Chapter 40

5K 164 14
                                        

Jazmine Allison

Napahilot ako sa aking sentido ng marinig ang sinabi ng Doktor. Siguro may paraan pa.

"Dok, hindi kaya nagkakamali ka lang?" Nanghihina akong napatingin rito.

"Hindi pwede, idedemanda kita." Sabat ni mama Risen.

"Ma." Awat ko rito.

Sinamahan kasi ako nito sa hospital para pagbigyan ang matagal na nitong inuungot. Ang magkaroon ng apo but I am not capable to bear it dahil may problema ang mga fallopian tubes ko.

In short, infertile ako.

Ano na lang din ang sasabihin sa akin ng asawa ko? Now I am thankful na hindi ako naging lalaki kasi mas malaki siguro ang epekto non sa ego ko kapag sinabihan akong inutil.

"Hindi po ako pwedeng magkamali Mrs. Giudevaun." Baling nito kay mama Risen. "I run a lot of tests already at iisa lang ang sinasabi. If you want we can do surgery-"

"No." Agad kong tutol.

Iyan ang isang bagay na hindi ko gagawin sa buhay ko unless it's necessary at wala akong choice o walang kakayahang magdesisyon. And my choice right now ay hindi ako magpapaopera at alam iyan ni mommy Allison at mama Risen.

Alam ko ng madi-disappoint ko si Sofiera kasi gustong gusto nitong dalhin ang baby na manggagaling sa akin pero sa ngayon, parang galing na lang rito ang pwede rin nitong dalhin.

Masaya pa rin naman ako dahil nagmamahalan naman kami at wala naman sa aking issue pagdating doon dahil kung ganun nga ako, wala akong magagawa kung hindi tanggapin ang bagay na iyon pero gusto ko rin sanang mapasaya ang mga magulang ko.

"Ma, umuwi na tayo. It's fine with me, Sofiera can give me an heir."

"Pero anak-"

"Ma, hindi tayo magtatalo sa bagay na ito. You know my answer is no."

Wala itong nagawa kung hindi ang magpaalam sa Doktor. Nagpasalamat naman ako at nagpaalam rin.

Ng makarating kami sa parking lot at makapasok sa sasakyan ko ay pinaandar ko ito kaagad.

"Ma, don't worry-"

"I'm not upset na infertile ka. I'm more upset na tumatanda na ako yet wala pa akong apo. Look at your Tita Pransya, malaki na si Vega. I want to have a baby in the house at ang Kuya mo naman wala yatang balak mag-asawa."

"Kakausapin ko po ang asawa ko, ma."

"Hindi naman kayo nagpa-family planning no? Kasi kahit ilan pa iyan, kaya natin buhayin. Any time dapat handa kayo kasi dumadanak ang pera sa bangko. Anong gagawin natin doon when we're already helping a lot of people and animals pero hindi talaga maubos ubos ang hayup."

Napatingin ako rito saglit bago ibaling ulit ang paningin sa kalsada. Bakit minumura na nito ngayon ang pera?

"Ang iba dyan, sunod sunod ang anak kahit hindi na kayang buhayin walang family planning. Maitusok lang at mairaos ok na. Tayo pa kaya?"

"Mama? Tama na ha, kakausapin ko ang asawa ko pero dapat kapag ginawa na namin ang proseso na iyon. Ikaw muna ang mamamahala pansamantala sa iiwan niyang posisyon sa eskwela-"

"Walang problema anak! Kaya kong pamahalaan iyan ng dalawang taon kahit nagretiro na ako basta siguradohin mong papayag agad si Sofiera."

Nagmamadali? May hidden agenda na naman kaya ito?

"Sige ma."

Ng makarating kami sa mansyon ay bumaba ako para makita si mommy Allison. Sa bahay na kasi ako ni Sofiera nakatira ngayon. Ng makita ko ito sa sala ay agad akong lumapit at yumakap rito.

"Hi my. Kumusta ka naman rito?"

