Jazmine Allison
Nakipagsabayan akong sumayaw sa mga pinsan ko. It was a beach party dahil katatapos lang ng seremonya para sa amin ni Sofiera. Wala rin namang ibang tao rito kundi ang buong angkan lang dahil pribado itong pag-aari ulit ni Ate Natalie.
At last, Sofiera's mine. She's now Mrs. Giudevaun and I bet, mahihimatay sa inggit ang mga kaklase ko kapag nalamang sa Giudevaun ito nagpakasal pero hindi nila alam na ako ang salarin.
I threw my hands in the air and dance freely, swaying my hips to the beat. Wala na akong mahihiling pa kung hindi ang maayos na pagsasama namin ni Sofiera. Siya lang naman kasi ang pinangarap ko dati pa and now that she's mine. I felt complete and contented to the point na pwede na akong humimlay.
The beat was nonstop since ginawang disco ito sa tabi mismo ng dagat at may DJ pa talagang kinuha just for this event.
Natigil ako sa pagsayaw at napalingon sa lamesa kung saan ko iniwan kanina ang asawa ko ng tangayin ako ni Dominique at Swanelle Aspen, ang anak ni Tita Swan.
Nakatitig sa akin si Sofiera habang panaka nakang umiinom sa kopita nito at kausap si mommy Allison. As usual, mama Risen's everywhere at nagyayabang na naman ito. Siya lang naman ang hambog sa angkan namin. Siya lang din ang bastos at proud ito doon.
Kinindatan ko ang bagong may bahay ko at nakita ko itong napangiti. I continued to dance hanggang sa mapagod ako at umayaw na sa mga pinsan ko. I had enough, ayokong ubosin lahat ng enerhiya ko.
Naglakad ako palapit sa lamesa namin at naupo sa tabi ng asawa ko.
"You're tired now having fun?"
Humalik ako sa sentido nito. "Yes love. It's time for me to stay beside you."
"In that case, ako naman ang mag-aaya sa daughter in law ko para sumayaw." Si mommy Allison at kinuha nito ang kamay ni Sofiera. Walang nagawa ang mahal ko ng tangayin din ito ni mommy.
Napapangiti ako habang pinagmamasdan ang mga itong nagsasayaw kasama ng mga pinsan ko. I beamed ng makitang may sinabi si mommy Allison kay Sofiera at tumawa ito. They're both enjoying kahit noong una ay hindi naging maganda ang impresyon nila sa isa't isa.
Mommy Allison being my sugar mommy according to Sofiera and Sofiera as the villain sa paningin ni mommy Allison. It's just so silly of them.
The party lasted until three in the morning dahil sa mga pinsan at ala-pinsan, referring to Tita Swan, Tita Xen, Tita Jen, and Tita Ambers childrens na ayaw paawat. Habang kami ni Sofiera ay nagpaalam mga ala una na ng umaga.
Kinabukasan, tanghali na halos lahat ng magising at kasalukuyan kaming nasa hapag ngayon at kumakain ng brunch. This is a fourty seater dining pure narra table na pinagawa pa talaga ni Ate Natalie para sa aming lahat, mas maganda raw kasi kaysa sa nabibili kaya lahat ng pribadong resorts nito ay may ganito para sa amin.
"Aray mommy!" Sigaw ni Tobias ng pingotin ni Tita Meadow ang tainga nito kaya napalingon kaming lahat.
"If you're not going to eat then go back to sleep. Don't stay beside me and sleep and expect me to watch you while you're disrespecting the food."
Napangiti ako. Si Tita Meadow ay kaparehas ni Ate Medusa o kilala bilang Mikaela. Parehas na malamig at masungit. Hindi ko lang alam pero para sa akin, mas mabait si Tita Meadow ng dalawang pulgada.
"Eat your food love." Agaw pansin sa akin ng mahal kong nakaupo sa tabi ko.
Dinampot ko ang tinidor na may nakatusok na nahiwang steak at saka ito kinain.
"Can we cuddle later? Gusto kong matulog maghapon." Mahina kong wika rito.
"We can cuddle pero ikaw lang ang matutulog."
