Chapter 24

4 0 0
                                    

CHAPTER 24
 
 
CREEK'S POINT OF VIEW (Bliss’ Older Brother)
 
 

THE weather is so nice today, yet hindi ko magawang ngumiti. I'm looking at my reflection in the mirror. I want to ask myself kung ako pa ba ‘to. Hindi ako ‘to eh. Hindi ako ‘yung kuyang pinapabayaang magdusa ang kapatid.
 
 
Aaminin kong nabulag ako sa matinding hinagpis nang mawala si mom. Wala akong ibang ginawa kundi ibunton ang sama ng loob at galit sa kapatid ko kahit alam kong wala siyang kasalanan sa pagkawala ni mom.
 
 
All those years...kinulong ko ang sarili ko sa lungkot. Akala ko magiging masaya ako kapag ginugol ko most of my time sa mga parties, getaways, road trips at pagwawaldas ng pera ni dad ngunit nagkamali ako. Wala doon ang tunay na kasiyahan.
 
 
Ang tunay na kasiyahan ay ang buong pusong paglilingkod sa Diyos, pagpapalaya sa sarili mula sa nakaraan, pagpapatawad at pagmamahal sa kapwa at sa pamilya. Ang mga iyon ang tunay na susi tungo sa pagiging masaya.
 
 
Masaya na ulit ako pero hindi ko pa ramdam na kompleto ako. At alam kong hinding-hindi magiging buo ang pagkatao kapag hindi kami nagkaayos ng kapatid ko at hindi ako nakabawi sa mga pagkukulang ko sa kanya.
 
 
Naputol ang pagmumuni-muni ko nang biglang tumunog ang phone ko na nasa side table ng kama ko. I immediately picked it up and answer it. The call was from an unknown number.
 
 
“Hello?”
 
 
“Your sister needs you.”, saad ng isang boses. My forehead creased. It was a man’s voice.
 
 
“Who is this?”, I asked.
 
 
“It doesn’t matter. Puntahan mo na siya ngayon kung gusto mong magkaayos kayo.”
 
 
-toot, toot.
 
 
Without a word, I picked up my car keys at dali-dali akong lumabas ng bahay. Linuwagan ko ang neck tie na suot ko at isinalampak ang katawan ko sa loob ng kotse at nagmaneho. Binilisan ko nang husto ang pagda-drive kaya hindi nagtagal ay nakarating din ako sa destinasyon ko.
 
 
Babawi si kuya, little sister.
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 













 
 
BLISS’ POINT OF VIEW
 
 
Nagising ako sa sunod-sunod na door bell at pagkatok sa pintuan. I forced myself to get up from bed. I didn’t even bother na suklayan ang buhok ko o magbihis ng damit. Ang sakit ng buong katawan ko at pakiramdam ko lalagnatin ako.
 
 
Mas lalong bumilis at lumakas ang mga katok sa pinto kaya nagmadali akong lumapit doon at hinawakan ang seradora nito. Pero bago ko pa man ito mabuksan ay biglang umagos ang mga luha sa mata ko. Abnormal na yata ako. Umaasa pa rin kasi akong si Lime ang na sa likod ng pinto na ‘to at hihingi siya ng tawad sa ‘kin at sasabihing joke lang ang mga sinabi niya sa ‘kin.
 
 
Pero mali ako...
 
 
“I know things are not going well. Umuwi ka na please.”
 
 
Sa hindi malamang dahilan ay may nag-udyok sa akin na yakapin si kuya. Habang magkayakap kami ay mas lalong lumakas ang pag-iyak ko. Nararamdaman kong hinaplos niya ang likod ko.
 
 
“Shh, tahan na. Kuya is here.”
 
 
Nanatili kaming na sa ganoong posisyon hanggang sa hindi ko namalayang tumigil na ako sa pag-iyak.
 
 
Si kuya na ang nag-empake ng ilang gamit ko at siya na rin ang nag-lock ng apartment ko.
 
 
Pagkatapos ng konting pagiimpake ay tahimik lang kaming sumakay sa kotse niya. Tulala lang ako buong biyahe. Wala akong ganang magsalita. Pakiramdam ko mabibiyak ang dibdib ko.
 
 
Ilang sandali pa ay nakarating na rin kami sa mansion ni dad, or should I say bahay namin. Hindi ko itatangging namiss ko ito. Medyo nag-iba na hitsura ng bahay dahil sa kulay brown at white na kulay nito sa labas. Mas dumami rin ang halaman sa garden at nadagdagan ang mga muebles sa loob ng bahay.
 
 
Mas dumami rin ang mga tauhan at maids namin ngayon kaya hindi na ako nagtataka kung hindi nila ako makikilala. Sobrang tagal ko nang hindi umuwi dito. Siguro inaanay na ang kwarto ko.
 
 
“Magpahinga ka muna sa kwarto mo, dadalhan nalang kita ng food mamaya.”, saad ni kuya. Tumango lang ako at sinamahan niya ako papunta sa itaas kung nasaan ang kwarto ko at binuhat ang mga gamit ko.
 
 
Pagpasok namin sa kwarto ko, bagong pinta ito at ang linis-linis. Namiss ko rin matulog dito. Naisalampak ko na lang ang sarili ko sa malambot na kama.
 
 
“Get some rest. Let me know of you need anything.”, saad ni kuya.
 
 
Papaalis na siya nang finally ay nagkaroon ako ng lakas na magsalita.
 
 
“K-Kuya...”, I called him. Miss na miss ko na siya.
 
 
“Yeah?”
 
 
“Si d-dad?”
 
 
“Makikita mo rin siya mamaya. Sasamahan kita sa kanya.”, sambit niya at umalis na. Naiwan na naman akong mag-isa sa kwarto at hindi ko namalayang umiiyak na naman ako hanggang sa makatulog na ulit ako.
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 













ENDLESS MELANCHOLIC DREAMS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon