CHAPTER 18
LIME'S POINT OF VIEW
“LET'S hit that beach, beybe!”, sigaw ni Mav. Napangiwi naman kaming lahat sa kanya. Siya ata ang may pinaka maraming dala at todo pa ang porma! Paano ba naman, naka-shades, Hawaiian polo with matching shorts at may dala-dala pa siyang malaking surfboard pati jug.
“Magdadagat ka lang ba talaga o titira ka na rito?”, tanong sa kanya ni Zeyya habang umiiling-iling.
“Baby naman! Ganito talaga kapag pogi ang pumupunta sa beach!”, sigaw niya at inalagay ang shades sa ulo niya. Lumapit siya kay Zeyya para hawakan ang kamay nito pero hindi naman niya nagawa dahil sa dami ng dala niya, pfft. Napanguso pa si Zeyya kaya muntik ulit akong matawa.
“Haha! Tama na nga ‘yan. Tara na. Naiinitan na kami dito.”, reklamo ko. Hinawakan ko ang kamay ni Bliss at sabay kaming naglakad. Sinundan lang namin sila Mav. Ngumiti naman siya sa ‘kin. Napatingin ako sa suot niya. Naka plain white t-shirt siya at maong na shorts. May suot din siyang malaking blue na hat. Buti naman hindi siya nagsuot ng bikini, pft! Sabagay, conservative naman ang mahal ko.
“Sa susunod igawan mo na ng poster itong mukha ko para mas matagal mong matitigan, baka kasi matunaw eh, psh.”
Napaiwas nalang ako ng tingin at itinuon ang pansin sa daan hanggang sa makarating kami sa cottage namin. Sobrang lawak ng cottage, ‘e sa apat lang naman kaming nandito---este, lima pala.
“Hello! Am I late?”, bungad ng magaling kong kapatid.
“Hindi, sakto lang. Kahit hindi ka na nga pumunta okay lang eh.”, saad ko. Asar na asar ang mukha niya at umuusok ang ilong niya hahaha! Para lang siyang bulkan na sasabog, pft!
“Epal ka talaga---”
“That’s enough. Mabuti pa kumain na tayo.”, singit ng napakaganda kong girlfriend kaya tumigil na ako.
“Yes ma'am hehehe.”
“Bleh! Titiklop ka rin pala.”, habol pa ng unggoy. Babatukan ko sana siya pero nakita kong nakatingin sa ‘kin ng masama si Bliss kaya umupo na lang ako sa mesa at nagsimulang kumain.
Pagkatapos naming kumain ay nagkuwentuhan muna kami saglit at naglaro pa kami ng spin the bottle. Nakakapagtaka dahil hindi man lang hinirapan ni Mav ‘yung mga tanong at utos, pero mas mabuti na rin ‘yon baka kung ano-ano pa’ng kalokohan ang maisip niya.
After ‘non ay lumabas na kami para pumunta sa dagat. Masayang nag-swimming sina Mav at Zeyya at tinuruan pa ni Maverick na mag surf si Zey. Nakakainggit naman sila. Ayaw kasi ni Bliss muna mag-swimming kaya sinamahan ko nalang siyang maglakad-lakad sa tabing dagat.
“Hindi mo ba talaga trio mag-swimming?”, tanong ko sa kanya. Pinagmasdan ko siya habang tinatangay ng hangin ang buhok niya at magkahawak-kamay kami.
“Hmm...gusto ko namang mag-swimming pero hindi muna siguro ngayon.”
“Okay.”
“Kung gusto mong lumangoy, go ahead. Kaya ko naman ang sarili ko. Hind mo ako kailangang samahan.”
“’Wag na. Mas okay na sa ‘kin ‘to. Hindi rin naman ako mage-enjoy kapag hindi kita kasama.”, ngumiti ako para ipakitang ayos lang talaga sa ‘kin. Hindi naman siya sumagot at ibinaling ang paningin sa papalubog na pa lang araw.
BINABASA MO ANG
ENDLESS MELANCHOLIC DREAMS (Completed)
RomanceWillard Lime Brantley is a normal yet crushable college boy that is currently taking up Fine Arts at Fortfoxilla University. While his nerdy admirer is confessing at the hallway, he accidentally met an aloof transferee girl that is said to be Callis...