Chapter 31

48.9K 1.2K 390
                                    

Joshia

"Josh.." He looked shocked and worried.

"Go back to work." I coldly said and moved away from him.

Pinagpatuloy ko ang pagtratrabaho, hindi ko na tinaas ang manggas ng damit ko. Naging abala kami lalo ng magdatingan ang iba't ibang grupo ng mga college students from different schools, malapit na raw kasi ang graduation nila so they will celebrate.

Nang magHot Night ay saka lang kami nagpahinga. Wala kaming imik pareho ni Maui na kanina pa abala sa cellphone nya. Para maging abala ay naghalo ako ng mga reservation drinks. Ginawa ko ang lahat para manatiling may ginagawa.

"Josh." Lumapit si Maui sakin.

"Hmm?" I hummed.

"Pahinga ka muna? Ako na muna dyan." Alok nya.

"No need. I'm not tired too." I said.

"Sigurado ka? Wala rin naman akong ginagawa, tulungan na lang kita." Nagsimula na rin syang kumuha ng mga alak na hahaluin.

Tahimik lang kaming dalawa at paminsan minsa ay maguusap. May paunti unti ring nagoorder na agad naming tinutugunan. Nasa kalagitnaan ako ng paghahalo ng may grupo ng mga lalaking pumasok ng bar, sobrang ingay nila.

"Yeah, yeah! Party, party!" The voice were very familiar.

I felt Maui stiffened beside me. Sunod sunod na dumaan ang mga lalaki sa may counter namin. Pamilyar silang lahat, syempre mga varsity player sila ng baseball team ng school namin. I sighed and didn't pay any attention to them anymore.

Naramdaman ko ang limang pares ng mga matang nakatutok sakin. Lumapit si Jake sa counter, sa mismong tapat ng balisang si Maui. Hindi ko sila pinansin at piniling abalahin ang sarili. Marami rami na akong drinks na nagawa, paunti unti ko rin itong siniserve.

May tumikhim at umupo sa harap ko. It was Ian and he waved at me. "Good evening."

"Good evening, Sir. What can I serve you?" I asked.

Ngumiwi sya at sumimangot. "Parang others 'to! Sir talaga?!"

"Beer? Whiskey? Scotch?" I asked again.

"Beer na lang. Seven buckets sa table namin." Sagot nya.

"Snacks?" Tanong ko ulit.

"Chicharon, sisig, nachos and dip saka fruit basket." Dagdag nya.

Tumango ako at pinasa kay Maui ang snacks nyang order at nagsimulang maglagay ng mga beer sa mga iced buckets. Tinawag ko ang mga waitress na malapit samin at pinaserve ang mga order ni Ian na tinuro ang pwesto nila then I went back to work.

"What the fuck are you doing here?" Maui whispered to Jake.

"We want to cheer, Adi. I forgot that Pres work here!" Jake whispered back.

"You fucker! I told you he's here! You're an idiot!" Maui hissed.

Jake scoffed. "It's not my fault! Sila ang pumili ng lugar!"

"Ewan ko sayo! Nandito na kayo, wala na 'kong magagawa. Pero ito ang sinasabi ko sayo, Jake, patay ka sakin paglumapit yan dito." Mariing bulong ni Maui at tinalikuan si Jake.

Jake's and my eyes met, he was shocked to learn that I'm accidentally listening to them. I shrugged and wiped the counter. Mayamaya ay tinawag si Maui para magserve sa VIP area. Ayaw nya sana dahil maiiwan raw ako dito pero wala syang choice.

I don't really mind. Madalang na rin naman ang umoorder dahil mga lasing na. Para maging abala ulit ay naglinis ako ng counter namin, nagpunas ng mga bagobg hugas na baso at plato saka nagarrange ng mga bote ng alcohols sa racks na nasa likod ko.

Glasses And CigarettesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon