Chapter 22

9 0 0
                                    

CHAPTER 22
 
 
LIME'S POINT OF VIEW
 

“HOW is your work going?”, Bliss asked me habang kumakain kami ng breakfast.
 
 
“Good, how about yours?”, tanong ko pabalik.
 
 
“Just fine.”, saad niya at kinuha ang pinagkainan niya at tumayo na. Pumunta siya sa sink at naghugas ng pinagkainan.
 
 
“Hey, what's with the rush? Kumakain pa ako.”, reklamo ko.
 
 
“I just need a little favor right now. Pwede ba na ikaw na ang maghugas ng plato mo? Tsaka ikaw na rin magsara ng apartment after, I need to go.”
 
 
“What? Bakit ka ba nagmamadali? It’s Saturday. May work ka ba? We suppose to hang out with each other, right?”
 
 
“I’m sorry, pwede bang tomorrow na lang? You know it’s skate time.”, tinignan ko siya ng diretso. Uunahin talaga niyang samahan ang lalaking ‘yon kay sa sa ‘kin? Seriously?
 
 
“Ah, so kaya ka pala nagmamadali. Ganyan ka ba ka-excited makita si Markus?”
 
 
“Lime...can you please just---maaari bang ipostpone ‘yang selos mo, ha?”, inis niyang tanong. Napahawak pa siya sa sentido niya. Wow, I can’t believe her.
 
 
“Fine, yeah. Just go wherever you wanna go. Tutal mas mukhang mahalaga ‘yang pupuntahan mo kay sa sarili mong boyfriend, ‘di ba? Kaya mong puntahan ng walang hesitation ‘yang lalaking ‘yan! Tapos ako, ano? Noong humingi lang ako ng favor na puntahan at kausapin ang kapatid ko hindi mo man lang nagawa, napilitan ka pa!”
 
 
“What?! Hindi ako napilitan! And the last time I check, nagkausap kami ng kapatid mo and she even promised me to tell you the truth dahil ang gusto niya, siya mismo ang panggagalingan ng kung anong gusto mong malaman!”
 
 
“Then why didn’t you tell me?!”
 
 
“Because---aish! Teka nga. Bakit ba nandito na naman ang usapan? Pwede bang huwag mong pinapalaki ang mga bagay, Lime? Pupuntahan ko si Markus hindi dahil sa gusto ko siyang makita. Pupuntahan ko siya dahil may pag-uusapan kami at sa tingin ko mahalaga ‘yon at marami akong gustong maliwanagan, kaya please pwede ba?! Just breathe. Stop being so immature right now, okay?!”, she exclaimed and stormed out of the place. Padabog akong umupo. I know she’s hiding something, they are hiding something...
 
 
And I needed to know what it is.
 
 
 
 
 
 
 












 
 
 
BLISS’ POINT OF VIEW
 
 
We walked through the back door until we reached the end of the skaters' camp. Mas lalo akong kinakabahan dahil hindi mapakali itong kasama ko. What is he really going to say? I hopr na hindi ito tungkol sa bagay na pinagdududahan ko sa kanya.
 
 
“Ano ba talagang sasabihin mo? Tsaka pwede ba, tigilan mo na ang kakalakad ng back and forth? You are making me feel dizzy.”, I arched a brow.
 
 
“I-I’m sorry.”
 
 
“Ano bang pag-uusapan natin? Maaari bang sabihin mo na para matapos na ‘to?”, inis kong tanong.
 
 
“O-Okay. Eto na.”, he took a deep breath and looked straight in my eyes. Nagulat ako nang lumapit siya sa ‘kin at hinawakan ang magkabilang braso ko.
 
 
“W-What now?”, I asked him nervously.
 
 
“I...I like you, okay? I kno---”
 
 
“Markus!”
 
 
“I know! I really tried my best to get rid of this feeling but I failed and I know this is wrong. Alam kong mahal na mahal mo si Lime and you won’t hurt him that’s why I’m telling you this. Maybe if you reject me now, I can finally let go of my feelings for you and move on.”, gumaan naman ang pakiramdam ko sa sinabi niya. Alam kong may prinsipyo siyang tao.
 
 
“Markus I really like you too...but only as a friend. You’re cool but not really my type. I'm glad na ‘yan ang desisyon mo and I hope our friendship stays the same as ever.”, ngumiti ako. Niyakap naman niya ako ng hindi gaano kahigpit.
 
