Chapter 13

8 1 0
                                    

CHAPTER 13
 
 

LIME’S POINT OF VIEW
 
 

“HEY”, Bliss greeted as she answered my call. One year has passed and she hasn't become any sweeter. Just kidding, baka mabasa nito iniisip ko, yari na naman ako.
 

“Hi, love. Anong oras kitang susunduin?”, I asked.
 
 
“Hindi ko pa alam eh. Text nalang kita”, tugon niya.
 

“Alright, take care. I love you”, I said and smile as if naman makikita niya.
 
 
“Love you too. Bye”, she said and ended the call.
 
 
That's right, improving na ang girlfriend ko! Hahaha, biro lang. Pero tama nga ang narinig niyo, isa’t-kalahating taon na ang lumipas at marami na ring nagbago. Pero siyempre yung feelings ko para kay Bliss hindi nagbago. Hahaha, cheesy ko talaga.
 
 
 
 
Grumaduate na kami lahat ng college, maliban kay Bliss. Nagdesisyon siyang tumigil sa pag-aaral at nagtatrabaho siya ngayon bilang street artist para makapag-ipon at makapag-aral ulit. Nursing daw ang gusto niyang kunin dahil na-realize niya na ang pagtulong talaga sa mga tao ang gusto niyang gawin sa buhay simula nang manggaling kami sa medical mission nila mom at dad last year.
 
 
Ako naman ay kasalukuyang nagtuturo ng sining dito sa sarili kong art workshop. At patuloy pa din akong nagpipinta at nagbebenta ng mga artworks upang makadagdag sa mga gastusin ko. Nagrerenta na rin kasi ako ng sarili kong apartment. Aba, siyempre hindi habang-buhay akong nagiging palamunin sa bahay hahaha. Tsaka gusto ko rin maging independent. Binibisita ko pa rin naman sina mom at dad sa bahay tuwing weekends at natutulog din ako minsan sa bahay nila.
 
 
Si Maverick naman ay isa nang ganap na businessman at soon to be CEO na ng kompanya ng lolo niya, samantalang si Zeyya naman ay isang sikat na baker na. At kung itatanong niyo kung nasaan na ngayon ang bruhang si Margaux? Ayun, bumalik na sa America upang mag-aral kasama ang daddy niya. Naalala ko tuloy kung paano ko pinilit at kinumbinse si Bliss na gumawa ng paraan kung paano palayuin sa’kin ang bruha na ‘yon noong na sa medical mission pa kami.
 
 

Flashback:
 
 
“Hindi ka ba talaga nagseselos?”, pangungulit ko kay Bliss. Ako pa ang mas naiirita kay Margaux eh. Dikit nang dikit sa’kin, samantalang itong girlfriend ko mukhang walang pakialam. TT^TT
 
 
“Bakit? May ginawa ka ba na dapat kong ikaselos?”, she asked. Ngumuso ako at niyakap ko siya mula sa kanyang likuran.
 
 
“W-Wala. Pero hindi ba dapat ang girlfriend gumagawa ng paraan para ilayo ang boyfriend niya sa ibang babae?”
 
 
“Katawan mo ‘yan eh, edi ikaw na ang lumayo”
 
 
“Pero dikit nang dikit ang babaeng ‘yon eh. Nakakainis. Sige na please, love naman! Magselos ka na kasi”, pangungulit ko pa.
 
 
“Psh, ipinipilit na pala ‘yan ngayon? Eh hindi nga ako nagseselos anong magagawa ko”
 
 
“Gumawa ka na kasi ng paraan para mapalayo ang babaeng ‘yon sa’kin. Hindi ka ba naaawa sa boyfriend mo?” TT^TT
 
 
“Yah! Ang kulit mo”
 
 
“Please, my Bliss?”
 
 
“NO”
 
 
“Love naman”
 
 
“Fine, psh. Basta ‘wag mo na akong kulitin”
 
 
“Sabi mo ‘yan ah?”
 
 
“Oo na, psh. You look like a kid”
 
 





---
 
“Ready na ba kayong lahat, son?”, tanong sa’kin ni mom. We were going on hike.
 
 
“Opo”
 
 
Sabay-sabay kaming pumunta sa location kasama ang isang tour guide. Hindi din pala kabisado nila mom ang daan dito.
 
 
“Hey, Willard. Wait for me!”, Margaux exclaimed and link her arms on mine. Argh!
 
 
“A-Ano, ba. Hindi mo ba nakikitang nandito ang girlfriend ko?”, inis kong tanong at inilayo ang kamay niyang nakahawak sa’kin. Pero hindi siya nagpatinag at muling lumapit tsaka may ibinulong. Medyo kinilabutan pa ako.
 
 
“I will never give up on you, tandaan mo ‘yan. Ako ang nauna sa kanya and I will snatch you away from your girlfriend. She doesn’t deserve you”, she whispered in my ear and smirked. Sasagot pa sana ako nang biglang pumagitna sa amin si Bliss na hindi ko inaasahan at gusto kong matawa sa sinabi niya ngunit nangibabaw ang kilig sa puso ko.
 
 
“Distance or ambulance?”, sarkastikong tanong niya sa mismong mukha ni Margaux at hinila ako papalayo sa bruha na ‘yon. Magmula noon, ay hindi na ako kinulit ni Margaux hanggang makabalik siya sa States.
 
 
-End of flashback-
 

ENDLESS MELANCHOLIC DREAMS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon