CHAPTER 19
BLISS’ POINT OF VIEW
“GUYS, we have a problem.”, Maverick said. Katatapos lang naming mag breakfast at pauwi na sana kami kaso may nangyaring aberya.
“Hindi raw makakapunta ‘yung driver na hinire ko kahapon. May emergency daw siyang pupuntahan.”
“Then how are we gonna’ get home now?”, Quinn asked worriedly.
Bigla namang sumulpot si Zeyya na nakangiti.
“Don’t worry guys, tinawagan ko na ‘yung kuya ko para sunduin tayo. I'm sure he'll be here any minute now.”
“Kuya? May kapatid ka pala, baby?”, Maverick asked her. ‘Yon din ang gusto kong tanungin kaso naunahan niya ako. Sa tinagal naming magkaibigan ngayon ko lang nalaman ang tungkol doon. Hindi niya naman kasi nakukuwento sa ‘kin.
“Ah oo, sorry kung hindi ko na kwento sa inyo. Hindi naman kasi kami masyadong close kasi hiwalay kaming lumaki.”, Zeyya explained. Tumango-tango lang kami.
Mayamaya pa, tumigil ang isang color black na van sa harapan namin at bumaba ang isang lalaki. Maybe it’s Zeyya’s brother.
“Hey.”, bati niya. Gulat na gulat namin siyang tinignan ni Lime.
“Ikaw?!”, sabay pa naming tanong. Nagtataka namang tumingin sa amin sina Mav at Zey.
“Magkakakilala kayo?”
“Yep! He’s the owner of the skaters’ camp where I worked.”, saad ko.
“Doon ka pala nagtatrabaho kila kuya?”
“Yeah, nagtrabaho. Tapos na ang project nila sa ‘kin.”, nakingiting sagot ni Markus.
“I see.”
“Dapat nga may sasabihin ako sa ‘yo noong last day mo sa work but I guess maagang umuwi ‘non.”, baling niya sa ‘kin. Kaming dalawa nalang pala ang naiwan sa labas. Lahat sila ay na sa loob na ng van. I noticed Lime looking at us. Hindi ko mabasa kung anong iniisip niya. Baka mamaya magselos na naman, psh.
“Ano ba sana ‘yung sasabihin mo?”, tanong ko kay Markus.
“I just want to give you this.”, saad niya at inabot sa akin ang isang envelope na naglalaman ng pera. Ah…gets ko na. ‘Yung sweldo namin.
“And I uh---uhm…nevermind. G-Gusto ko lang talagang ibigay ‘yan.”, parang may gusto pa siyang sabihin pero hindi niya masabi. Weird.
Sumakay nalang ako sa van at pumunta na rin naman siya sa harapan para mag-drive. Ilang oras din ang tinagal ng biyahe at wala akong ibang ginawa kundi matulog. Wala ‘e, hinatak ako ng antok.
Inuna nila akong inhatid sa place ko. Tinulungan naman ako nila Maverick at Lime na ibaba ‘yung mga gamit ko at ipasok sa loob ng apartment.
“Bye, love. Get some rest. I’ll see you later.”, sambit ni Lime at mabilis akong hinalikan sa ulo. I waved at him at pinanood kong makaalis ‘yung van.
Hay makaligo na nga lang muna at matutulog ako ngayon buong maghapon.
QUINN’S POINT OF VIEW
When I got home, I got a text from an unknown number. I immediately read the text.
*1 text message
From: Unknown Number
Hi! This is Harris. Wanna’ hang out later?
Omg! Agad kong sinave ‘yung number niya at rineplyan siya.
‘Hello! Hehe sure!’
-Reply Sent!
*1 Text message
From: Harris
Cool, I fetch you later.
I can’t help but to smile. Si Harris, ‘yung isang staff nila kuya Mav sa hotel nila, ‘yung sinamahan akong maglibot-libot ‘non. When we were at the beach, nakilala ko siya and he’s nice. Lucianno is his first name, it sounds kinda baduy kaya second name niya na lang ang itinatawag ko sa kanya. Ang gwapo din niya at palagi siyang nagmumukhang mabango. I don’t know, parang crush ko na ata siya. He even requested na ibigay ko sa kanya ang number ko at binigay ko naman at friends na kami hehe.
“Alam na ba ‘yan ng kuya mo?”
Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni ate Bliss out of nowhere. Napalunok ako at kinakabahang tumingin sa kanya. Tinaasan niya ako ng kilay. She’s terrifying din pala huhu.
“A-Ang alin?”, I asked. Sige Quinn, maang-maangan lang.
“You know exactly what I’m talking about, Quinn.”
“Kasi ate…uhm, fine! Sige sasabihin ko na. Hindi niya alam. But please don’t tell him.”, pakiusap ko.
“I won’t tell him…unless mabibigyan mo ako ng valid na reason kung bakit.”, ngumiti siya pero nakakatakot pa rin.
“Kasi…ako naman ang magsasabi sa kanya soon. Pero hindi pa po ngayon. At saka friends lang naman kami ni Harris eh.”
“Really? It’s obvious. You like him.”, she smiled again. It’s creeping me out.
“B-Bakit po ba kayo nandito?”, medyo inis kong tanong.
“Well, it’s not my plan na pumunta dito at binalak ko ngang matulog maghapon kaso kinukulit ako ng kuya mo na puntahan ka dahil may kakaiba raw siyang napansin sa ‘yo nang nanggaling tayo sa beach.”
“Uhm…I don’t know what to say but don’t tell him yet. Nakakatakot magalit si kuya. Ako nalang magsasabi sa kanya.”
“I’m counting on you, Quinn. Huwag na huwag ka sanang magsisinungaling sa kuya mo. He loves you very much.”, she said. And for the last time, ngumiti ulit siya, pero hindi na nakakatakot katulad kanina. Napagaan niya nga ang loob ko. I know that I have to tell Lime the truth, pero hindi pa ako handa ngayon.
Mag antay ka muna diyan kuya…
BINABASA MO ANG
ENDLESS MELANCHOLIC DREAMS (Completed)
RomanceWillard Lime Brantley is a normal yet crushable college boy that is currently taking up Fine Arts at Fortfoxilla University. While his nerdy admirer is confessing at the hallway, he accidentally met an aloof transferee girl that is said to be Callis...