Chapter 37

3.5K 154 12
                                        

Sofiera

"W-Wala pong nangyaring kasal Tita pero pumirma po ako sa papel na hindi ko binabasa." Mahinang paliwanag ko kay Tita Allison ng makaalis lahat ng mga bisita.

Nakaupo kami ngayon sa sala kasama ko si Tita Allison, si Tita Risen na walang imik pero pangiti ngiti, si Jazmine na nasa tabi ko, at si Ri'son na nakaupo habang matamang nakikinig.

Napahilot ito sa sentido nito. Ako rin naman nananakit ang ulo ko.

"I don't know paano ko ipapaliwanag ang nangyaring ito sa pamilya namin hija. Pero una sa lahat, gusto kong humingi ng pasensya sa ginawang sabwatan ng tarantadong asawa at desperadong anak ko."

"Mommy naman." Reklamo ni Jazzy.

"Hindi kita kinakausap Jazzy. Manahimik ka." Suway nito dahilan para matawa ng mahina si Ri'son.

"Pinikot niyo si Sofiera."

Which is true. Hindi naman ako tatanggi kung aayain ako ng kasintahan kong magsama na kami pero iyong pumirma ako sa papel na akala ko pabonus ni Tita Snow. Talagang nabigla akong certificate of marriage na pala iyon.

"Ang laki ng iskandalong ito. Kung magsasampa si Sofiera ng kaso sa panlolokong ginawa niyo. Hahayaan ko kayong dalawa na mabulok sa kulongan dahil hindi ko kayo pyapyansahan ng parehas kayong magtanda."

"Sweetheart, hindi ba pwedeng multa muna?" Pilosopong singit ni Tita Risen dito.

"Hindi ka rin makakabayad dahil hindi ko hahayaan!"

Napalabi si Tita Risen. "Wala namang problema. Hija." Baling nito sa akin.

"P-Po?"

"Mahal mo ang anak ko diba?"

"S-Sobra po."

"Willing ka bang magpakasal sa kanya?"

Napalunok ako bago tumingin kay Jazmine na nakatitig sa akin. "N-Naaya na po niya ako. I'm actually her fiancée." At dahan dahang itinaas ang kamay ko to show them the ring that Jazmine gave me ng magpropose ito.

"Ibang klase talaga kayo." Natatawa ulit si Ri'son. "Ang bilis ng kapatid ko!"

Napapabuntong hininga na lang si Tita Allison at hindi mapigilan ni Ri'son ang matawa ng mahina dahil sa kalagayan namin ngayon.

"Ah." Jazmine cleared her throat. "Kung hindi po masama at pumapayag naman ang kasintahan ko. Set na po ang seremonya para sa amin."

"Ay hindi pa ba iyon kanina?" Pilosopong tanong ni Tita Allison.

"Oo sweetheart kasama ng mga pamilya natin pero may plano kasi ako para sa kanila." Si Tita Risen ang sumagot.

"Bakit ikaw kasi ang nagpla-plano? Bakit hindi mo hayaan ang anak natin? Alam mong wala kang skills pagdating diyan."

"E di sige, hayaan ko sila. Tara na Ri'son, matulog na tayo. Mauuna na ako hija, maga-adjust muna ako sa basement namin since wala akong kalabing labing ngayon."

Natawa si Ri'son bago ito tumayo. "Goodnight everyone."

Ng maiwan kaming tatlo ay napabuntong hininga ulit si Tita Allison.

"It's best for us to take a rest. I can't deal with this right now. Hahayaan ko na si Jazmine na magplano. Iyong usapan natin dati Jazzy." Wika nitong nakatitig ng deretso kay Jazmine. "Make it right."

Tumango ito. "Yes mommy. Pasensya na kanina, mama Risen said dinner lang. Although I'm part of the plan sa pagpapapirma kay Sofiera. I didn't know mama's going to announced something like that."

Desiring Miss Fin (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon