CHAPTER 09
LIME'S POINT OF VIEW
NANDITO ako ngayon sa balcony ng kwarto ko habang nakatayo at hawak ang phone ko. Kasalukuyan kong kausap si Mav na walang ginawa kundi mag-ingay at magdaldal. Hindi ko tuloy maipasok yung topic na gusto kong itanong at pag-usapan. Oo, ako ‘yung tumawag sa kanya pero siya itong napakadaldal.
“Mav, can you please stop talking just for awhile?”, tanong ko. Bigla namang tumahimik ang kabilang linya kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko. Kinakabahan din kasi ako sa itatanong ko sa kanya.
“Puwede bang magtanong?”, pormal kong tanong. Hindi ko alam pero kahit magkabigan kami, gusto kong maging pormal pagdating sa mga seryosong usapan. Ganito talaga ang bonding namin ni Mav simula nung high school. “Ehem”, tumikhim ako nang wala pa rin akong marinig na sagot mula sa kabilang linya.
“Hoy bro? Nandyan ka pa ba?”, tinignan ko ang screen ng phone ko at on-going pa naman ang call. Anong nangyari dito? Tsk.
(Phone vibrated)~
Napatingin ako ulit sa phone ko at may nagpop-up na message sa taas nito galing kay Mav. Kumunot ang noo ko at ipinindot ito para buksan.
*1 Text Message
From: Mav
‘Sabi mo tumahimik ako eh.’
Napasapo ako ng noo nang mabasa ko ang message niya. Sabi ko na nga ba kahit kailan, hindi magtitino ang isang ‘to, tss.
“Hoy, huwag mo akong pilosopohin. S-Seryoso ako ngayon”, saad ko. Narinig ko ang pag ubo niya sa kabilang linya.
“Oo na. Ano ba ‘yon?”, seryoso na niyang tanong.
“’N-Nung nalaman mong gusto mo si Zeyya, anong ginawa mo?”, tanong ko.
“Syempre pinag-isipan ko muna kung paano ako aamin. Tapos nang makaamin na ako, linigawan ko siya. Teka, bakit mo pala natanong? Trip mo ba ang Zeyya ko?”, napailing nalang ako sa huli niyang tanong kahit hindi naman niya nakikita.
“Tsk, hindi! Iyong-iyo lang siya. Hindi ako ahas na kaibigan”, asik ko. “Balik na nga tayo sa main point”
“Ano bang punto mo? Teka, huwag mong sabihin---”
“Oo na, gusto ko na si Bliss. Oh e ano nama ngayon? Gusto ko lang humingi ng matinong advice galing sa’yo pero mukhang hindi ka naman matino”, biro ko.
“Grabe ka naman. Parang ‘di mo ako kaibigan ah?”
“Hahaha, eto naman. Joke lang”, tawa ko. “Pero seryoso, ano bang dapat kong gawin?”
“Ano pa ba edi ligawan mo na agad”
“S-Seryoso ka? Pero hindi ba sabi mo, umamin muna?”
“Kung nanliligaw ka, mahahalata din naman niyang gusto mo siya kaya ligawan mo na agad. Action speaks louder than words, bro.”
“Sigurado ka nama ba diyan sa mga sinasabi mo?”
“Oo naman, shk. Ako pa ba. Malapit ko na nga makuha si Zey eh”
“Pft. Yabang mo talaga. Kapag ikaw talaga nabasted, tatawanan talaga kita”, pabiro kong saad.
“Tignan natin kung sino mababasted. Mauna ka muna”
“LOL. Don’t underestimate my skills in dating, dude”
BINABASA MO ANG
ENDLESS MELANCHOLIC DREAMS (Completed)
RomanceWillard Lime Brantley is a normal yet crushable college boy that is currently taking up Fine Arts at Fortfoxilla University. While his nerdy admirer is confessing at the hallway, he accidentally met an aloof transferee girl that is said to be Callis...