Chapter 16

2 1 0
                                    

CHAPTER 16

 
 

BLISS’ POINT OF VIEW

 

NAALIMPUNGATAN ako nang marinig ko ang sunod-sunod na pagkatok ng kung sino sa pintuan. Sino ba ‘to? Ang aga-aga mambulabog. Don’t tell me si Lime ‘to? Ahh please, no...masyado pang maaga, psh. Ang kulit-kulit niya talaga---

“Quinn?!”, gulat kong tanong pagkaopen ko ng pinto.

“What are you doing here? Tsaka paano mo nalaman ang address ko?”

“Duh! I have my ways, sistah!”, saad niya with matching kumpas pa at malawak na smile.

“Psh, ‘o sige na. Pasok ka na.”

Pagkasarado ko ng pinto ay agad niyang isinalampak ang katawan niya sa couch. Feeling at home much, huh? Kumuha ako ng orange juice sa ref at sinalinan ang isang glass na baso tsaka ako bumalik sa living room.

“Oh, inumin mo.”, inabot ko sa kanya ‘yung juice at umupo ako sa tabi niya.

“So? What are you doing here nga?”, tanong ko ulit. She took a sip out of her juice tsaka humarap sa ‘kin.

“Wala. Gusto ko lang po tumambay.”, she answered, casually.

“Sinabi ba ni Lime sa ‘yo ang address ko?”, tanong ko.

“Nope. Not even once, pfft. I told you, ate. I have my ways.”

Psh, bakit ba parang brat siya sumagot? Kung sabagay sa America raw siya tumira ng ilang taon sabi ni Lime. Pero buti nga natuto pa rin siyang mag-ate at mag-po pero iba pa rin talaga, tsaka madalang din naman siyang gumamit ng mga salitang ‘yon.

“Fine. Dito ka nalang muna. Magbibihis lang ako.”

Iniwan ko muna siya sa sala at bumalik ako sa kwarto para maghilamos at magbihis. Pagkatapos ay pinuntahan ko rin siya ulit. Baka maggala-gala ‘yon dito, psh. Mas makulit pa siya kay Lime ‘e.

“Don’t you have any pictures of kuya here?”, tanong niya habang tinitignan ang ilang pictures na nakadisplay malapit sa living room.

“Why? Does it even matter?”, I asked her.

“Yep. Of course, duh! He’s your boyfriend.”

Sabagay, tama naman siya pero ‘wag nalang. Palagi ko na nga siya nakikita tapos mags-store pa ako ng picture niya dito sa loob ng apartment ko. ‘E ‘di magiging sobrang nakakaumay. Just kidding. I just don’t like storing pictures. Tsaka hindi din ako ang nag-display ng mga pictures na ‘yan, kung hindi si Zeyya. Sinamahan kasi niya akong mag-ayos noon ng apartment tapos nung nakita niya ang mga ‘yan sa mga gamit ko dinisplay niya. Sabi pa ni Zeyya dapat daw may magsisilbi pa ring way para daw maalala ko ang family ko. Kahit ayaw ko, hindi ko na tinanggal. Ayaw ko nga ba talaga? Psh.

“Hey! You’re spacing out.”, natauhan ako sa boses ni Quinn. She’s looking straightly towards me.

“Ha? What are you saying?”

“Tsh, I said bakit hindi mo kasama si kuya?”, pag-uulit niya.

“It’s too early for him to be here. Why are you asking?”

“He’s not answering my calls and chats, aish!”, inis niyang saad.

“’E bakit hindi mo siya puntahan sa place niya? Wala ba siya doon?”, I asked her.

ENDLESS MELANCHOLIC DREAMS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon