CHAPTER 23
BLISS’ POINT OF VIEW
HINDI pa man sumisikat ang araw ay nagising na ako at agad na naghanda para pumunta sa lakeside. Nag-prepare ako ng kaunting baon at nag-ayos ng simple. Tinext ko na rin ang boss ko sa coffee shop na baka hindi ako makapasok ngayon sa trabaho.
Paglabas ko sa area namin ay agad kong pinaharurot ang big bike ko hanggang sa makarating sa lake side. Wala pa atang 15 minutes bago ko ito narating sa bilis kong magmaneho.
I-pi-nark ko na ang motor at tinanggal ang suot kong helmet. Dinama ko ang malamig at sariwang hangin na dumadampi sa balat ko at tinatangay ang ilang hibla ng buhok ko.
Dahan-dahan akong maglakad hanggang marating ko ang gilid ng lake kung saan nadatnan kong nakatayo si Lime at nakalublob ang mga paa niya sa tubig. Hindi siya nakangiti at nanatiling nakapangalumbaba at sunod-sunod na nagpakawala ng buntong-hininga.
Ilang minuto pa ang lumipas nang mag-angat siya ng ulo at sabay naming tinignan ang unti-unting pagsikat ng araw. Napatingin ulit ako sa maamo niyang mukha at hinawakan ko ang kamay niya. Kung pu-puwede nga lang ay ayoko na siyang bitiwan dahil pakiramdam ko, sa oras na bitiwan ko ang kamay niya ay tuluyan na siyang maglalaho.
“The Sun is so beautiful.”, he said and laid his eyes on me. He smiled but I sensed something wrong.
Alam kong may mali dahil kung talagang si Willard Lime Brantley ang kasama ko, sasabihan niya ako ng “The sun is so beautiful, pero mas maganda ka.” Hindi ako sanay na wala ang mga korning banat niyang ‘yon na palaging nakakapagpangiti sa ‘kin.
“I love this view, but I love you more.”, I said. Hindi ko akalaing masasabi ko ang cheesy na linyang ‘yon sa buong buhay ko at mas nakakahiya pa, hindi man lang nag-react ang loko na ito.
Nagulat ako nang humarap siya sa ‘kin at hinawakan ang mga kamay ko. Tears fall down from his eyes.
“L-Lime? What’s wrong?”, I asked. My voice almost cracked. He did not answer.
I was about to wipe his tears pero hinawakan niya ang kamay ko para pigilan ako at may sinabi siyang hindi ko naintindihan pero parang tinusok ang puso ko.
“Don’t wipe my tears for me. Let me wipe it for myself. Kailangan kong sanayin ang sarili kong mag-isa kapag nalulungkot ako dahil alam kong mawawala ka na.”
LIME’S POINT OF VIEW
“W-What are you saying, Lime? Hindi ako mawawala. Y-You know that, right?”, she asked. Ngumiti lang ako para itago ang pait na nararamdaman ko.
“I have something important to tell you. Makinig ka.”, lumunok ako bago magsalita ulit at pununasan ko ang mga luhang namuo sa mata ko.
Buong lakas at tapang akong humarap sa kanya. Alam kong kailangan ko nang gawin ito para makalaya na siya sa ‘kin. Ayokong makulong ang taong mahal ko sa pagmamahal na hindi naman niya gusto.
“I-I’m listening, Lime.”
“Let's cut these strings out, Bliss. I hope you find the right person to match your string with. Have a good life.”, pagkatapos kong sabihin ang mga salitang iyon ay tumalikod na ako sa kanya at unti-unting naglakad palayo.
BINABASA MO ANG
ENDLESS MELANCHOLIC DREAMS (Completed)
RomanceWillard Lime Brantley is a normal yet crushable college boy that is currently taking up Fine Arts at Fortfoxilla University. While his nerdy admirer is confessing at the hallway, he accidentally met an aloof transferee girl that is said to be Callis...