Chapter 19

43.7K 1.1K 459
                                    

Joshia

They won, fortunately.

He's really not in the mood to play but good thing he manage the strength of his pitch and played well. Wala rin silang laro bukas. The other teams will play and the team who will win will be their next opponent on Thursday.

Nagdiwang ang mga schoolmates namin. I can see the joy in the face of his every teammates. Kahit ang Coach nila ay mukang nakahinga ng naluwag dahil may isa na silang panalo. I think hindi nya inaasahang mananalo pa rin sila.

"Let's celebrate! To the cafeteria!" Masayang sigaw ni Jake.

"WOOOOOHHH!" Everyone shouted and went off the field to celebrate.

"Joshia, won't you come?" Tanong ni Sir Arnold sakin ng makitang iba ang daan na tinahak ko.

I glance back at him and shook my head. "I'll go ahead, Sir. Congratulation."

Ngumiti ito at tumango. Tinawag nya ang tatlong kaibigan ni Adonis para isama. I can't see the latter so I continue leaving the field. Magtatahan na lang ako sa room at iintaying magsimula ang Archery Con para manood.

Pagdating ko sa classroom ay walang tao. Lahat ay nasa labas, nageenjoy sa mga booth. I sat on my chair and picked my book out. I brought this because I know I'll be bored and it's a good decision. I got my headset on and played music.

Hindi pa ako nakakatapos ng isang sentence ay may gumulo na agad sa pagbabasa ko. I first thought that it was Adonis but it's Ian. May dala syang dalawang cup ng fries at dalawang iced tea. Malapad rin ang ngiti ng loko.

Nilapag nya ang isang cup ng fries at iced tea sa mesa ko. I stared at him boredly. Umupo sya sa tabi ko at sinimulang kainin ang pagkain nya. Bumalik ako sa pagbabasa at nilakasan ang volume ng pinapatugtog ko.

"Eh? Hindi ka kakain?" Kinalabit nya ako at tinanong.

I ignored him. I actually can't hear him clearly.

Kinalabit nya ako ulit kaya nilingon ko sya. Tinuro nya ang pagkain na nasa desk ko tapos ang bibig nya. I frowned at him. Napakamot sya sa ulo bago hinigit ang headset ko sa tenga.

"Kumain ka na kako. Para sayo yan." Turo nya sa pagkain.

Tumingin ako sa fries at iced tea. Wala akong maalalang nagorder ako ng pagkain sa cafeteria.

"Libre yan. Kainin mo na." Dagdag nya.

"From you?" I guessed.

Ngumiti sya at umiling. "Galing don sa new friend mo."

Kay Adonis?

Tumingin ulit ako sa pagkain. Why would he give me this? I'm not really hungry but I just can't waste these foods. Though I can give it to Ian but hearing that it's from Adonis, I rather force my stomach to digest these.

"Nagaway kayo?" Chismoso nyang tanong.

"Hindi." Tipid kong sagot.

"E bakit ka sinusuyo?" Tanong nya ulit.

"Hindi ko alam." Sagot ko ulit.

Sumimangot sya. "Ganda mong kausap no?"

"Siguro." Nagkibit balikat ako at hindi na sya pinansin.

Umalis na rin si Ian after nyang kumain. May practice raw sila ng soccer ngayon dahil wala ng tao sa field. Naganunsyo na rin ang President na magsisimula na ang Archery Con kaya lumabas na rin ako ng classroom.

Nagpunta ako sa Sports Center, don gaganapin ang Archery Con, sa malaki na basketball court dahil hindi kasya ang mga manonood sa mismong Archery room, it's just for practicing after all. Marami akong nakasabay na mga manonood.

Glasses And CigarettesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon