabi sakin!" Tumaas ang boses nya.

"Hindi naman kasi kailangan. Saka malay ko bang sya ang anak ng asawa mo." I frowned.

"Godness, Joshia! Are you gay?!" Galit nyang tanong.

"What if I am?" Matigas kong tanong.

Ako? Bakla? Hindi. Hindi ako bakla, pero ayoko sa babae. Ayoko sa kanila hindi dahil sa bakla ako kundi dahil sa kanya. Pinatunayan nya saking sakit lang ang dala ng mga babae.

She scoffed. "What the hell?! Hindi kita pinalaking ganyan!"

"Hindi mo ako pinalaki, Mama! Wag mo 'kong sumbatan dahil si Papa at ang sarili ko ang nagpalaki sakin!" I raised my voice too.

How could she?! She raised me?! Ha! When?!

Natahimik sya sandali pero nagsalita ulit. "Mali ito, Joshia!"

"What do you mean, it's wrong?" I frowned more.

"That thing you had for Adonis!" She yelled.

"It's not fucking wrong, mother." I hissed.

"It is! You're now brothers for Pete's Sake!" Her eyes widen in anger.

I laughed sarcastically. "Brothers? Are you fucking with me?"

"Joshia!" Galit nyang tawag.

"We're not fucking brothers, mother. Kayo lang ng ama nya ang may relasyon, kayo ang pamilya, wag nyo kaming idamay!" Sigaw ko.

Sinasabi ko na noon, wala akong kapatid, hindi ko sya pwedeng maging kapatid kung hindi ang ama ko ang ama nya.

"How dare you?! Ako pa rin ang ina mo, Joshia! Wag mo 'kong sinisigawan!" Galit nyang sigaw.

"Ina kita pero ni minsan hindi mo yun pinaramdam sakin!" Galit ko ring sigaw at tinuro nya.

"Nang mamatay si Papa, hindi na kita ina! Dahil mas pinili mong humanap ng kapalit nya kesa damayan ako sa pagluluksa at pagaasikaso sa burol nya!" Sumbat ko.

"You're not a mother, because mothers don't abandon their childs like what you did." I said, full of hatred.

Hindi sya nakapagsalita. Sinubukan kong pakalmahin ang sarili dahil ayokong magalit ng tuluyan sa kanya. Gusto ko lang ngayon ay ang ipakitang wala na talaga akong pakialam sa buhay na meron sya. May sarili na 'kong buhay.

"Look, Ma. Nandito ako dahil pinilit mo 'ko. Nandito ako kasi gusto kong tumigil ka na sa panggugulo sakin." Mahinahon kong sabi.

"Pinagbigyan kita kasi Nanay kita, pero huli na 'to. Hindi na tayo magkikita pa ulit pagkatapos ng araw na 'to." I declared.

"Josh--" She called.

"Don't. Don't say anything. I'm tired." I put my hand across her face.

Tinalikuran ko sya dahil pakiramdam ko ay mawawala ang respeto ko sa kanya sa oras na may sabihin pa syang hindi ko magugustuhan. Nagtungo ako sa garahe kung saan nakapark ang motor ko. Saktong nakita ko si Adonis na palabas ng hotel.

"Ivan." Hinarang ko sya.

I frowned when I saw him crying. I was about to hold his face to wipe off his tears when he pushed me. Napaatras ako ng bahagya. Nakatungo sya para hindi ko makita ang muka nya pero sapat na ang paghikbi nya para masabi kong umiiyak sya.

Glasses And CigarettesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon