Chapter 32

5.6K 240 19
                                        

Jazmine Allison

Nakangiti ako habang nagsusulat sa note ko. Kanina pa pasulyap sulyap sa akin ang pinsan kong si Dominique. Hindi ko mapigilan kasi masaya ako, ganun talaga kapag may inspirasyon.

"Aray!" Mahinang reklamo ko ng itulak nito ang balikat ko. Tinamaan kasi nito ang buto ko.

"Tigilan mo nga iyan, ang creepy mo. Hindi ako sanay." Sita nito sa akin kaya napalabi ako.

Walang makakasira sa mood ko ngayon. Ilang sandali pa ay dumating na ang kasintahan ko. Sinara nito ang pintuan at saka lumapit sa lamesa nito para ilagay ang shoulder bag at isang libro.

Napangiti ito bago kami pasadahan ng tingin. Lihim akong napakindat rito. Namula kaunti ang mga pisngi nito. Glowing ang mommy ko ngayon.

"Ma'am! Singsing ba iyan? Engaged ka na po?"

"Ay ang swerte naman! Sana all may nagmamahal at minamahal!"

"Taken na si Ma'am?!"

Natawa ito.

"Ma'am kapag kinasal ka dapat invited kami kasi kami ang mga unang supporters mo."

Sunod sunod na wika ng mga kaklase ko. Invite the whole class to our wedding? Pwede rin para magulat sila at magsihimlayan na sa inggit.

"Share mo naman Miss Fin!"

"Alright." Wika nito bago pagsalikupin ang mga daliri. Nakangiti pa rin.

Everyone adores her kasi she's not hard to approach. Like I said, lamang ang Athena ko sa Medusa ni cous Dominique.

"So, I shouldn't be telling you this kasi personal na buhay ko ito pero since para ko na kayong mga kapatid. I will share a bit."

Natawa ang pinsan ko. "Kapatid daw."

Napairap ako.

"Mas maswerte ako sa kanya." Patuloy ng kasintahan ko. "As you all know, same-sex relationships are the norm nowadays." Napapaypay ito gamit ang kamay.

Natahimik ang lahat, hindi yata inaasahan ang sasabihin nito kasi kahit ako ay hindi ko inasahan. She's this brave woman na walang pakialam sa kanyang paligid.

"I can't believe I'm saying this." Dagdag nito kaya natawa ang mga kaklase ko, expecting already the unexpected news from her.

"Kaya mo iyan ma'am!"

"So, she fell for me, I fell harder." Todo kantyaw na ang mga ito habang ako ay mapupunit na ang ngiti sa mga labi. "And yes, she proposed to me and I said yes."

May pumalakpak at may mga napapito pa.

"Congratulations, Miss Fin!"

"Thank you!" Namumula ang mga pisngi nito sa hiya pero sa totoo lang ay matibay ang dibdib nito.

Others are not so brave to admit such thing kasi nawawala ang respeto at nag-iiba ang paningin ng ibang tao kapag nalaman ang preference nito but Sofiera manage to win their hearts already.

Mabait kasi itong professor, madaling lapitan, at makonsidera kaya hindi ako nagtataka na malaki pa rin ang respeto ng mga ito rito. She earned that respect and she build that solid reputation kaya kahit magmahal ito ng kapwa nito, she's still the same lovable and admirable woman she is.

"Ok, please pass your assignments and that will be your attendance for today then let me start to discuss on how to integrate structural and environmental principles to design buildings and structures."

"My ghad! Kung kailan tinatamad akong mag-aral."

Bahagyang natawa si Dominique. "Palagi kang tinatamad cous."


Desiring Miss Fin (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon