CHAPTER 20
BLISS’ POINT OF VIEW
NAGISING ako sa lakas ng tunog ng phone ko na nakapatong sa side table ng kama ko. Pagtingin ko, si Lime pala tumatawag. Agad akong napabalikwas. Alam ko at sigurado akong galit siya sa ‘kin.
“H-Hello?”
“Hoy babae, magbihis ka.”, saad niya.
“Ha? Bakit?”, tanong ko.
“’Di ba may date tayo ngayon? Kaya maghanda ka na.”
“T-Teka!”
“Oh, bakit?”
“H-Hindi ka galit sa ‘kin?”
“Tsh. Mawawala lang ang inis ko kapag nag date tayo kaya bilis-bilisan mo.”
“Opo, boss.”
“Ge.”
“I love y---”
-toot toot-
Okay. Siya na talaga ang galit, psh. Hindi ko naman siya masisisi. Siyempre kung ako rin ‘yung na sa posisyon niya, magagalit din ako. Pero sana hinayaan din niya akong mag-explain. Hay, nakakastress. Bakit ganito na ako? Nahahawa na ata ako sa lalaking ‘yon. May topak na rin ata ako ‘e, psh.
Binilisan ko nalang maghanda. Pero, wait…hindi ko nga pala natanong kung susunduin niya ako o ano. Mas mabuting tawagan ko nalang siya.
Calling Lime…
“Oh?”, psh sungit!
“Ah…ano…susunduin mo ba ako?”
"Oo na, pasalamat ka mahal kit---este mabait lang ako."
-toot toot-
Nadulas pa nga, haha!
Ilang saglit pa, nakarinig ako ng sunod-sunod na pagkatok sa pintuan. Bumungad sa ‘kin si Lime, wearing a serious face. Kumunot ang noo niya tsaka nagsalita.
“Tara.”, medyo malamig niyang saad. Ipinulupot ko ang braso ko sa braso niya. Hinayaan lang naman niya ako hanggang sa makarating kami sa sasakyan niya. Umupo ako sa backseat ng kotse, baka kasi naiinis pa siya sa ‘kin.
Pagkaupo niya sa driver’s seat, napansin kong tinitignan niya ako sa rear view mirror. Slowly, his eyebrows creased.
“Bakit nandyan ka?”, he asked.
“H-Ha? Ah, wala lang gusto ko lang dito sa backseat, mas presko.”
“Who are you fooling, silly girlfriend? Magpapalusot ka, palpak pa. May bintana naman dito. Come sit here.”
Napapahiya naman akong pumunta at umupo sa tabi ng driver’s seat. Pagkasarado ko ng pintuan ng kotse niya ay pinaharurot na niya ito. Buong biyahe ay tahimik lang kaming dalawa. Gusto ko sanang tanungin sa kanya kung saan kami pupunta pero umurong ang dila ko kaya mas minabuti ko nang hindi umimik.
Mayamaya pa, tumigil kami sa harap ng isang park na hindi ko pa napupuntahan.
“We’re here.”, seryoso pa ring saad niya at pinagbuksan ako ng pintuan at nagpapaunang lumakad. Sa hindi mawaring pakiramdam, ay may nagudyok sa ‘kin na kung ano at niyakap ko siya mula sa likuran katulad ng palagi niyang ginagawa sa ‘kin.
BINABASA MO ANG
ENDLESS MELANCHOLIC DREAMS (Completed)
RomanceWillard Lime Brantley is a normal yet crushable college boy that is currently taking up Fine Arts at Fortfoxilla University. While his nerdy admirer is confessing at the hallway, he accidentally met an aloof transferee girl that is said to be Callis...