 
“Thank you, and yeah walang magbabago. I am more willing to be a good friend of yours than nothing.”, tumawa siya ng mahina at bumitiw sa ‘kin.
 
 
“Pero may isang bagay ka pa na dapat malaman.”, seryosong saad niya kaya kinabahan ulit ako.
 
 
“W-What is it?”
 
 
“Your brother came here---”
 
 
“WHAT?! M-May ginawa ba siya rito? Nanghamon ba siya ng gulo?”, sunod-sunod kong tanong.
 
 
“Hey, hey! Relax, will you?”
 
 
“Don’t tell me to relax! Kilala ko siya, and I know he will force me to go home again just like he did before!”
 
 
“Wala siyang ginawa, okay? At hinahanap ka lang niya. Sa tingin ko hindi ka naman pinapauwi.”
 
 
“How can you say that? At saka anong sinabi mo sa kanya.”
 
 
“Don’t get mad at me but...”, kumunot ang noo ko nang napakamot siya ng batok.
 
 
“But, what?”
 
 
“I gave him your address! I’m sorry!”
 
 
“WHAT?!”
 
 
With that, I ran as fast as I could para makauwi. Habang papalapit ako sa area kung nasaan ang place ko, mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko.
 
 
Pagkarating ko sa pintuan ng apartment, I saw a man standing. Nakatalikod siya sa ‘kin pero kilalang-kilala ko siya---my older brother.
 
 
“What are you doing here, kuya?”, sarkastikong diniinan ko ang huling salita.
 
 
“Please come home.”, he said and turned to me with his eyes filled with sorrow. Pero hindi ako naaawa sa kanya. Alam ko na ang style niya, bulok na.
 
 
“I don’t wanna go homr at hindi mo ako mapipilit kaya please lang, ikaw ang umuwi.”
 
 
“Dad needs you, Calli.”, he said that made me frown.
 
 
“Haha what? Ulitin mo nga kuya? Dad? Talaga? Really?”
 
 
“He has been really sick and he wants to see you.”, seryosong saad niya.
 
 
“No! Alam ko na ang style niyo. Linoloko niyo lang ako ulit! Kaya pwede ba? Patahimikin niyo na ang buhay ko, kuya!”
 
 
“H-Hindi na kita pipilitin.”, he said at naglakad kaya nagtalikuran kami. Bago siya tuluyang umalis ay may sinabi siya.
 
 
“I’m sorry for everything, little sis. If you ever come home again, babawi sa ‘yo si kuya. At kung gusto mong umuwi, welcome ka sa bahay. Hinihintay ka ng pamilya mo.”, puno ng sinseridad ang pagkaasabi niya at muntik na akong maniwala.
 
 
Madilim na pala ang paligid. Paglingon ko ay nakita kong nakatalikod pa rin siya doon kaya magsasalita pa sana ako nang humarap ito. Si Lime pala. Pero bakit ganyan ang itsura niya? Ang gulo ng buhok niya at parang ang lungkot ng mga mata niya, nakabukas rin ang dalawang butones ng polo niya. Agad ko siyang nilapitan.
 
 
“What’s wrong? Bakit ganyan ang itsura mo?”, I asked him.
 
 
“N-Nothing. Pagod lang ako sumama kasi ako sa business trip nila dad p-pero umuwi rin ako agad.”, he smiled but there’s something weird.
 
 
“Uhm, o-okay. Pasok ka muna? Let’s eat together?”
 
 
“H-Huwag na. I just came here to ask you if pwede ba tayong m-magkita bukas sa lake side?”
 
 
“H-Ha? Sure! Why are you asking me in such a formal way? I’m your girlfriend, syempre papayag ako. Okay ka lang ba talaga?”, nag-aalalang tanong ko.
 
 
“Y-Yeah. Let’s meet up at sunrise. Hihintayin kita, may mahalaga akong sasabihin.”, ngumiti ulit siya. Hindi pa ako nakakapagsalita ay naglakad na siya paalis. Sa hindi malamang dahilan ay parang kumitot ang puso ko habang tinatanaw siya.
 
 
Bakit pakiramdam ko mawawala siya sa ‘kin?
 
 
 
 

ENDLESS MELANCHOLIC DREAMS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon