CHAPTER 10
LIME'S POINT OF VIEW
FINALLY, tapos na rin ang buong school year. Makakatulog na rin ako nang mahimbing dahil wala na akong proproblemahin pang mga projects at school tasks. Aah, I deserve a vacation! Napag-isipan kong tutuloy na ako sa medical mission nila mom and hopefully, sana ay ay maisama ko rin sila Mav at Bliss.
Suddenly, tumunog ang phone ko na nakapatong sa center table. Inabot ko ito at agad na sinagot.
“Hey, mom!”, masiglang bati ko.
“Hello, son. You seem so happy. What's the catch?”, tanong niya.
“I’ll tell you when I get there”, tugon ko at ngumiti nang todo kahit hindi naman niya makikita.
“Oh, does that mean that---”
“Yes, mom hahaha. Susunod po ako diyan and tatanungin ko sina Mav kung puwede rin silang sumama”, I cut off mom’s words.
“Ooh, I’m so excited! Can’t wait to see you again, son. I love you!”
“Can’t wait to see you, mom. I love you too”
-call ended-
Agad na akong nagimpake ng mga gamit at isinilid ang mga ito sa isang maleta. Napatingin ako sa gitarang nakasabit sa right side ng pader dito sa kuwarto ko at napangiti ako nang maalala ang nangyari noong isang araw sa lake. Tinanggal ko ito mula sa pagkakasabit at napagdesisyunan na dalhin din ito.
Ilang saglit pa, natapos na rin ang paghahanda ko at napagdesisyunan kong tawagan ang ang dalawa kong kaibigan.
Calling Mav...
“Yo, what’s up?”, pambungad kong saad.
“Hey...wala naman masyado. Masaya lang ako na tapos na ang 4th semester at makakapagrelax na din ako at syempre, magkakaroon na kami ng quality time ng Zeyya ko”, masayang-masayang wika nito. Natawa naman ako nang mahina dahil naiimagine ko ang itsura niya habang sinasabi iyon. “Bakit ka pala napatawag?”, tanong niya.
“Yayayain ko sana kayong sumama sa’kin”
“Talaga? Saan naman ‘yan?”
“Sa next medical mission nila mom. Maganda raw doon sa probinsiya kung saan sila naka-assign ngayon, plus malapit din ang bahay ng granparents ko doon, kung saan puwede muna tayong tumuloy”
“Sige ba, game ako diyan!”
“Pu-puwede mo ring isama si Zeyya kung gusto mo”, saad ko para naman kahit papaano ay mas matuwa siya.
“Yown! Dabest ka talaga, bro! Labyu!”
“Yak, kadiri”, biro ko.
“Eto naman, epal talaga kahit na kailan. Sige na, mag-iimpake na ako. Bye!”
“Ge, dude. Bye”
-call ended-
Isinunod ko namang idinial ang number ni Bliss. Naka ilang ring pa ito bago siya sumagot.
“Hello?”, nakakainlove talaga ang boses niya.
“Hey. Uhm...busy ka ba?”, tanong ko.
“Hindi naman. Binigyan din kami ng break ng boss namin. Why?”
“Uh...I-I was wondering kung pwede ka ba? I m-mean na...sumama sa amin nila Mav sa medical mission nila mom?”, utal-utal na tanong ko. Bwisit, ngayon pa talaga. Tsk!
BINABASA MO ANG
ENDLESS MELANCHOLIC DREAMS (Completed)
RomanceWillard Lime Brantley is a normal yet crushable college boy that is currently taking up Fine Arts at Fortfoxilla University. While his nerdy admirer is confessing at the hallway, he accidentally met an aloof transferee girl that is said to be Callis...