"Ok naman anak. Saan kayo galing ng mama mo?" Tanong nito sa akin pero kay mama Risen nakatingin ng nananantya ng humalik si mama Risen sa pisngi nito.

"Hello sweetheart. Sa kusina lang ako saglit, nagugutom ako."

Nagkibit naman ako ng balikat. "May dinaanan lang po kami, isa sa mga upcoming projects namin." Sagot ko ng makaalis si mama Risen.

Tinitigan ako nito. "Anong klaseng proyekto?" Hindi kumbinsidong tanong nito.

"Iyong oorderin na steels galing Germany para sa itatayong building. Two years bago iyon matatapos pero dapat sa lalong madaling panahon ay masimulan na agad iyon mommy." Well, I am not lying. Malaking project namin ito ni Dominique pero hindi ko sasabihin kay mommy Allison ang pagpunta namin sa pribadong clinic kanina.

She'll freak out kapag nalaman nitong infertile ako and I don't want to break her heart. Alam kong mahal na mahal kami nito ni Sofiera at ayokong magdala ng kahit anong negatibo sa relasyon namin. Tanggap ko naman iyon at sapat na sa akin si Sofiera. Now kung mabibigyan ako nito ng anak. Mas magiging masaya pa ako at mapupunan ang kakulangan ko.

"That's great. You're doing amazing anak. I'm so proud of you, kayo ng pinsan mo." Niyakap ako nito saglit. "Dito ka lang ha, kukuha ako ng niluto ko kanina para may dinner kayo ni Sofiera."

"Sige po mommy."

Nagtagal ito saglit sa kusina at naririnig ko na naman ang sagutan nila ni mama Risen na nakakatawa. Napapailing na lang ako. Sign of aging na yata kasi naalala ko noong mga bata pa kami ni Kuya Ri'son. Ok naman, hindi ganito si mama Risen. Parang ngayong tumatanda na ito ay bumabalik noong mga panahong mapusok ito.

Ng bumalik si mommy ay may dala itong paperbag na malaki.

"Wala akong maibibigay na leche flan ngayon anak." Inabot ko ang binigay nitong mga pagkaing nasa paperbag.

Ha?! Paborito ko pa naman iyong gawa mismo ni mommy kahit si Sofiera ay gustong gusto nito ang luto ni mommy.

"Po?!"

"Iyong itinabi ko para sa inyo. Kinain ng mama mong patay gutom. Bukas na, magluluto ako tapos ipapahatid ko sa mama mo o daanan mo ulit dito sa bahay."

"Sige po mommy." Kahit medyo nanlumo ako sa narinig ay hinayaan ko na lang. Gagawa naman ulit si mommy.

Mabulonan ka sana mama.

Narinig ko ang pag-ubo ni mama Risen mula sa kusina.

"Tignan mo, mag-isa na nga lang doon. Mabubulonan pa, akala mo may kaagaw. Huwag sanang matunawan."

Napakagat labi ako para pigilang matawa pero napangiti pa rin ako.

"Sige na mommy. Aalis na ako, sundoin ko pa ang asawa ko e." Humalik ako sa pisngi nito.

"Mag-iingat ka sa pagmamaneho anak."

"Opo, mag-iingat ka rin kay mama Risen mommy." Natawa ulit ako ng makitang napairap ito. "Mama! Aalis na ako!" Pasigaw kong paalam rito para marinig ako. Ayoko ng puntahan pa ito at baka mahuli ako sa pagsundo.

"Drive safe anak! Ikumusta mo ako kay Sofiera! Pakimaneho mo na rin siya!"

"Bah tarantado talaga! Sige na anak, ingat ka."

Natatawa akong tumalikod para makaalis na. Now, I can't wait to see my Sofiera. I pulled out my phone and text her ng makapasok ako sa sasakyan ko.

Be there in twenty five. I'll see you love! -Sent!

Agad naman itong nagreply.

Drive safe. I love you!





Napakagat labi ako. Kinikilig ako pucha!

Desiring Miss Fin (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon