Chapter 03

25 7 2
                                    

This chapter is dedicated to: Kichona_Shinko



CHAPTER 03

LIME'S POINT OF VIEW

"Hello ma'am, sir. Welcome to Haven's Ramen Shop. What's your order?", salubong sa amin ng isang waitress pagkapwesto namin sa isang table. Infairness, ang cool ng place. Medyo nawala yung inis ko.

"I would have---"

"We would have two spicy sea food Japanese Ramen, please", putol nitong kasama ko sa sinasabi ko.

"Hoy, kainin mo 'yan mag-isa mo. Ayoko ng maanghang", mahinang reklamo ko sa kanya para hindi marinig nung waitress.

"I thought gusto mong sumabay sa mga trip ko?", nakangising tanong niya. Tsk, nakakairita talaga 'tong babaeng ito.

"Fine"

"Actually ma'am, sir. May couple promo po kami. As of now, buy one, take one na po yung sea food japanese ramen namin", saad nung waitress. Did she just say c-couple?

"Nah, eww. He's not my boyfriend", bulong niya doon sa waitress pero narinig ko naman. "But anyways, we'll get the promo"

"But take note po, hindi po free ang tubig kapag kinuha ang promo"

"Perfect", saad ni Bliss na ikinakunot ng noo ko. Ano na naman kayang plano nito...hmm.

"Next time, kapag bubulong ka siguraduhin mong mahina talaga ah? Hindi yung naririnig ko. At saka maka-eww ka naman eh ang pogi ko"

"Ooh, close the window please. It's getting windy in here"

"Tss. Nga pala, bakit may pa-perfect perfect ka pa diyan. May binabalak ka na naman sa'kin noh?"

"For the mean time, please close your mouth , Brantley and just wait for our order, 'kay?"

"You're so rude! Grr"

Maya-maya pa ay dumating na din sa wakas ang waitress dala ang order namin. Gutom na gutom na ako at saka antahimik masyado ni Bliss. Naging boring tuloy. Parang mas gusto ko nalang tuloy yung nagda-drive siya kanina, buti pa yun may ka-thrill-thrill.

"Here's your ramen, ma'am, sir. Please enjoy your food"

"Thanks, you too", saad ko at bigla namang tumawa si Bliss. Tinignan ko yung waitress at mukhang natatawa rin. Anyare?



"I will sir, thank you", natatawa pa ring saad nung waitress at umalis na.


"Anong nakakatawa?", iritableng tanong ko.


"Hahaha, gosh you are really serious!"


"What?"


"Mare-realize mo din yung sinabi mo, Brantley", she chuckled at umiling-iling pa.


Pilit kong inalala ang sinabi ko at...
'Thanks, you too'


Oo nga pala! Nagmukha na naman akong engot. Hindi naman kakain yung waitress eh, kami lang ang kakain tapos sinabihan ko ng 'you too', nakakahiya! Tsk.


Hindi nalang ako umimik at kinuha ko na ang chopstick ko at sunod-sunod akong sumubo ng Ramen nang maramdaman kong parang nasusunog ang dila ko sa sobrang anghang!


*cough, cough*


"T-Tubig", saad ko habang nauubo pa rin.


"Excuse me, water please!", tawag ni Bliss doon sa isang waiter. Sa wakas at may pakinabang din 'to. Pero kasalanan pa rin niya! Hindi niya sinabing maanghang na maanghang pala 'yon at alam kong sinadya niya. Grr!


"Here's your water sir", agad kong nilagok ang tubig at nang paglingon ko kay Bliss ay nakangiti siya.


"Anong nginingiti-ngiti mo diyan?!"


"You will have to pay for the water sir"


"What? I thought it's free"


ENDLESS MELANCHOLIC DREAMS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon