CHAPTER 12
LIME'S POINT OF VIEW
IT is already 9'oclock in the evening at hindi pa rin namin nahahanap sina Margaux at Bliss. Naiwan ni Bliss ang phone niya at hindi naman namin ma-contact si Margaux. Nandito na rin sina mom at dad para tumulong sa paghahanap sa kanila.
“Sinasabi ko na nga ba, hindi talaga maganda ang kutob sa babaeng ‘yon, mom eh. Panigurado, siya na naman ang may pakana neto! Sinisira niya ang mga plano ko!”, galit kong saad.
“Please, just calm down, son”, pagpapakalma sa akin ni mom pero hindi gumagana. Mas lalo akong natataranta at nangangamba sa posibleng mangyari kay Bliss.
“How am I suppose to calm down, mom?! Lumalalim na ang gabi at hindi kabisado ni Bliss ang lugar natin!”
“I know, son, I know. Pero walang magagawa ang pagsigaw at pagpapanic. Kailangan maghiwa-hiwalay tayo upang mahanap na natin sila agad---”
“Ouch! Help!”, nagulantang ang lahat sa biglang pagdating ni Margaux. May mga galos siya at paika-ikang maglakad. Inalalayan naman siya ni Maverick at iniupo sa sofa. Agad ko siyang nilapitan.
“Margaux! Nasaan si Bliss?”, halos pasigaw kong tanong.
“I don’t know. We were just taking a stroll at the woods and nang makalayo na kami, I needed to pee that’s why lumayo ako ng kaunti sa kanya at ‘nung pumunta ako sa kinaroroonan niya, wala na siya. I tried to find her but I failed and on my way home, I tripped onto something that’s why---”
“Ano bang pumasok diyan sa utak mo?! Stroll for the night? At talagang sinama mo pa si Bliss! If I know, sinadya mong mangayari ‘to!”, I exclaimed. Hindi ko na napigilang ilabas ang galit ko.
“Son, tama na ‘yan”, pigil sa’kin ni dad.
“W-Why are you so mad at me?! I-It’s not even my fault na tatanga-tanga siya kaya siya naligaw!”, Margaux shouted na mas lalong ikinakulo ng dugo ko.
“WHAT. DID. YOU. JUST. SAY?!”, galit at may diin kong tanong.
“What? It’s true naman! Hindi mo nga makita na nasaktan din ako. You got blinded by her!”
“ENOUGH!”, sigaw ni dad na ikinatahimik ng lahat. “Walang magagawa ang pakikipagbangayan! Stop acting like a kid here at simulan na natin ang paghahanap”, pagkasabi iyon ni dad ay biglang bumuhos ang malakas na ulan.
Without a word, kinuha ko ang flashlight at nagsuot ng rain coat and I stormed out of the house. Dumaan ako sa likod ng bahay where there’s a path that leads me to the woods. I turned on my flashlight and start screaming her name.
“Bliss! Please shout back if you can here me!”, I yelled.
I kept walking and screaming but there’s no sign that she’s here. Halos makarating na ata ako sa dulo ng kakahuyan na ‘to pero hindi ko pa rin siya nahahanap and I’m starting to lose hope. It feels like my tears are going to fall down in any moment.
“BLISS!”, ginamit ko lahat ng natitirang lakas at boses ko para sumigaw pero wala pa ring sagot. Napaluhod nalang ako sa basang lupa at napasabunot sa ulo ko. Suddenly, I heard someone grunted.
“B-Bliss! I’m here! Please speak!”, I screamed at the top of my lungs.
“H-Help!”, she screamed back. Inipon ko lahat ng lakas ko at tumayo and run as fast as I could.
“Keep shouting!”
“L-Lime!”, habang tumatakbo ako ay palapit nang palapit ang boses. Ngunit napatigil ako sa pagtakbo nang muntik na akong mahulog sa isang bangin.
BINABASA MO ANG
ENDLESS MELANCHOLIC DREAMS (Completed)
RomanceWillard Lime Brantley is a normal yet crushable college boy that is currently taking up Fine Arts at Fortfoxilla University. While his nerdy admirer is confessing at the hallway, he accidentally met an aloof transferee girl that is said to be Callis...