Joshia
"Zamora! Ano ba?! Nagprapractice tayo! Ayusin mo!" Sa ika-sampung pagkakataon, nasigawan nanaman sya.
Nalukot lalo ang muka nya at inis na napalatak. Bumwelo sya at binato ang bola pero nasobrahan na naman sa lakas kaya kailangang iwasan ng Catcher nila. Halatang kanina pa sya naiinis dahil sa lakas ng bawat pagbato nya.
"Break muna, Coach!" Sabi ng Captain nila at lumapit sa Coach.
Pabatong binitawan ni Adonis ang gloves na suot at nagmarcha papunta sa isang tabi at don humalikipkip. I crossed my arms and leaned on the bleachers. Kanina pa sya ganyan, nakakatawa ang itsura nya.
But he needs to be serious. Nadinig ko na apat ang baseball team na makakalaban nila at magagaling rin. Ang dinig ko ay ang mananalong team ay maaring lumahok sa Regionals na gaganapin sa susunod na buwan.
At gusto ng teammates nya na sila ang manalo. That's why they need to work hard in order to reach their goal. Pero hindi naman nakikiayon ang mood ng loko dahil kanina pa sya sumasablay simula nong nagsimula sila.
"Guirero!" Biglang sigaw sa apilyedo ko.
Liningon ko ang lalaking tumawag sakin. Ang Coach nila at sinenyasan akong lumapit. The delinquent wasn't looking so he didn't noticed me going at their direction. Lahat sila ay nagaabang na makarating ako which confused me.
"Yes, Sir?" I asked.
Ngumiti ito. "Napansin kong sumusunod sayo si Zamora, pwede ka bang magtahan muna rito sa field? Para kasing lutang ang lalaking yun kanina pa."
Napatitig lang ako sa kanya. Anong tingin nya sakin? Amo ng lalaking yun?
"Kung ayos lang sayo. Sa tingin kasi namin ay kayang kaya mong pasunurin si Zamora. Kailangan naming magseryoso sa practice kaya sana pumayag ka." Sabi pa nya.
Tumango ako. Wala naman akong choice kundi ang pumayag dahil lahat sila ay binibigyan ako ng umaasang tingin.
"Josh?" Hinila ako ni Adonis sa braso para paharapin sa kanya.
"Anong ginagawa mo dito? Naiinip ka na ba?" Tanong nya.
Binigyan ako ng Coach nila ng makahulugang tingin saka pumito. Bumalik sa kanilang pwesto ang mga teammates nya. Humarap ako kay Adonis.
"Nasaan na ba kasi yung tatlo. May kasama ka sana ron." Iritang tanong nya sa sarili.
Humalukipkip ako. "Magpractice ka na. At ayusin mo para matapos na kayo. Gusto mong gumala ngayon diba?"
Natigilan sya bago tumango. "O-Oo."
"Then pull yourself together. Pinagmumuka mong tanga ang sarili mo." Sabi ko at tinulak sya papunta sa gitna.
"Am I doing bad?" Tanong nya, nag iingat pa.
Walang pagdadalawang isip akong tumango. "Oo. You keep on messing up. What's wrong with you?"
Nag iwas sya ng tingin. "W-Wala. N-Naeexcite lang ako para mamaya sa date natin."
Tumaas ang kilay ko. "Maybe I should postpone it then?"
"No! I-I mean.. magfofocus na 'ko." Lumunok sya at sinuot ulit ang gloves.
"Galingan mo. Ayokong magmukamg engot ka na naman." Maikli kong sabi at naglakad papunta sa tabi ng Coach nila.
"Anong sabi nya?" Tanong nito ng makalapit ako.
"He'll be fine this time. He's just distracted." Kaswal kong sagot at pinagkrus ang braso sa dibdib.