Chapter 29

4.3K 202 8
                                        

Jazmine Allison

"Ayokong pumasok, my."

"Babangon ka diyan o papabugbog kita sa mama mo, Jazmine Allison Reyes Giudevaun?" Seryosong wika ni mommy.

Napasimangot ako.

"Ayusin mo iyang mukha mo."

Tamad akong naupo sa aking kama. Hindi sa ayaw kong pumasok kung hindi ay ayaw ko munang makita ang kasintahan ko.

Hindi ko alam pero naduduwag ako. Sabi ni Liam ay may dinadala ito. Paano nga kung buntis ito? Ano ng gagawin ko? O sige, tanggap ko ang bata kahit masakit pero papaano iyon nangyari? Bakit ito pumayag o katulad ba ito kay mommy Allison na hinalay ni mama noon?

"Ayoko munang pumasok mommy kahit ngayong araw lang."

"Bigyan mo ako ng isang rason, Jazzy."

"I don't feel well."

Naupo ito sa tabi ng kama ko at tinitigan ako ng matiim.

"Saan kayo nagpunta ng mama mo kagabi? Nagbisyo ba kayo ha? Ng pag-untogin ko kayong dalawa."

"You're so violent mommy. Of course wala, nagbonding lang kami nina Tita Xen at Tita Swan."

Napatanga ito sa akin. "Bakit sobrang gabi? At wala akong tiwala sa mama mo kapag nagyaya iyon ng dis oras ng gabi at kasama pa si Swan at Xen."

Napakamot ako sa aking noo.

"Mommy, nagkwentuhan lang sila at kumain ng chips. Hindi na mambababae pa si mama kung iyon ang inaalala mo, sa tanda na niyang iyon saka pinagyayabang nga kagabi na ikaw nga lang daw ang binastos e."

Nanlaki ang mga mata nito sa narinig. Well it was true, mama Risen said it pero nilalayo ko ang usapan sa totoong nangyari kagabi. Hindi pwedeng malaman ni mommy kung hindi ay baka hindi lang untog ang abutin namin ni mama Risen dito.

"Sinabi ng mama mo iyon?!"

"Bakit mommy? Sino ba sa tingin mo sa amin ang sinungaling? Siya o ako?"

"Siya!"

"Pala e. Pwedeng sa bahay muna ako ngayon my? Magpapahinga lang ako. Mukhang nasalubongan ako ng lamig kagabi."

Pumayag ka na mommy! Medyo broken hearted ako ngayon!

"Sige, dito ka lang sa kwarto mo."

Mabilis akong bumalik sa pagkakadapa at saka nagpikit ng mga mata.

Finally.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog pero ng magising ako ay maraming missed calls si Sofiera. May chat din ito pero hindi ko binasa. Kung buntis ito, I can't ignore it anymore. Kung noon nakakaya kong balewalain ang pagsisinungaling nito sa akin tuwing sumasama kay Liam. Ngayon, ibang usapan na kapag may batang involve.

Parang biglang nanakit ang ulo ko.

Sofiera, tell me you did not cheat.

Hinilot ko ang sentido ko. Hindi ko rin kasi alam paano ipapaliwanag kay mommy Allison kung sakali. She like Sofiera for me.. a lot. Ayoko itong madisappoint.

Bumangon ako at dumiretso sa aking banyo bago naligo. Ng matapos ay saka ako nagsuot ng damit at nagpatuyo ng buhok.

Napabuntong hininga ako bago inabot ang cellphone ko. Nakita ko sa balita ang biglang pagbagsak ng Torilla chain hotel. Nagdeclare ang mga ito ng bankcruptcy at si Liam Torilla ay nasa hospital. He was charge with multiple crimes pero madadala muna ito sa rehab at pagkatapos non kapag gumaling ito ay pagbabayaran ang mga nagawang kasamaan.

Nakatanggap ako ng mensahe mula kay Sofiera ng tumunog ang cellphone ko.

Love, bakit hindi ka pumasok ngayon? Can I come see you after class?

Napakagat ako sa aking hintuturo.

What should I tell her? No? Yes, you can?

Sa huli ay hindi ko ito sinagot. Hindi ko alam pero naduduwag ako.

Kinabukasan ay nagrason na naman ako kay mommy na hindi ako papasok.

"Jazzy, is there something you need to tell me?" Nanunuri ang mga mata nito. "Kahapon ayaw mong pumasok kasi sabi mo you don't feel well tapos ngayon-"

"Why mommy? If I am sick yesterday, do you expect me to get well today?"

"Malamang."

"I think I still have a fever-"

"Sofiera came last night kahit gabi na at natutulog ka na. Pinatuloy namin siya ng mama Risen mo dahil ayokong maging bastos but she looked depressed. Nag-away ba kayo ha Jazzy?"

Napabuntong hininga ako. "Hindi po kami nag-away mommy. Sa totoo lang ay ayoko muna siyang makausap, ayoko muna siyang makita."

"But why anak? She's a good woman. Nakikita ko namang mahal ka nong tao. Nagbago na ba ang nararamdaman mo sa kanya? Tell her if you don't love her anymore, huwag mong paasahin ang tao."

Heto na ang sinasabi kong malaki ang tiwala ni mommy kay Sofiera. How can I tell her without breaking my mom's heart? Masasaktan ito kapag sinabi kong may posibilidad na buntis ang kasintahan ko, hindi naman ako intersex katulad ng pinsan kong si Dominique kaya malabong ako ang daddybels ng dinadala nito kung sakali.

"Wala namang nagbago mommy, I still love her."

"So umaakting ka? Tama si nanay, artista ka nga."

Napairap ako. "Ikaw daw iyon hindi ako mommy."

"Then what are you doing? You can tell Sofiera kung anong problema kasi anak kasintahan mo iyon, dapat sa kanya ka nagsasabi at nagtitiwala."

Trust..

I trusted her pero sa puntong ito ay hindi ko na alam kung sino at ano ang paniniwalaan ko.

And she came last night para ano? I don't want to hear for now that she's carrying someone's baby.


*****


"L-Love."

Napalingon ako ng may magsalita sa likuran ko. Papasok na sana ako sa sasakyan ko para makauwi ng bahay pero naabutan ako nito. Hindi ko ito pinapansin simula kaninang nagturo ito. Wala namang nagbago, maganda pa rin at sexy. Hindi ko lang alam kasi hanggang ngayon ay naduduwag pa rin akong tanungin ito kung anong totoo.

Kahit kasi bastos si mama Risen magsalita. Naturoan naman ako ng asal kahit papaano and one of them is to be honest. Kaya palagi akong kampante kasi akala ko kapag naging honest, iyon rin ang balik sa iyo. But I think I was wrong.

"Sofiera." Mahina kong wika rito.

Alam kong gusto ako nitong yakapin pero nasa parking lot kami at maraming mga estudyanteng nagkalat na pwedeng makakita sa amin.

"Iniiwasan mo ba ako, Jazz? Kasi I want to tell you something pero sana huwag kang magalit sa akin. Can we talk somewhere else?"

Malungkot ko itong tinitigan. "Not now, Sofiera. I have to go."

"P-Please love."

Napapikit ako ng makita ang nakakatunaw na titig nito. I love this woman and I am ready to accept everything pero masakit pa. May ganito pala na kahit hindi pa confirm ay nasasaktan na.

I just want some time. Hindi lang sa duwag ako kundi malaki ang takot ko. Hindi ako handa pero mas hindi ko kayang nakikita ito sa personal na malungkot at nasasaktan.




Tang ina, ang rupok ko talaga sa kanya.

Desiring Miss Fin (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon