Chapter 41

1.8K 104 10
                                        

Sofiera

Nakahiga kaming magkayakap ng mahal ko sa mahabang couch habang abala ito sa panonood. Ako kasi ay abala namang titigan ang side view nito. Namumula pa ang mga tainga nito sa puti. Hindi ko mapigilan at dahan dahan ko itong kinagat.

"Ouch love." Wika nito pero hindi naman nagreklamo. Hinalik halikan ko ang tainga nito bago ang pisngi.

"Thank you."

"Ilang beses ka ng nagpasalamat mahal ko. Ako dapat kasi ako ang pinili mo." Dinala nito ang kamay ko sa bibig nito at pinatakan ng halik habang nakatutok pa rin ang mga mata sa malaking telebisyon.

She's still young but very much in love to me. Mas maswerte akong minahal ako nito. I'm a nobody kumpara sa estado nito. Her family na pamilya ko na rin ngayon, they're filthy rich. At talagang naiilang pa rin ako hanggang ngayon kahit alam kong genuine ang pagtanggap ng mga ito sa akin.

Pero napapansin kong sa mga nakaraang araw ay parang may iniisip itong malalim. Hindi ako nagtatanong dahil baka problema lang sa trabaho pero I can't help it. I'm her wife and I want to support her always and I think it's time for me to step in.

"Love, pwedeng magtanong?"

"Oo naman."

Inabot ko ang remote ng tv sa may ulohan namin at pinatay ko ang pinapanood nito. Umikot ito para harapin ako because I'm spooning her.

"May problema ka ba?"

Natigilan ito at nakita ko ang alanganin sa mga mata nito kaya hinawakan ko ang baba nito.

"I just want an honest answer all the time and I know you've been honest. I just want to hear kung anong bumabagabag sa iyo ngayon. I'm your wife at ayokong harapin mong mag-isa ang mga problema mo kasi ginagawa ko ring magsabi sa iyo if somethings bothering me. It's a mutual support."

Napabuntong hininga ito. "I found out that I can't bear a child at gusto ko ng magkaanak. I can't give you pero hindi rin kita pipilitin na bigyan ako-"

I peck her lips. "I'm sorry to hear love."

Kung ako ang tatanungin. I'd love to carry her child, sinong hindi? She's extremely beautiful inside out. Sinabi ko na rin naman iyon rito dati pa.

Napangiti ito. "It's ok, tanggap namin ng maluwag sa loob love. Alam na rin ni mama Risen pero hindi siya nababahalang hindi ko siya kayang bigyan ng apo. Mas nababahala siyang hindi mo siya bibigyan ng apo." Saka ito natawa kaya natawa na rin ako.

Knowing mama Risen. Everything around her, she makes it easy and light.

"Pero hindi pa namin sinasabi kay mommy Allison kasi baka masaktan siya. Alam mo naman si mommy diba, loka loka daw sabi ni lola."

Natawa ulit kaming dalawa.

"Iyon ang iniisip ko nitong mga nakaraan kasi hindi ko alam kung papaano ko sasabihin sa iyo."

"Na hindi mo ako mabibigyan ng anak?" I asked delicately.

"Na baka hindi ka pa handang bigyan ako ng anak."

Ito lang naman ang hinihintay kong magsabi. Matagal na rin naman akong handa simula pa noong maikasal kami. When it comes to her ay makakaya kong gawin ang lahat. Isa pa ay hindi na ako bumabata. May anak na nga ang matalik kong kaibigan and I'm fond of Vega. I want to have our own baby too at ngayong nalaman kong hindi makakabuo ang asawa ko. Mas lalong gusto kong tuparin ang pangarap nitong pamilya para sa amin.

"I'll do everything for you Jazzy. Not because you're my wife but because I love you this deep. Pagdating sa bata, wala tayong problema. Whoever bears it, kanino man dugo iyon. It's ours."

"Thank you love. I love you too so much." Nakita kong namumula ang mga pisngi nito. She's so cute.

"Hanggang ngayon crush mo pa rin ako?" Tukso ko rito.

"Wala namang nagbago. Crush na minahal." Natatawa ito. "Can we schedule the procedure next month love?"

"Sure." What's there to think of? Like I said, I love her and I'll do anything for her.






*****






Nangangasim ang sikmura kong nagising at parang umiikot ang paningin ko ng bigla akong bumangon. Napatakbo ako sa banyo at doon ay nagsuka ako pero wala namang lumalabas. Purong pait lang ang nalalasahan ko. Ng umayos ang sikmura ko ay saka ko sinabon ang mukha ko at nagbanlaw bago nagsepilyo. Nanghihina ako ng matapos ako. Pinunasan ko ang mukha ko at dumiretso sa kama.

Napakunoot noo ako ng parang may hinahanap ako pero hindi ko alam. Napakagat ako sa kuko ko dahil parang hindi balanse ang hormones ko ngayon.

What's wrong with me?

"Gusto ko ng watermelon." Bumaba ako mula sa taas at dumiretso sa kusina kahit alam kong wala kaming watermelon ngayon.

Naupo ako sa counter at napatingin sa orasan. Alas nwebe na ng umaga at wala na ang asawa ko kasi alas otso iyon na pumapasok sa firm nito.

Halos dalawang buwan ng hindi ako pumapasok sa eskwela. Work from home na kasi ako ngayon instead na sa opisina sa eskwela simula noong ginawa ang procedure sa akin para hindi raw ako mapagod. Ayoko sanang pumirmi dito dahil nahihiya ako pero si mama Risen at mommy Allison na ang nagsabi kaya wala na akong nagawa pa. Besides, I'm still working from home pero iba kasi kapag pumapasok.

Tuloyan na akong napaiyak. Ilang minuto na at hindi pa rin ako tumitigil. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang asawa ko. Ilang ring lang ng sumagot ito.

"Good morning-" Natigilan ito ng marinig ang mga hikbi ko. "Love? Bakit ka umiiyak? May nangyari ba?"

Mas lalo akong napaiyak dahil sa pag-aalala sa boses nito.

"Wala."

"E bakit ka umiiyak?"

"Hindi ko alam, gusto ko ng watermelon pero wala kang binili." Ngawa ko rito.

"Ha? E sige, huwag ng umiyak. Uuwi na ako love. Bibili ako ng watermelon."

"Bilisan mo kundi magbabasag ako dito!"

"Ha?!"

Pinatay ko ang tawag at bumaba sa counter. Nagpupunas ako ng luha ko ng buksan ko ang ref namin. Apple, orange, grape, kiwi, at papaya.
Hindi ko mapigilang bumuhos ulit ang luha ko.

"Sa lahat ng prutas at kayo talaga ang nandito? Ayoko sa inyo!"

Napasapo ako sa mukha ko at napahagulhol. Ano bang nangyayari sa akin?

Desiring Miss Fin (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon