Chapter 45

2K 98 11
                                        

Jazmine Allison

"Jazzy!"

Nagmamadali akong umakyat sa kwarto namin ng marinig ko ang sigaw ng asawa ko. Medyo nakabukas ang pintuan para mabilis ako nitong tawagin kapag nasa baba ako.

Pagpasok ko ay sumalubong sa mukha ko ang unan na ibinato nito.

"Bakit love?" Takang tanong ko rito.

"May babae ka no?!"

"Ha? Wala!"

"E bakit iba ang amoy ng damit mo kagabi?! Ito o!" Binato nito ang damit kong kakapalit ko lang kaninang umaga.

Noong nakaraang buwan kasi ay tatlong araw ako nitong hindi pinagpalit ng damit kaya ang ginawa ko ay bumili ako ng maraming puting tshirt para hindi nito mahalata kapag nagpalit ako.

Sa tanang ng buhay ko ngayon lang ito nangyari sa akin. I can't stand not changing my clothes everyday ilang beses pa nga noong dalaga ako. Ganito pala kapag buntis ang asawa. Maga-adjust ka bilang dogyot depende sa lebel na gusto nito.

"Hindi love noong isang araw pa iyan diba?" Pang-uuto ko rito.

"Hindi nga kasi napapansin kong paiba iba ang amoy mo sa umaga at gabi. May mga kinakatagpo ka kapag tulog na ako sa gabi at kapag tulog pa ako sa umaga no?!" Sumama ang tingin nito sa akin.

"Porket malaki na ang tiyan ko? Porket medyo tumaba na ako ganun ba?! Malakas na ngayon ang loob mong mambabae?!"

Jusko! Ano ba itong napasukan ko?!

"Love you're over thinking-"

"So ngayon sinasabi mong madrama na ako?" Nakita kong nanubig na ang mga mata nito.

Tigagal akong napatitig rito. Oh damn.

"Umalis ka ngayon din at huwag kang magpapakita sa akin!"

Mabilis akong lumabas mula sa kwarto namin at lulugo lugo akong bumaba ng hagdan. Dumiretso ako sa living room at doon ay nanood na lang sa netflix.

Natatawa ako dahil sa comedy na pinapanood ko ng biglang lumagapak ang kamay sa pisngi ko at dahil sa gulat ay nahulog ako sa carpeted na sahig mula sa mahabang couch.

"Talagang nilayasan mo ako?! Hindi mo na talaga ako mahal! Hindi mo na ako sinusuyo!"

Aray ko! Masakit pa ang pisngi ko pero ito iyong panahon na bawal akong umangal o magreklamo.

"Love hindi naman sa ganun. Ayaw ko lang salubongin ang init ng ulo mo kasi hindi naman totoo lahat ng binibintang mo sa akin."

Naupo ito sa couch at nagsimulang umiyak.

Oh my ghad!

Mabilis akong bumangon at naupo sa tabi nito bago ito niyakap.

"Huwag ng umiyak. Ikaw lang naman simula pa noong una e. Gusto mo bang lumabas ngayon? Kumain tayo-"

"Ayoko! Maraming babae sa labas!"

Jusko talaga!

"Anong gusto mong kainin? Magluluto kami ni mommy."

Parating na rin siguro ang mga ito mamaya. Sina mommy Allison at mama Risen kasi ang personal na namamalengke para daw high quality palagi ang pagkain ng asawa ko.

She's completely provided sa kahit na anong kailangan nito sa kahit na anong oras.

"Gusto ko ng lechon baka."

Alam kong may nagbebenta ng lechon baka pero hindi ko lang alam kung saang banda. Kinuha ko ang phone ko at nagtingin online. Mabuti na lang at meron ng available. Nag-order ako ng marami para sa sampung tao dahil talagang malakas kumain ang asawa ko.

Kabuwanan na rin niya kaya nakahanda na kami para doon. Iyong plano naming pagpapa ultrasound para malaman kung anong gender ng baby namin ay hindi na natuloy. Gusto na lang ng asawa kong makita mismo paglabas nito.

She said she's going to normally deliver the baby at dahil ito ang nagsabi ay ito ang masusunod. Her body, her choice.

"Anything else my love?" Hinaplos ko ang likuran nito habang magkayakap pa rin kami na akala mo ay hindi tinupak kanina.

"Gusto kong magluto kayo ni mommy ng leche flan."

Walang problema doon dahil specialty iyon ni mommy. And speaking of them, dumating na ang mga ito.

"How's my daughter?" Tanong ni mama Risen ng bumungad ito sa living room.

"Ok lang naman ako ma." Wika ko.

Napangisi ito sa akin. "Daughter in law."

Inirapan ko ito.

"I'm ok mama." Malumanay na sagot ng asawa ko.

Friends na ulit sila ngayon hindi kagaya noong kasagsagan ng paglilihi nito.

Lumapit dito si mama Risen at hinalikan si Sofiera sa noo. Sumulpot si mommy Allison at ganun din ang ginawa nito. Pinalayas pa ako nito at ito ang umupo sa tabi ng asawa ko. Hinawakan nito ang kamay ni Sofiera.

"May gusto ka bang kainin anak?"

Napairap ulit ako. Ako itong anak tapos ako itong binabalewala?

Hindi na yata tama ang mga nangyayari ngayon.

They had fallen in love with my wife's charm.

"Gusto ko ng leche flan mommy." Hinaplos ni mommy ang tiyan nito.

"Gagawa ako mamaya kahit ilan pang gusto mo." Sang-ayon naman ng mommy kong nasobrahan sa pagbibigay suporta.

"Mommy." Angal ko dahil ayokong palagiang kakain ng malalamig at matatamis ang asawa ko dahil magno-normal delivery ito. Ayoko itong mahirapan. The Doctor said na mabilis daw lumaki o tumaba ang bata kapag mahilig sa matamis at malamig ang ina.

Pero as usual ay hindi naman ako pinapakinggan ng mga ito. Walang nakikinig sa akin. Nawalan na talaga ako ng karapatan sa lahat.

"Halika, I bought you some fresh fruits. Gagawa ako ng buko salad at fruit salad para sa iyo."

Oh my ghad mommy!

Napabuntong hininga na lang ako. Maninisi na lang ako sa huli kapag nahirapan itong manganak dahil parang doon lang naman ako magkakaroon ng karapatang magsalita.

Sabay pa kaming mulagat na napasunod ni mama Risen ng tingin ng umalis ang mga ito sa sala papunta sa kusina.

"Mama, madadala mo ba si mommy sa farm sa probinsya?"

Natawa ito. "Alam mo namang simula noong magdalantao si Sofiera. Hindi na kami nakapagbakasyon pa kina lola at lolo mo. Hayaan mo na, excited magkaapo e."

"Pero mommy, alam mo naman ang sabi ng Doktor. Sofiera can't eat too much sweets at bawal din masyado sa malalamig na inumin at pagkain."

"Wala naman tayong magagawa dahil nasa hormones nila iyan kapag buntis sila. Nagbabago lahat sa kanila mula sa panlasa at pang-amoy pati takbo ng isipan nila. Mabuti nga sa iyo hindi masyadong mapanakit si Sofiera. Bakat lang naman sa pisngi mo ngayon ang kamay. Ako kasi noon kapag hindi ko naibibigay agad. Makikita mo na lang ang marka ng sapatos sa pisngi ko."

"Ay hindi totoo iyan mama!" Saway ko rito. "Gawa ka ng kwento mo, isumbong kita kay mommy. Hindi iyon namimisikal masyado."

"Aysus anak! Kung babakat nga lang din ang marka ng puke sa mukha ko e hindi mo na makikita pa ang kagandahan ko. Itanong mo pa sa mommy mo."

Napamulagat ako rito. What the fuck?!

Cool itong umalis sa sala at pasipol sipol pa.




"Mama!"










*****

Humahaba na talaga ang mga story ko, nagpapaligsahan na sila ni Blossom my ghad!

Desiring Miss Fin (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon