Chapter 21

4 0 0
                                    

 CHAPTER 21
 
 
LIME'S POINT OF VIEW
 
 
ONE week na ang nakalilipas simula ng date naming iyon ni Bliss. Mas lalo kaming naging malapit sa isa't-isa at parang mas lalo siyang naging sweet. Pero naging mas close rin sila ng Markus na ‘yon at nakakainis. But I'm not that much immature para pigilan ang girlfriend kong sumama sa kanya kapag mags-skate sila kapag weekends. May tiwala naman ako sa girlfriend ko, alam kong mahal niya ako.
 
 
Sa loob ng isang linggo, palagi akong ipinagluluto ni Bliss ng breakfast at sabay kaming kakain, tsaka niya ako papabaunan kapag papasok sa trabaho. Siya naman, tumatanggap-tanggap pa rin ng ilang raket para kumita. Inihahatid-sundo ko siya araw-araw at pati dinner ay sabay kaming kakain.
 
 
Kahit na busy ako sa trabaho, isinisingit ko nang patago ang pags-skate. Siyempre, pinag-aaralan ko rin para kahit papaano masamahan ko rin ang girlfriend ko tuwing weekends para hindi sila palaging nagsosolo sa camp ng Markus na ‘yon, tsh.
 
 
“Good morning, sir! Pogi po natin ah.”, natauhan ako sa pag-iisip nang marinig ko si Chino na estudyante ko. Nakipagfist bump ako sa kanya at ginulo ang buhok niya.
 
 
“Oo naman. Ang aga mo yata ngayon ah, sino naghatid sa ‘yo ngayon?”, tanong ko.
 
 
“Si mommy po!”, masiglang saad niya.
 
 
“Ah talaga?”
 
 
“Opo, na sa labas nga po siya ngayon eh.”, saad niya. Parang bigla naman ulit bumalik ang pagkacurious ko kung sino ang mom niya. Hindi ko kasi siya nakikita.
 
 
“Sige, Chino. Uhm…umupo ka na muna diyan ah, may titignan lang ako sa labas.”, paalam ko kay Chino. Nag-thumbs up naman siya sa ‘kin at ngumiti tsaka umupo sa pinakaunahang bahagi ng room.
 
 
Paglabas ko ay bumungad sa harapan ko ang pigura ng isang babaeng nakatalikod. Tumikhim ako kaya napalingon siya sa ‘kin at laking gulat ko nang makita ko kung sino siya.
 
 
“Long time no see, Willard.”, nakangiting saad niya. ‘Yung way ng pag-smile niya, walang halong kaplastikan at kamalditahang mababakas hindi tulad noon. Bumait na kaya siya?
 
 
“I-It's great to see you, Margaux.”, tugon ko at nakipagkamay ako sa kanya. Agad rin naman akong bumitaw at natahimik kami saglit. Ang awkward tuloy.
 
 
“U-Uhm, ikaw pala ang mommy ni Chino?”, basag ko ng katahimikan. Ngumiti naman siya ulit at tumango.
 
 
“Yes, I am.”, she answered.
 
 
“Pero paanong---”
 
 
“He’s adopted.”, she smiled again and paused for a while. “Since me and my husband Chris knew that we will not be able to have a child on our own, we decided to adopt one and yeah, it’s Chino.”, patuloy niya. Grabe, hindi ko inakalang may asawa na pala siya. Pfft, parang kailan lang noong hinahabol-habol niya ako sa med mission dati.
 
 
“May sarili ka na pa lang pamilya, congrats.”, ngiti ko.
 
 
“Thanks. How about you? Kumusta ka na?”, she asked.
 
 
“Great. My relationship with Bliss is going smooth as we planned and I’m happy. Masaya rin ako dahil ganoon din ‘yung sa ‘yo.”
 
 
“That’s good to hear. Paano? Mauna na ako. Tumigil lang talaga ako para makipagkumustahan. It’s nice to see you again.”
 
 
“Yep, you too. Bye, have a great day.”
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
BLISS’ POINT OF VIEW
 
 
“Geez, Callistah Bliss! Concentrate, focus!”, mahinang saad ko sa sarili ko habang naghahanda ng coffee sa counter, eto kasi ulit ang nahanap kong raket pansamantala. One week na ang nakalipas pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang ginawang pakulo ni Lime sa event na pinuntahan namin noong date kuno namin.
 
 
Flashback:
 
 
Napakaraming tao ngayon dito sa park dahil sa event ngayon. May tumutugtog kasing banda. Nakailang kanta na rin ang kinanta at tinugtog nila at halos mabingi ako kasi puro rock song. Hindi pa naman ako mahilig doon.
 
 
Nagulat ako nang biglang tumayo si Lime na katabi ko kanina at pinagpagan ang sarili tapos ngumiti siya sa ‘kin at inilahad ang kamay niya para makatayo ako. What now?
 
 
“Let’s dance, girlfie.”, sambit niya at hinawakan ang baiwang ko at hinapit ako papalapit sa kanya. Ngayon ko lang napansin na naging slow na pala ‘yung kanta.
 
 
Dahan-dahan lang kaming sumayaw habang sinasabayan ang kanta. Napatingin ako sa pogi niyang mukha, oo na pogi na siya. Tumingin rin siya sa mga mata ko at hinawi ang ilang hibla ng buhok sa mukha ko at inilagay sa likod ng tainga ko. Ngumiti siya nang napakalaki at tsaka isinandal ang ulo niya sa balikat ko at inilagay niya ang isang kamay sa likod ko. Ganoon din ang ginawa ko at magkayakap na kaming sumasayaw ngayon. Hindi namin namalayang tapos na pala ‘yung kanta kaya naupo na ulit kami.
 
 
Napalingon ulit ako sa kanya at napansin kong nag-smile siya, makahulugan ang pagngiti niyang iyon. Hmm…I wonder kung ano na namang kalokohan ang na sa isip neto.
 
 
“Bago tayo magpatuloy sa next song, may special commercial muna tayo.”, itinuon ko nalang ulit ang pansin sa banda nang tumawa ang emcee. “Request ito ng isang loving boyfriend. Nako. Tsk, tsk, tsk. Huwag masyadong galingan!”, humagikhik ulit ito bago magsalita na naman.
 
 
“Ang motto nga ng banda namin, ‘Kapag mahal mo, kantahan mo!’ Let’s give it up for Mr. Willard Lime Brantley, ang loving boyfriend na gustong mag-alay ng isang awit para sa kanyang minamahal. Palakpakan naman diyan!”, nagulat ako sa sinabi ng emcee. Naghiyawan naman ang mga tao nang tumayo si Lime. Kinindatan niya pa ako bago tuluyang tumungtong sa stage.
 
 
“I dedicate this song to the most special girl I’ve ever known and I want to be with, now and forever, Callistah Bliss Willow.”, panimula niya. Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko kasabay ng hiyawan ulit ng mga tao.
 
 
Nagsimula na niyang kantahin ang ‘More Than Words’
 
 
Saying "I love you"
Is not the words I want to hear from you
It's not that I want you
Not to say, but if you only knew
How easy it would be to show me how you feel
 
 
Ang ganda ng boses niya.
 
 
More than words
Is all you have to do to make it real
Then you wouldn't have to say that you love me
'Cause I'd already know
 
 
Para kang lumulutang sa ere kapag pinapakinggan ang boses niya. Alam kong corny pakinggan, but I really mean it.
 
 
What would you do
If my heart was torn in two?
More than words to show you feel
That your love for me is real
 
What would you say
If I took those words away?
Then you couldn't make things new
Just by saying, "I love you"
 
 
Sobrang nadala ako at hindi ko namalayang tapos na pala ang kanta. Napatitig ako sa kanya habang papalapit siya sa ‘kin. Hawak-hawak niya pa rin ang mic na siyang ipinagtaka ko.
 
 
“To everyone na narito ngayon, gusto kong malaman niyo na itong baaeng na sa harapan ko ngayon ay ang pinakamamahal kong babae sa buong mundo. She never failed to amuse me and she never get tired of loving me despite of my flaws. She’s the best girlfriend in the world and I love her so much.”, pagkatapos niyang sabihin ‘yon ay iniabot niya sa emcee ‘yung mic at tumakbo para yakapin ako. Ngayon ko lang napagtantong umiiyak ako dahil sa tuwa.
 
 
Hinalikan pa niya ako sa noo at niyakap ulit. Siya lang ang tanging taong nakapagparamdam sa ‘kin ng tunay na kilig at pagmamahal. Hindi ako makapaniwalang nagkaroon ako ng boyfriend na kaya akong iligtas sa mga kapahamakan, ipagtanggol ako, yayakapin ako sa harap ng maraming tao at higit sa lahat ipinaramdam niyang mahal na mahal niya ako.
 
 
Sa puntong ito ng buhay ko, napagtanto ko na parang hindi ko na siya kayang mawala sa buhay ko. Gusto kong habang-buhay siyang na sa tabi ko.
 
 
“I love you so much, Lime.”, I whispered after the hug. Nagpalakpakan ang mga tao at kinantyawan pa nila kami kaya natawa kaming pareho.
 
 
-End of Flashback.
 
 
“Huy, ‘yung order daw.”, narinig kong saad ni Coleen na kasama kong nagtatrabaho rito ngayon kaya natauhan ako.
 
 
“Ah, oo sorry.”, paumanhin ko. Iniabot na niya sa ‘kin ang tray na may laman na order at number ng table.
 
 
“Here’s your order po.”, saad ko at inilapag ang tray sa table number seven.
 
 
“Thanks”, napatingin ako sa lalaking nagsalita. Medyo nagulat ako nang makita si Markus. Iniabot ko ang coffee sa kanya at nahawakan niya ang kamay ko na agad kong tinanggal dahil nailang ako.
 
 
“I-Ikaw pala. Balik na ulit ako sa trabaho.”, ngiti ko at mabilis na tinalikuran siya.
 
 
Simula noong araw na nakita ko siya sa may arcade sa mall, parang may kakaiba na sa mga kilos niya. Kapag inaaya niya akong magskate, iba ‘yung mga paraan ng titig niya tapos kapag aksidente lang kaming nagkikita effort na effort siyang gumawa ng mga bagay para lang mapangiti ako. Pero mas weird kapag nakikita niya kaming magkasama ni Lime, nagwa-walk out agad siya na parang ewan.
 
 
Alam kong hindi ko dapat bigyan ng mga kahulugan ang mga ginagawa niya pero hindi ako manhid. Sana lang talaga mali ang mga hinala ko, dahil kung hindi masasayang lang ang friendship namin kapag nagkataon.
 
 
 
 

ENDLESS MELANCHOLIC DREAMS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon