Joshia
Our weekdays went fast and but not that busy.
Adonis became more at home in the unit than me. Dahil dito sya titira muna ay binigyan ko sya ng mga gawaing bahay at responsibilities. Pumayag naman sya dahil para raw kaming magasawa non, abnoy.
"Mm! Bakit ba?!" Inis nyang ungot.
"May lakad ka rin diba? Bumangon ka na!" Hinampas ko sya ng unan.
Ganito ang naging routine namin sa halos isang linggo nyang pagstay dito. Sobrang hirap nyang gisingin twing umaga. Sobrang hirap nya ring patulugin sa gabi dahil gusto nya bago kami matulog magtatalik muna kami, pampaantok nya raw kasi yun.
"Tutulog pa nga ako!" Reklamo nya.
"Malalate ka sa lakad mo, Ivan. Get the fuck up!" I hissed and pulled the comforter away from him.
Padabog syang bumangon at sinamaan ako ng tingin. Tinaasan ko lang sya ng kilay at tinuro ang banyo. Ang totoo nyan ay tanghali na, hapon ang party na dadaluhan naming dalawa hanggang gabi. Kailangan nya nga lang umuwi muna ngayon sa kanila.
"Bakit ba kasi ako pinapauwi don?!" Inis nyang tanong.
"Because your Nana wants to make sure that you're okay. Sigurado rin akong namimiss ka na non." Sagot ko.
Ngumuso sya at dinipa ang mga braso, gustong yumakap at magpabuhat. Lumapit naman ako para pagbigyan sya. Binaon nya ang muka sa dibdib ko at pinagtripan ang mga nipples ko. Nang masiyahan ay nagpabuhat na sya papunta sa banyo para maligo na.
Iniwan ko sya don at pumunta ng kusina. Nagorder lang ako ng pagkain dahil wala ako sa mood na magluto. Kanina pa kasi tawag ng tawag ang Nanay ko, actually noong Tuesday pa. Tinatanong ako kung aattend ba ako o hindi.
Kinulit nya rin ako ng kinulit na sunduin ng mga tauhan nila. Syempre hindi ako pumayag dahil may motor ako na kaya kong idrive. Ayoko ngang umasa sa karangyaang hindi naman sa kanya. Besides, hindi naman ako magtatagal don.
Dadaan lang ako, babatiin sya at makikipag-plastikan sa mapapangasawa nya. Umabsent ako para lang dito, para tigilan na nya ako. I made an excuse letter at pinaabot ko yun kay Ian. Wala naman kaming quiz ngayon e, kahit si Ivan.
May matigas at mabigat na braso ang yumakap sa bewang ko mula sa likod. I can smell my bodywash and mouth wash. Kahit kailan talaga ay puro gamit ko na ang ginagamit nya. Hinila ko sya paharap sakin at pinunasan ang basang basa nyang buhok.
"Nagkalat ka lang ng tubig sa sahig, Adonis." I frowned at him.
Ngumiti sya, nagpapacute. "Hehe.. namiss kita e."
"Nasa iisang bubong na tayo ngayon, Adonis. Wag kang baliw." Tinabon ko sa muka nya ang tuwalya at umupo na sa upuan.
Sumimangot sya at umupo sa tabi ko. Ayaw nyang umupo sa tapat ko, gusto nya raw kasing laging malapit sakin, yung walang pagitan o space. Naging malala ang pagiging clingy nya simula noong umuwi kami galing Tagaytay, napuno kasi ng hangin ang utak nya.
Kumain kami ng tahimik.
Alam kong ayaw nyang umuwi pero wala syang choice. Sabay sabay raw kasi dapat sila ng ama at ng step-mother nya na magpapakita sa mga bisita nito. Sa malaki at sikat na hotel gaganapin ang magarbo at engrandeng Engagement party.
Ganon rin ang sa Nanay ko.
Big time talaga ang mapapangasawa nya. Wala naman yun sakin dahil matagal na 'kong walang paki sa kanya at sa mga ginagawa nya. Gusto ko lang na tuluyan ng makawala sa kustodiya nya, mangyayari lang yun pagkagraduate ko.