Chapter 17

1 0 0
                                    

CHAPTER 17

 

 

LIME'S POINT OF VIEW

“HOW are you feeling?”, tanong ni Bliss habang kumakain kami. Nandito ako ngayon sa apartment niya at ipinagluto niya ulit kami ng breakfast.

“Nag-alala ka ba? Hehe.”

“What kind of question is that? Siyempre, oo. Girlfriend mo ako ‘e. Psh.”

“’Wag ka nang mag-alala diyan. Okay na ako. Pfft, pero alam mo may napansin ako.”

“Ano?”, taas-kilay niyang tanong.

“Bakit parang ang sweet mo na?”, pang-aasar ko at nginisian siya.

“O-Oh shut up! Kumain ka nalang. Kung ano-anong sinasabi mo. Ang kulit-kulit mo.”, nag-iwas siya ng tingin. Parang nag-blush siya hahaha!

“Okay, sabi mo ‘e.”, sarcastic kong saad. Hindi na siya umimik kaya ‘ganon na rin ang ginawa ko.

Pagkatapos naming kumain ay inihatid ko na siya sa skaters’ camp at dumeretso na rin ako sa workshop. Nakakahiya nga dahil nagsidatingan na ang ilang estudyante ko. Mas nauna pa silang dumating kay sa sa magtuturo.

“Hi po, sir Lime!”, bati sa ‘kin ni Chino. Kung hindi ako nagkakamali ay isa siya sa mga pinakabatang estudyante ko.

“Hello, Chino! Pogi natin ngayon ah?”, nginitian ko siya at ginulo ang buhok niya.

“Siyempre naman, sir! Pareho tayong pogi!”, ang lawak ng smile niya. Ang cute-cute niya talaga. Namiss ko tuloy si Quinn, pfft. Kahit na pasaway siya, mahal na mahal ko ‘yon.

“Hehe, ikaw talaga. Tara na, pasok na tayo.”

“Opo”

“Sino pala ang naghatid sa ‘yo?”, tanong ko.

“Si mommy po, pero umalis na din siya kaagad.”, medyo nanibago ako sa sinabi niya. Usually kasi, daddy niya ang naghahatid sa kanya dito at never ko pang nakita ang mommy niya. Mysterious lang? Pfft.

“Ah...sige na, umupo ka na doon.”, turo ko sa bakanteng upuan sa harap. Sinunod niya naman ang sinabi ko.

“Hintayin muna natin saglit ang mga kaklase mo, tsaka tayo magsimula.”

 



















BLISS’ POINT OF VIEW

“Uhm…hi!”, the brush almost slipped in my hand nang may kumalabit sa ‘kin.

“Ikaw lang pala. Bakit ka ba nanggugulat? Psh.”, he smiled awkwardly. Ngayon ko lang siya nakita ulit dito.

“Sorry. Uhm, si Georjia nga pala?”

“She can’t come today. May family emergency daw siyang kailangan puntahan.”, I replied without looking at him and I continue to paint the wall.

“Okay. ‘Di bale, malapit naman nang matapos ang project niyo dito.”

Hindi na ako nagsalita ulit at nagpatuloy lang sa ginagawa ko. Sa tingin ko ay umalis na rin naman siya.

Si Markus ang may ari ng skaters’ camp but he’s not our boss. Weird ba? Hindi kasi siya ang nag-recruit sa amin ni Georjia, kundi ‘yung kaibigan niya pero kailangan pa rin daw naming sundin ang mga suggestions at mga gusto niyang design na ipa-paint sa walls. Buti nalang at hindi naman niya kami pinahirapan kaya matatapos na agad.

ENDLESS MELANCHOLIC DREAMS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon