Chapter 02

27 10 1
                                    

This chapter is dedicated to: MatthieuClouiex


CHAPTER 02

LIME'S POINT OF VIEW

Halos isang oras na yata akong nagse-search pero wala naman akong napapala. Paano ba ako makakahanap ng info tungkol sa babaeng 'yon at kung bakit hindi mawala sa isip ko ay hindi ko din alam. Oo nga pala, napahiya ako sa harap niya. Baka isipin at ipagkalat niyang hindi ako cool. Yun ba talaga? O baka tama si Mav. Baka interesado ako sa kanya. Tsk.

Napabagsak ulit ako sa kama ko at humiga. Hanggang sa may ideyang pumasok sa isip ko. Nag log-in ako sa Facebook account ko at sinearch ang pangalang 'Zeyya'. Malay mo friends sila sa FB di ba. And looks like I got lucky dahil medyo unique ang pangalan nung Zeyya kaya nakita ko agad ang account niya.

I scrolled down at tinignan ang friends list niya pero wala naman akong nakitang Miss Smirkingweird. Baka hindi naman talaga sila friends dahil mukhang aloof din naman ang weirdo na 'yon.

At dahil mukhang hopeless boy ako ay napagdesisyunan ko nalang na tawagan si Mav.

Calling Mav...

"Hello, bro?"

"Good thing you're still awake", I said.

"Bakit? Anong meron? Ano ba 'yan bro miss mo na ako agad", biro niya.

"Wake up, dude. Nags-sleep talking ka ata eh. Binabangungot ka"

"Ouch, grabe ka naman kay fafa Mav"

"Oh just shut up, will you?"

"Sabi ko nga. Oh ano ba talaga kailangan mo at nambubulabog ka?"

"Iniisip ko kasi kung paano ako makakakuha ng info tungkol kay Miss Smirkingweird"

"Huh? Sino 'yon? May iba ka na naman bang sinusundan? Sinasabi ko na nga ba ikaw talaga ang chick boy eh"

"LOL. It's the weird girl I'm talking about"

"Pfft ikaw talaga na-love at first sight ka ba dun? Hindi mawala sa isip mo eh"

"Hindi ka ba talaga magtitino, Maverick? Bahala ka na nga diyan"

"Hahaha bro piko---"

-toot toot-

Puro talaga kalokohan ang dala ni Mav, tss. At dahil wala naman siyang maitutulong sa'kin ay ako na mismo ang kikilos mag-isa. Magtutuos din ang landas natin Miss Smirkingweird!


---

"Good morning students, listen up!", agad kaming nagsi-upuan nang dumating ang Prof.namin.

"A transfer student will join us today. Please behave and be nice to her", anunsyo ng Proffesor namin. Sino naman kaya 'yan? 'Her' daw e di babae. "Come in", saad ng Proffesor at laking gulat ko nang makilala ang sinasabi niyang transfer student.

"Introduce yourself, Miss Willow"

"Hi. I'm Callistah Bliss Willow from Yearnwest University", yun lang? Pambihira!

"That's all?", takang tanong pa ng Prof. Sa kanya.

"Yeah. I have nothing more to say, Miss"

"O-kay. You may now sit beside uhm...Mr. Brantley", nanlalaki ang mata kong tumingin kay Miss Smirkingweird na Bliss pala ang pangalan. Tss, pati pangalan wirdo! Pero mas lalo akong nagulat nang tapunan niya ako ng tingin at pasimpleng nag-smirk.

"Thanks, miss"

"Blah...Blah...Blah...", buong klaseng nakatuon ang atensyon ko kay Bliss na seryosong nakikinig at nagta-take notes pa. Sinusubukan ko namang makinig sa sinasabi ni Miss pero walang pumapasok sa utak ko, kainis!

"Mr. Brantley, are you with us?", biglang tawag sa akin ni Miss. Napapahiya akong tumingin sa harap.

"Uh---yes Miss, I'm sorry"

"Hay, masyado ka yatang nadidistract kay Miss Willow ano?", natatawang tanong niya at pati mga classmates ko ay sumali sa pang-aasar sa akin. Grr!

"Psh", bored na singhal nitong katabi ko na mas lalo kong ikinairita.


ENDLESS MELANCHOLIC DREAMS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon