Chapter 28

42.7K 1K 228
                                    

Adonis

"Grabe namiss kong umangkas sayo!" Masaya kong sabi.

Papunta kami sa Mall para bumili ng susuotin namin sa Friday. Alam kong maaga pa para don pero pareho naman naming vacant time ang first period ngayong araw kaya pwede kaming malate ng pasok dahil wala naman kaming klase pa.

Magiging busy rin kami sa susunod na mga araw dahil malapit na rin ang exam week. Alam kong saming dalawa ay mas magiging abala sya kaya sinusulit ko na. Lagi ko syang nakikita sa Library ng school twing papalapit na ang exam week.

Don sya laging nagaaral at nagbabasa. Hari ng Library ang tawag sa kanya dahil walang gustong pumasok ng Library twing nandon sya. Kasi twing may nagiingay sa Library habang nandon sya ay nagiging candidate agad ng expullsion.

He's a nerd that no one tried to bully. Aside from being the former President of our school, he give this aura that tell you to back off whenever he's near. Hindi man halata pero kahit ako ay hindi sya sinubukang pagtripan noong mga panahon yun.

I tried once but he ignored me. I locked ourselves inside the bathroom and pick in him but he just shrugged and kicked the door off from the door frame. Yes! He's more badass than me! Kaya nga sya kinakatakutan.. at kinaiinisan dahil napakaKJ nya.

He removed the School fair and many clubs that for him is a hindrance for our study. Puro aral lang ang alam nya at pagawa ng mga rules sa school na minsan ko ng kinainisan dahil ako lagi ang naaapektuhan.

Lahat yata ay tumatama sakin e, bwiset.

Huminto sya at nagpark ng motor.
Nakasunod lang ako sa kanya habang nagtitingin kami ng mga shop na magandang bilhan ng damit. Wala talaga akong balak na pumunta don kung hindi lang ako blinackmail ng magaling kong ama tungkol sa isang bagay.

Bwiset talaga sya. Maging pusit sana ang magiging anak nilang dalawa.

"O-Oh? Joshia?!" A lady excitedly approached Joshia when we entered her botique.

She looks fine and young for me. May kamuka sya pero hindi ko maalala kung sino. Nakasunod lang ako habang naguusap sila. Hindi ngumiti si Joshia pero maayos naman ang pakikitungo nya dito kaya behave lang ako dito sa likod nya.

"Aattend ka ba bukas? Para ba bukas ang damit na hinahanap mo?" Nanatili itong nakangiti.

"Mm. Bring every clothes that's velvet maroon and white." He simply said.

The lady ordered her employee to do what my Joshia said. Namangha ako dahil kahit dito ay may authority pa rin ang nerd na 'to. Magtyahin pala sila sa mother side nya. Mukang hindi sila close pero hindi rin naman magkaaway.

Tuwang tuwa pa nga ang babae sa kanya e.

"This one suits you. And this one and this one and this one!" The lady hyperly handed him a lot of clothes.

"I don't like these. I want something simple, one white and one velvet maroon." Joshia said with blank face.

The lady pouted and looked for the clothes he's asking. Wala akong taste pagdating sa mga damit na ganyan kaya pinaubaya ko na lang kay Joshia. At dahil nabobored na 'ko naisipan kong maglibot sa botique. May nakita akong pangkasal na damit.

Agaw pansin ang dalawang tuxedo na nakadisplay. Isang puti at isang itim. Hindi ko alam pero parang pangkasal yun ng parehong kasarian. Yung kulay puti kasi ay may vibes ng gown ng isang bride e. Pero syempre hindi ko sure kung pangkasal talaga.

"Mm.. parang bagay kay Joshia." Bulong ko habang nakatitig pa rin don.

Pero kung susuotin namin yan ibig bang sabihin ay... ako ang bride?! Kasi bottom ako at sya ang top?!

Glasses And CigarettesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon