Chapter 26

4.1K 196 27
                                        

Jazmine Allison

Hindi sinasagot ni Sofiera ang tawag ko. Nag-text na ako rito pero wala pa itong reply sa akin.

"Cous, ok ka na?" Tanong sa akin ni Dominique.

Mula sa cellphone ay napaangat ako ng tingin sa mga bagong dating.

Ako naman ang dinalaw nito sa bahay. Hindi kasi ako pinayagang pumasok ngayon sa eskwela nina mama Risen at mommy Allison dahil sa nangyari sa akin.

Tumayo ako at sinalubong ko sila ni Ate Mikaela. Yumakap ako kay Dominique.

"I'm ok. Ikaw kumusta kalagayan mo?" Nagkalas kami nito.

"I'm better."

Kimi naman akong ngumiti kay Ate Mikaela. "K-Kumusta po Ate?"

"Buntis pa rin." Malamig na sagot nito. Gusto kong mapatampal sa aking noo. Nakikita ko naman kasi.

Pilosopo talaga, yelo na, masungit pa.

"Himalang hindi ka yata mabaho ngayon." Dagdag pa nito.

Nalaglag ang panga ko dahilan para mapahagikhik ang pinsan ko. Hindi naman ako kailanman naging mabaho. Siguro ay talagang nalampasan na nito ang stage kung kailan kalakasan talaga ng tupak sa paglilihi nito.

Hindi ko na lang ito pinansin at wala naman ritong mananalo.

Inimbitahan ko na lang ang mga itong umupo lalo na kay Ate Mikaela na buntis nga pero grabe pa rin iyong killer heels na suot. Kapag ako si Dominique, pagsasabihan ko talaga ito. Paano na lang kung matapilok ito?

Ng makaupo si Ate Mikaela ay inakay ko si Dominique sa isang tabi.

"O bakit?" Takang tanong nito sa akin.

"Cous nakita mo ba si Sofiera sa eskwela kanina?"

"Hindi, absent siya. Bakit?" Takang tanong nito.

Napabuntong hininga ako. "Hindi ko alam pero simula kaninang umaga. I was trying to call her pero hindi sumasagot. Nagpadala na ako ng mga mensahe pero hindi pa rin nagre-reply. Nag-aalala na ako."

"Baka naman may ginawang importante at biglaan kaya hindi nakapagpaalam?"

"Pero imposible iyon kasi kahit isang minuto lang walang oras para sabihin sa akin kung ok lang siya?"

Tinitigan ako nito.

"Cous baka narealize niyang hindi ikaw ang para sa kanya. Hindi-"

"Hindi totoo iyan!" Agad na tumaas ang boses ko rito. Napalingon sa amin si Ate Mikaela.

"Hindi ko sinabing hatakin mo si Dominique sa tabi para abusohin, Miss Reyes." Malamig na wika nito.

"Pucha." Mahinang wika ko para hindi nito marinig. Natawa ang pinsan ko.

"Give her some time kasi baka may biglaan nga lang siyang ginawa. Pero kung nag-aalala ka, may mga resources ka naman."

"Hindi ko alam kung papayagan akong lumabas ni mama at mommy mamaya. Gusto ko siyang puntahan para tignan mismo sa Giudevaun subdivision at baka may nangyari na sa kanya. Mag-isa lang naman siya doon simula noong lumipat siya mula sa ancestral house nila."

"May punto ka cous pero pwede ring sumama siya sa iba. You know minsan kapag iniignora ka, that's when the cheating starts."

Nag-init ang ulo ko sa sinabi nito.

"Hindi ganun si Sofiera. You know her cous. Hindi siya magchi-cheat sa akin."

"Paano nga kung oo?"

"Hindi ka naman nakakatulong e, lumayas ka na nga. Dalhin mo iyang asawa mong si Medusa."

Desiring Miss Fin (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon