Chapter 2

88.9K 2K 766
                                    

Joshia

I sat on the bed and messed my own hair. Parang pinukpok ng martilyo ang ulo ko sa sakit. Sanay na akong uminom pero nasobrahan yata ako kagabi dahil sobra ang pananakit ng ulo ko ngayon. Siguro yung epekto ng radiation sa mata ko ay ngayon pa lang lumalabas.

Pero puta, masakit pati na rin ang katawan ko.

I sighed and glanced at the guy laying beside me. Muntik ko ng makalimutan. Nakadapa ito at humihilik pa. May ilang mapupulang marka sa kanyang likod at sobrang dami naman non sa kanyang leeg. May ilang kalmot rin sya.

Tumingala ako at mariing pumikit. Sinesermonan ko na ang sarili dahil naging pabaya ako at nagpadala sa tawag ng laman. Heto tuloy ako ngayon at kailangang umabsent dahil late na rin naman ako sa klase. Mas gugustuhin kong umabsent kaysa pumasok na late.

Damn. Yung Biology quiz ko.

I hissed in the air and messed my hair again before standing up. Parang namamaga ang lahat ng muscles ko. But I need to go home. Mamayang hapon na lang ako papasok at hihingi ng quiz sa Biology, mabait naman si Sir Sante kaya madali lang yun.

Kinuha ko ang mga damit sa sahig at isa isang sinuot. Pinagpag ko ang hoodie na suot at pinasadahan ng daliri ang buhok. Tumingin ako sa salamin ng banyo ng kwartong inookupa namin. Hindi ko inaasahang pati ako, kakagamit nito.

Sinilip ko ang bawat parte ng katawan ko. Puno ng chikinini ang leeg ko pati na rin saking dibdib na natatabunan naman ng aking suot. Naghilamos ako ng muka para magising ng tuluyan. Gusto ko sanang magshower pero paguwi ko na lang.

Pinunasan ko ang lense ng salamin na hinubad ko kagabi saka sinuot ito. I still looked like a piece of shit na may konting tulog. Lumabas ako ng banyo at nakitang nakaupo na ang lalaki pero nakatalikod ito sakin at hinahampas ang ulo nya.

"F-Fuck. H-Hindi na 'ko iinom!" Galit nyang angil.

Gusto ko sanang umingos dahil narinig ko na ng maraming beses yan.

Nagtungo na lang agad ako sa pintuan at binuksan yun. Wala akong planong magpakilala sa kanya o ipakita ang muka ko. Hindi sa nahihiya ako kundi dahil wala akong makitang rason para gawin yun. Hindi naman required na makilala ang isa't isa.

It's just normal one night stand.

Saka nagmamadali ako. Wala akong planong maground two. Basing on his wild behavior last night, posibleng magka round two. Nagdirecho ako sa Parking ng bar ng maka labas at sumakay agad sa motorsiklo ko at sinuot ang helmet.

Pinaharurot ko ito agad papunta sa condo ko. Pagkauwi ay nagligo agad ako at nagbihis ng maayos na damit. Nagmessage ako sa advicer ko na maghahalf day ako ngayon dahil nalate ako ng gising, naintindihan rin naman ni Sir Arnel.

He probably think na pagod ako sa trabaho. Hindi, Sir. Sa sex ako napagod.

Nilabas ko ang notes at umupo sa swivel chair ko at nagsimulang magreview saking study table. I have tons to read. I set my alarm clock for lunch time para hindi ko makalimutang kumain at maghanda papasok mamaya.

I was busy reading and taking mental notes in my Biology subject when my phone beeped. I received another message from my mother asking for me to meet her in some random coffee shop to talk again. May emojis na ding kasama ang text nya.

I ignored it. Ignore everything that bothers you is my motto in life.

Not that I hate my mother or what. I just don't want to talk to her right now. Baka masira lang ang araw naming pareho. Lalo na kung ang binalita nya sakin kagabi ang pagu-usapan naming dalawa.

Ang nalalapit nyang kasal sa bago nyang karelasyon. Pang ilang kasal nya na ba 'to? Kailan ba sya mapapagod na maghanap ng lalaking makakapantay sa Tatay ko? She should give up already.

Glasses And CigarettesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon