CHAPTER 08
LIME'S POINT OF VIEW
“KINIKILIG pa rin ako ‘pre!”, saad ni Mav na may kasama pang paghampas. Agad ko naman siyang binatukan nang pabiro.
Kanina pa ‘yan nandito. Panay ang kwento sa date ‘daw’ nila kuno ng bebelabs niya na si Zeyya. Oh ‘di ba? Pati naisip niyang endearment, ang korni. Paano hindi ma tu-turn off si Zey dito? Pfft.
“Tigil-tigilan mo na nga ‘yan. Daig mo pa ang babae kung kiligin eh. At kailan pa naging ‘pre’ ang tawag mo sa ‘kin? Sira ka na talaga!”
“Shh”, senyas niya at inilagay pa ang hintuturo niya sa ilong at bibig ko. Ano ba ‘to!
“Ano ba! Ambaho ng kamay mo”, singhal ko.
“Grabe ka naman! Bakit sa’yo mabango ba? Nakita nga kitang tumae kanina baka hindi ka naghugas ng kamay”
“Hoy, huwag mo akong itulad sa’yo. Tsaka tigilan mo na nga ang kaka-kwento ng mga korni mong istorya”
“Minsan na nga lang ako ganito, kaya pagbigyan mo na ako. At saka alam ko namang bitter ka lang. Hindi kasi sweet sa’yo si Calli eh kaya ka ganyan”
“Sino naman may sabi? Hindi ko lang kinukuwento!”, pareho kaming nagulat sa sinabi ko. Pero mas malala nga lang ang reaction niya. Lumaki pa ang mga butas ng ilong niya. He’s overreacting again, tss.
“So ibig sabihin meron?!”, malakas at nang-aasar niyang tanong. Ang ingay talaga neto!
“H-Hindi ah. Sinabi ko lang ‘yon para tumahimik ka, tsk”
“Weh? Dire-diretso mo ngang nasabi eh”
“Wala nga sabi! Gusto ko lang talaga tumigil ka”
“Maniwala naman ako sa ‘yo. Ikaw ah...pero aminin mo, gusto mo na siya noh?”, parang kinikilig na babaeng tanong niya at sinagi-sagi pa ako. Shokle talaga ‘to!
“Hindi. No. Never. Ano bang kailangan kong sabihin? Tsk! Tigilan mo na ako”
“Wushoo! Hahaha. Utot mo maniwala bro! Ge alis na nga ako baka maibulgar mo pa ang mga SWEET MOMENTS niyo ni Calli”, nang-aasar pa rin ang tono niya at tumayo na. Kinuha ko naman ang nayuping plastic bottle na ininuman ko kanina at ibinato sa kanya pero nakailag siya at tinawanan lang ako habang palabas ng gate.
“Son”, biglang sulpot ni dad sa likod ko kaya napalingon ako. Kakaiba yung ngiti niya, parang nanunukso din. Narinig naman niya kaya iyong usapan namin ni Mav kanina?
“D-Dad...kanina ka pa po diyan?”
MAVERICK’S POINT OF VIEW
Pagkaalis ko sa mansion nila Lime ay agad akong dumeretso sa isang flowershop at nagpa-arrange ng boquet of red roses.
“Sino po ba bibigyan niyo, sir?”, tanong ‘nung babaeng florist.
“Bakit mo tinatanong? Crush mo ‘ko noh?”
“A-Ano po, sir?”
“Nako, huwag ka nang magkaila, miss. Alam ko namang guwapo talaga ako”
“Hahaha, nako sir palabiro po pala kayo”
“Huh? Hindi naman ah. Bilisan mo na nga, baka naiinip na ang sweetcakes ko”
BINABASA MO ANG
ENDLESS MELANCHOLIC DREAMS (Completed)
RomanceWillard Lime Brantley is a normal yet crushable college boy that is currently taking up Fine Arts at Fortfoxilla University. While his nerdy admirer is confessing at the hallway, he accidentally met an aloof transferee girl that is said to be Callis...