EPILOGUE
PAGKAGISING ko ay agad kong natanaw ang mga naggagandahang mga bulaklak sa garden ni mom mula rito sa bintana ng kwarto ko. Ang ganda rin ng sikat ng araw at dinig ko ang ilang huni ng mga ibon. Infairness kahit dito sa siyudad may ibon na rin.
Binuksan ko ang bintana at sumalubong sa ‘kin ang malamig na hangin na siyang nagpagaan ng pakiramdam ko. Sigurado akong magiging masaya ang araw na ito para sa ‘kin lalo na’ t ngayong araw ko pala susunduin sa airport ang pinakamamahal ko.
Agad na akong bumaba sa sala at naabutan ko sina mom, dad Quinn at ang boyfriend niya. Oo, boyfriend na niya si Harley, iyong nakilala niya noon sa beach. Kahit medyo tutol ako, wala na akong nagawa. Ang sweet-sweet nila sa harapan ko nakakadiri!
“Good morning, mom, dad!”, masiglang bati ko.
“Aba, masayang-masaya ka ngayon anak ah. Good morning!”, saad ni mom. Ngumiti lang ako sa kanila.
“Ligo lang ako, mom.”
“Sige, anak. Para makakain na tayo.”
Mas mabilis pa ako kay Dash na natapos maligo at magbihis at umupo na ako sa hapagkainan kasama ang buong pamilya ko.
“Bihis na bihis ka ngayon, son? May lakad ka ba?”, tanong ni dad. Ngumiti naman ako nang todo.
“Siyempre dapat pogi tayo, dad. Ngayon ko susunduin si Bliss sa airport ‘e.”, kumindat ako. Nagtaka naman ako nang biglang magbago ang ekspresyon ni dad, mali. Lahat pala sila.
“Son...”, hinawakan ni mom ang kamay ko at ngumiti pero may kakaiba sa ngiti niya.
“K-Kuya. You need to let go yourself from the past. 2 years nang wala sa atin si ate Bliss!”, Quinn exclaimed. Napatayo ako sa galit.
“What are you saying?! Mom, can you tell her not to make joke about those things?”, nagkuyom ang kamao ko.
“Totoo ang sinasabi ng kapatid mo, son. Nag crash ang sinakyang eroplano ni Bliss 2 years ago---”
“No! That’s not true! My girlfriend is alive!”, I cried. Tears ran down from my eyes as my knees were trembling.
I ran out of the house and got in my car. I heard mom and dad shouting but I didn’t care and drove as fast as I could until I got into the airport. Pagkarating ko ay agad akong bumaba ng sasakyan and went straight sa paliparan mismo ng mga eroplano.
Tears continued flowing from my eyes as I stared in the blue sky. Napaluhod ako sa kinatatayuan ko. My heart was shattered again into a million pieces.
Nakagat ko ang ibabang labi ko. Oo nga pala, matagal na siyang wala pero akong baliw na pumupunta dito tuwing sumasapit ang petsa kung kailan siya nawala. At ito ang ikalawang taon na wala siya sa piling ko. Masakit. Sobrang sakit.
Pumupunta ako rito para hintayin siya dahil iyon ang ipinangako ko. At hihintayin ko siya kahit na alam kong wala nang pag-asang darating siya.
Palagi kong iniimagine tuwing pupunta ako rito na bababa siya ng eroplano at magtatama ang paningin namin sabay takbo patungo sa isa’t isa at magyayakapan. Hahalikan ko siya sa noo at hindi ako magsasawang sabihin sa kanya kung gaano ko siya kamahal.
I know it’s crazy, but I’m willing to wait for you, Bliss until you finally come back to me...even if it’s imposibble.
“Ang daya mo kasi, love! Babalik ka ‘di ba? Promise mo ‘yon ‘e.”, natawa ako ng mapait.
Biglang bumuhos ang ulan, ‘tila nakikisabay at dinadamayan ako sa nararamdaman ko ngayon. Nanatili ako sa ganoong posisyon hanggang sa tuluyang tumigil ang ulan at matauhan ako.
Tumayo ako at pilit na lumakad kahit ang sakit ng tuhod ko sa matagal na pagkakaluhod ko kanina sa ulan. Mukha akong basang-sisiw sa lagay ko ngayon.
Nagpatuloy ako sa paghakbang hanggang sa may makabangga akong isang babae at nagkalat sa sahig ang mga gamit niya kaya tinulungan ko siya.
“Sorry, miss.”, sambit ko at iaabot sana ang mga gamit niya nang magsalita siya.
“It’s okay. I’m Klofie by the way.”, ngumiti siya nang matamis. Halos matumba ako nang mapagtantong...kamukha niya si Bliss.
-Wakas.
BINABASA MO ANG
ENDLESS MELANCHOLIC DREAMS (Completed)
RomanceWillard Lime Brantley is a normal yet crushable college boy that is currently taking up Fine Arts at Fortfoxilla University. While his nerdy admirer is confessing at the hallway, he accidentally met an aloof transferee girl that is said to be Callis...