Chapter 01

81 17 8
                                    

This chapter is dedicated to: kuloejoyce

CHAPTER 01

LIME'S POINT OF VIEW

"I said I really like you, Willard. Why won't you love me?" Yadina said. Binigyan ko siya ng iritableng tingin.

"Look. You're smart, talented, and one of the most helpful people I know. You're cute, but..." I paused for a while. "Okay, I-I'll just tell you straight. I don't like you the way you like me, Yadina. Humanap ka nalang ng iba. Yung magugustuhan ka pabalik. Any guy would be happy to have you" napayuko lang siya at inayos ang salamin sa mata.

Kasalukuyan kaming nasa hallway at buti nalang dahil walang masyadong tao ngayon dito. Kapag nagkataon, pareho kaming mapapahiya.

"May iba ba?" tanong niya. Kapag nagsasalita siya ay lumalabas ang pang-itaas na ngipin niya na may braces. Hindi ko siya sinagot at lumingon-lingon sa paligid hanggang sa tumama ang paningin ko sa isang babaeng paparating. She is wearing a checkered polo blouse and denim shorts. May suot siyang headphones at may kargang mga libro.

"W-Wala ka namang girlfriend hindi ba?" tanong niya ulit. Napabuntong-hininga ako.

"T-The truth is I have a girlfriend already," I lied.

"No! You're lying!"

"I'm not!"

"Then who is your girlfriend?" sa kadahilang wala akong maisip ay bigla ko ulit tinitigan ang babaeng naglalakad at this time mukhang may hinahanap siya. At dahil mukhang hindi ako tatantanan ni Yadina...

"Siya. Siya ang girlfriend ko." turo ko doon sa mukhang newbie.

"You don't even know her! Mukha siyang transferee!"

"Y-Yes. Nag transfer siya para sa'kin"

"Then prove it."

"Huh?"

"Go, talk to her!"

"WHAT?!"

"Kung hindi ka talaga nagsisinungaling, patunayan mo!"

"It's just -"

"Then I won't quit on you!"

"FINE"

Tinignan ko ulit yung babae at napalunok nalang ako. Kailangan kong gawin 'to. Bahala na si Batman! I immediately walked towards her and awkwardly smiled.

"H-Hey, babe." saad ko. Wala naman siyang reaksiyon. Nakita kong nakatitig pa rin si Yadina sa direksiyon namin kaya inakbayan ko yung babae.

"What are you doing?"

"Sumakay ka na lang, miss, please." I whispered.

Napatitig ako sa mukha niya and geez...she's so pretty, wait---no, she is beautiful. She looked so clueless, yet she looked so chill. Ilang beses ulit akong napalunok nang lingunin niya ako at napakunot ang noo niya pero agad din naman nagbago ang reaction niya.

"What a perv, " she said and glared at me. At bago pa ako makasagot ay nagsimula na siyang maglakad paalis at nilampasan ako. WHATT?!!

Ilang segundo akong natahimik. Shocked. Mas ako pa yata ang nagulat sa nangyari! Pambihira! Napalingon ako sa paligid at wala na pala si Yadina. P-Pero teka sinabi ba niyang pervert ako?!

"H-Hoy!" habol ko sa babae kanina. "Hold up!" sigaw ko pero hindi siya tumigil.

"T-Teka! Hoy! Hindi ako pervert! Hey, miss!" habol ko. Bakit ba ambilis niyang maglakad!?

ENDLESS MELANCHOLIC DREAMS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon