Chapter 15

59.1K 1.3K 257
                                    

Joshia

The most awaited week of all students came. After two years of being removed, the School fair has now returned and started. Pagpasok ko ng campus ay nagkalat ang mga estudyente na halatang mga excited.

Nakakapanibago rin tingnan ang school na puno ng dekorasyon at nakakalat din ang iba't ibang flag kung saan nandon ang logo ng mga schools na magpaparticipate sa mga sport contests, mga anim na schools.

Everyone is either wearing their sports uniform or in civilian attire. Buong linggong walang klase kaya hindi na kailangang magsuot pa ng uniform, kahit ang school officers ay suot din ang sarili nilang uniforms.

Nagdirecho ako sa classroom. I found my classmates all happy and excited. Madami rami ang kaklase kong athletes kaya halos mga nakamaroon at puting shirts ang mga nandito. Yun kasi ang main color ng school namin.

"Morning, Josh!" Masiglang bati ni Ian na todo ang ngiti.

I only nodded at him. I noticed a not yet fully healed bruise on his side lip. Mukang napansin nyang nakatingin ako ron kaya napahawak sya sa pasa sa muka. Ngumiwi sya, mukang may naalala.

"Pambabakod ang tawad dito, hehe." Sabi nya kahit hindi ko naman tinatanong.

Hindi ko sya pinansin at umupo lang sa upuan ko. Mamayang alas otso pa ang Opening Ceremony, pagdating ng mga school's participants. Ipapakilala ang bawat varsities at ang mga Principals and Visitors.

Nilabas ko ang nobelang hindi ko pa tapos basahin. I found it in my shelf, maybe it's one of the books that I bought but haven't read. Or it's one of the gifts from my classmates after we graduated in junior high school.

Nonetheless, it's a good book.

"Hindi mo ba ako tatanungin kung sino ang bumanat sakin?" Pangugulo nya.

"Not interested." I replied.

"Eh! E di sasabihin ko na lang sayo kahit di ka interesado!" Madesisyon nyang sabi.

I rolled my eyes and flipped another page. Lumapit sya sakin para bumulong. "Yung bago mong friend, yung Adonis."

My ears twitched. Nilingon ko sya na nakakunot ang noo. Lumawak ang ngisi nito at umayos ng upo. Tinuro pa nya ang pasa sa kaliwang gilid ng labi na parang pinagmamalaki pa.

"What do you mean Adonis hit you?" I asked.

"Naalala mo ba nong nalate kang pumasok? Noong Friday! Tama!" Sabi nya.

"Pumunta sya rito, hinanap ka samin pero hindi rin namin alam kung nasaan ka. Tapos syempre nagalala ako kasi kilalang basagulero yun diba? Kaya kinompronta ko sya!" Kwento nya.

Why would he? Is he stupid?

"Tapos biglang nagalit! Bakit aw ako masyadong concern sayo! Syempre sinagot ko na kaibigan kita kaya ganon pero puta! Nagalit lang lalo tapos sinapak ako! Joshia, sinapak ako!" Madrama nyang kwento.

Really? He didn't tell me that. So that's the reason why he's irritated, his expression just changed when he saw me. Tss. Ano bang pumasok sa utak nya. Ian's a good classmate, he shouldn't hit him because of some petty invalid reason.

"You should defended yourself." Sabi ko ng marealize na pwede naman syang lumaban pabalik.

Lumabi sya bigla. "Paano e apat sila, iisa lang ako! May dala pang baseball bat! Baka isang hataw lang sakin non patay na 'ko!"

A baseball bat? But he went to the Archery room empty handed.

"I apologize." I sincerly told him, sighing.

Glasses And CigarettesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon