Chapter 39

4K 171 12
                                        

Sofiera

"Hija, what's wrong?"

Napangiti ako ng alanganin kay mommy Allison. Tinutulongan ko kasi itong magluto pero naiilang ako. Hindi ko kasi alam ang ikikilos ko sa harapan nito.

Jazzy and I have been married for almost eight months now. Nakagraduate na rin ito at kasalukuyang nagta-trabaho sa firm nila ni Dominique.

I quit teaching at pinamamahalaan na namin ni Mikaela ang eskwela ngayon ayon sa kagustohan ni Tita Snow. Hindi naman niya kami pinilit pero pinahamak ako dati ni mama Risen. Mabuti na lang at gamay ko na ngayon, hindi naman kasi madali pero hindi rin naman ganun kahirap.

Nakatira kami ni Jazmine sa bahay ko at dumadalaw naman kami parati kina mama Risen at mommy Allison. Hirit pa ng mga ito ay dapat sa kanila kami tumira at baka daw biglang mabuo ang apo ng mga ito.

Ng marinig ko iyon ay talagang sumakit ang ulo ko. Wala naman kasing patutoy si Jazzy hindi kagaya ni Dominique ng mabuntis nito ang kaibigan kong si Mikaela at kinailangan nilang tumira muna sa bahay ng parents ni Dominique para may aalalay sa mga ito.

Ng kinasal kami ni Jazmine ay marami kaming natanggap na regalo. Bahay, lupa, mga sasakyan sa iba't ibang myembro ng pamilya at tsekeng nagkakahalaga ng limang bilyon galing kay Tita Snow para daw panimula namin. I mean, anong klaseng panimula kung sa simula pa lang ay sobra sobra na to the point na kahit hindi na kami magtrabaho at magnegosyo na lang kagaya ng mga condo at apartments kung saan dumarating ang mga pera buwanan ay sobrang sapat na idagdag pa ang interest ng mga pera sa bangko. May pamana din si mama Risen kay Jazzy at Ri'son na tapos ng naibigay sa mga ito.

Pero ang nakakamangha para sa akin hanggang ngayon ay ang pagiging down to earth ng mga ito. Kahit isa sa kanila ay wala akong nakilalang mapagmataas at matapobre. Masungit lang kagaya ni Tita Meadow pero parehas naman ito ng kaibigan kong si Mikaela at natural na ito sa kanila. Oo, bastos si mama Risen magsalita at proud sa pagiging loko loko nito pero may malaki naman itong puso.

Pero hanggang ngayon nga ay naiilang pa rin talaga ako.

Napalunok ako. "Kasi po, hindi ko alam paanong hiwa ang gusto niyong gawin ko rito sa patatas."

Depende rin kasi kung anong klase ng lulutohin minsan, may dapat sukat ang mga ito. I just came here and started helping without knowing kung anong mga lulutohin. Basta nagbalat pa lang ako kanina ng mga nanditong sangkap na nakahain kasama na ng onion at garlic.

"Cube size lang anak para iyan sa beef pochero at chicken afritada. Itong carrots ay slice mo lang siya. Alam mo naman mama Risen mo, mahilig na siya sa mga sabaw ngayon pero noong nakilala ko iyan, ginto ang pagkain at laging steak sa restaurant pero ngayon kahit pinakbet, paborito na."

Napangiti ako. "Kumbaga po, noong nagsama na kayo. Kung anong niluluto niyo, kinakain na niya."

"No choice ako anak. Kung hindi ay sasaksakin niya ang ngala ngala ko ng tinidor." Si mama Risen na biglang sumulpot saka naupo.

"Hoy!-"

"Anong hoy? Mahal mo ako sweetheart kaya dapat my labs ang tawag mo sa akin hindi hoy. Ako itong nagpapaligaya sa iyo tapos ganyan mo lang ako itrato."

Napakagat labi si mommy Allison hindi sa paglalandi kundi sa gigil. Hindi ko mapigilang mapangiti, I've been with them a few times at masasabi kong ganito talaga ang mga ito. They love to banter at siguro iyon ang spice sa samahan ng mga ito. Ako nga kapag kasama ko sila, hindi ako naboboring.

"Ang kapal ng mukha mo. What I mean, tigilan mo iyang kasinungalingan mo Risen! Baka tuloyan kitang masaksak ngayon!" Dinuro pa nito si mama Risen ng tinidor na hawak nito kaya natawa ako.

"See? I told you, sasaksakin ako ng tinidor."

"Hindi na kita lulutoang hayop ka. Lumayas ka nga rito sa kusina at baka hindi ko pa naluluto ang mga ito ay panis na silang lahat dahil sa iyo. Bumalik ka na lang kapag kakain na. Alis na, wala ka naman ambag rito."

Nagulat kami ni mommy Allison ng bigla itong tumayo at umingay ng husto ang upoan nito bago nito ibagsak ang mga palad sa lamesa.

"Sige boss, aalis na ako. I'll see you later." Kumindat pa ito kay mommy Allison. "Ihanda mo ang sabaw ko at siguradong mapaparami ako. Alam mo naman sweetheart, sabaw mo lang ang gusto ko-"

"Pwede ba Risen? Tigilan mo iyang kakadouble meaning mo. Hindi ka na nahiya kay Sofiera."

"Why would I? My daughter in law loves me. Anyways, sarapan mo iyan sweetheart para masarapan din ako mamaya." Mabilis itong umalis ng dinampot ni mommy Allison ang isang may kalakihang carrot.

"Pasensya ka na hija. Abnoy talaga iyon kadalasan. Minsan iniisip ko kung kinulang ba iyon sa buwan o talagang nawawala ang kalahati ng utak."

Natawa ako. "Ok lang po mommy. Sanay na po ako. Gusto ko po ang personality ni mama. Mabait naman po siya at masayang kasama."

"Oo, hindi ka mabo-bored pero marami ka lang matututunan na hindi maganda. Mabuti hindi teacher ang kinuha niya kung hindi, eskwela ng mga baliw ang tuturoan niya."

Natawa ulit ako.

Pinagpatuloy nito ang pagluluto habang ako ay sinikap tapusing hiwain lahat ng mga sangkap. Kapag hindi ito abala sa paghahalo ay tinutulongan din ako nito.

Nagulat pa ako ng biglang may yumakap mula sa likuran ko. Nakatunghay kasi kami ni mommy sa niluluto nito kaya hindi namin namalayan na nakauwi na pala si Jazmine at Ri'son.

"Hi sis." Wika ni Ri'son at akmang ibebeso ako nito ng sampalin ito ni Jazzy kaya nanlaki ang mga mata ko ganun din si mommy Allison habang si mama Risen na nakasandal sa pintuan ay napapangiti ng husto na parang nage-enjoy sa pinapanood.

"What was that for?" Angal ni Ri'son kay Jazmine.

"Bakit mo hahalikan ha Kuya? ASAWA ko siya."

"Oh e maano naman? Binebeso nga nina Franz at Tobias pero hindi ka naman nagrereklamo."

"Sila iyon, wala silang mga past. Ikaw may past kayo."

"Possessive mo masyado, if I know, pinikot mo talaga si Sofiera."

"Aba't-"

"Hep! Kakain na tayo utang na loob! Kayong tatlo!" Tinuro ni mommy Allison ng tinidor sina mama Risen, Ri'son, at Jazmine. "Kapag hindi kayo tumigil, pagbubuholin ko kayo! Mapapanis itong tanghalian na hinanda namin ni Sofiera!"

"Nilutoan mo ako Sofiera ko? Salamat ha? Kaya minahal kita-" Hindi natuloy ang sinasabi ni Ri'son ng lumipad sa mukha nito ang isang slice ng cheese at para itong arrow na dumikit sa target.

Napatakip ako ng bibig.

"Tang ina anak! Ang galing-" Hindi rin natuloy ang sasabihin ni mama Risen ng sunod sunod na sapukin ni mommy Allison ang likuran ng ulo ng mga ito.

"Aray sweetheart!"

"Aww!"

"Mommy naman!"

"Anong aray?! Anong aww ?! Anong mommy naman?! Mga hayop kayo! Magsikain kayo!" Nakapamaywang si mommy Allison. "Kayo na ang pinagsisilbihan kayo pa ang mareklamo!"

"Oh e di kumuha tayo ng kasambahay sweetheart. Ikaw lang naman kasi ang may ayaw non." Si mama Risen.

"Kasambahay?! Tapos ano ha Risen?"

"E di patutuwarin ko- Sweetheart! Huwag yan masakit iyan!" Awat nito ng kunin ni mommy Allison ang serving spoon na talagang solid sa pagiging stainless.

"Kumain ka kung ayaw mong kutsarahin ko ngayon ang mga mata mo, hindi na tinidor Risen!"

Nag-sign ito ng parang zipper sa bibig. Tahimik na tumalima ang mga ito. Nilagyan pa ako ni Jazmine ng pagkain sa plato ko.

"Thank you sa pagkain love." Mahinang bulong nito sa akin kaya napangiti ako.




"Walang anuman."







*****

Natapos ko na ito kahapon, nakalimutan ko lang ipublish. haha ! ngayon ko lang naalala . busy ako sa pagluluto at asikaso since day off ko . Enjoy reading !

Desiring Miss Fin (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon