Chapter 11

9 1 0
                                    

CHAPTER 11

 

 

LIME'S POINT OF VIEW

“WHAT is she doing here, mom?”, pigil inis kong tanong nang makalayo kami sa kanila nang kaunti.

“Her dad said that she got grounded, and her punishment is to work here with us for one month”, paliwanag ni mom. Napasinghap naman ako ng hangin at napahawak sa bridge ng ilong ko. I'm so pissed.

“Bakit hindi niyo po sinabi sa aking nandito siya? Kung alam ko lang, sana hindi na ako tumuloy”, mariing wika ko.

“Son, please stay. I’m sorry kung hindi kita nasabihan na nandito siya. Biglaan kasi itong nangyari. Kagabi lang siya dinala ng daddy niya and hindi naman kita ma-contact kagabi para sana sabihin sa iyo”, mom explained, worriedly.

“Ano pa nga bang magagawa ko, mom? Bakit po ba kayo pumayag kay Mr. Solomon na dalhin dito si Margaux?”

“Well, I didn’t. Your dad was the one who agreed to this. Alam mo naman na kaibigan ng dad mo si Mr. Solomon and he can’t just say no”

“Yes, he can. Hindi porket kaibigan ni dad si Mr. Solomon ay dapat na siyang pumayag, mom. You don’t know how uncomfortable for me that she’s here, working with me”

“But son, it’s all happened in the past. Can we all just forget it?”, she asked. Unbelievable!

“Really, mom? Alam niyo po, nating lahat kung gaano niya muntik sirain nang tuluyan ang buhay ko noon, right? Pero bakit parang ang dali lang sa inyong kalimutan ang mga hirap na pinagdaanan ko nang dahil sa kanya? You don’t how I badly wanna leave this place immediately upon seeing her, pero hindi, hindi ko gagawin ‘yon kasi gusto kong pang magkaayos kami ng kapatid ko eh at gusto ko kayong makasama. I guess you should just thank Quinn, mom”

“I’m really sorry kung ganyan ang nararamdaman mo, son. Hindi naman sa kinakalimutan ko ang ginawa niya. It’s just, we have to forgive the person who hurt us and move on. Hindi makabubuting ikulong natin ang sarili natin sa mga pagkakamali at masasamang ala-ala sa nakaraan, anak”

“Napatawad ko na po si Margaux, mom. Matagal na. At nakalimutan ko na nga rin iyong ginawa niya sa’kin dati eh. Pero ngayong nakita ko siya ulit, pakiramdam ko mauulit lahat ‘yon eh...”, I pause for a while.

“You know, mom, if I’m being honest right now, I have fallen inlove with someone new. Hindi ko sana gustong sabihin muna ito para sana sorpresahin kayo, but just to make it clear, liniligawan ko po si Bliss. Mahal ko po siya. At natatakot akong masira ang lahat nang dahil sa babaeng ‘yon. I can’t lose her, mom”, I said. She looked straight at me with tears in her eyes at niyakap ako.

“I won’t let it happen, son. Tutulungan ka namin ng daddy mo”, pagkasabi niya ‘yon ay bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at ngumiti.

“Thanks, mom”

“So, what’s your next move, son?”, nabigla kami parehas ni mom sa pagsulpot ni dad. May hawak siyang tasa na may lamang kape.

“I have a plan”, I smiled.
























MARGAUX’S POINT OF VIEW


Err, hi? You’re probably wondering who am I...well, I’m Margaux Shane Solomon. Name pa lang, sossy na, right? Unlike that Callistah, ugh. Sounds so lame. Paano ko siya nakilala? Narinig ko lang naman kay Maverick kanina lang. It looks like botong-boto sa kanya si tita, mukhang wala naman siyang binatbat compared to me.

ENDLESS MELANCHOLIC DREAMS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon