"Ouch," he whispered.
Napairap ako sa pag-iinarte nito at mas lalo pang diniinan ang pagkakalagay ko ng gamot sa mga sugat nito. "Sino kasi nagsabing makipagbardagulan ka sa likuran ng 7-Eleven ha?"
"He deserved it," nagkibit balikat ito at muling napangiwi ng maramdaman ang marahas kong pagkakalagay ng gamot sa kaniyang mukha.
"Can you be more gentle?" He hissed touching my right hand. Linayo nito ang kamay ko sa kaniyang mukha bago dahan dahang linapit ito sa kaniyang sugat. He could've just grabbed the cotton on my hands but instead he used my hand and gently cleaned his own wounds using my hands,
"Makikipag-suntukan ka na nga lang masusugatan ka pa, ang tanga tanga mo naman," bulong ko ngunit mukhang narinig nito ang sinabi ko at mahinang napatawa.
"These wound aren't from that fight, Celine" ngumisi ito at muling pinagpatuloy ang paglinis sa kaniyang sugat. At nagyabang pa ang timawa na ito,
"Tsk, sana naging boksingero ka na lang noh." Hinila ko ang kamay ko pabalik at linagay sa palad nito ang bulak na hawak hawak ko. How dare he use my precious hand to treat his disgusting wounds?!
"Ang arte kala mo naman mabango yang kamay mo,"
I gasp before smelling my own hands. Mabango naman ang kamay ko ah, kanina pa kaya ako naglalagay ng kung ano ano dito tapos iinsultuhin lang niya?
"MABANGO NAMAN AH!" Sigaw ko rito.
"Pa-amoy nga," hinila nito pabalik ang kamay ko at nakangiting inamoy ang palad ko. Napakurap ako habang tinitingnan itong patuloy ang pagsinghot at pag-amoy sa kamay ko. God, why is he smilling like that.
"Hmm. Mabango nga," he bit his lips before letting my hand go as he starts cleaning his wounds again. That stupid smirk on his lips never left his face and it made me irritated, ang sarap sapakin ng lalaking ito sa kakangisi niya. Iniinsulto niya ang kamay ko!
"Ma'am, ito nalang po ang bandage na meron sila," hingal na hingal na sumulpot sa tabi ko si Penny at dala dala ang isang karton ng hello kitty bandage. Linahad nito ang karton sa gawi ko kung kaya't kaagad ko itong kinuha at nakangising ipinakita sa lalaking nasa tabi ko na wala manlang reaksyon sa mukha.
Isn't he even scared that people might see him wearing a girlish bandage like this?!
"Mas bagay sayo ang barbie, I'll buy you that next time I saw you wounded." Binuksan ko ang karton at kumuha ng isa tsaka ito marahan na linagay sa sugat na nasa pisngi nito. His Forest like eyes remained on me while I carefully place the bandage on his face, careful enough not to leave any of his scar open.
"I'd love that," he chuckled.
Inirapan ko ito at linagyan pa ng bandage ang kamao nito bago marahas na binigay sa kaniya ang karton na hawak hawak ko. He might need it again next time, mas mabuti kung ibigay ko nalang sa kaniya nang may gamitin siya.
"Ms. Grei, Ito po pala yung tubig na pinabili ninyo" liningon ko si Penny at kinuha ang tubig na hawak nito ngunit agad na natigilan ng maisip na baka nauuhaw rin ito dahil sa pag-tatakbo na ginawa namin kanina. I looked away and gave her the bottle in my hands,
Kinuha naman nito ang tubig na kinangiti ko, ngunit makalipas ang ilang segundo binalik nito ang tubig sa akin na wala ng takip. "Uminom na po kayo, nabuksan kona." She smiled.
BINABASA MO ANG
If Yesterday Could Disappear
RomanceThe Walton Brother's She's a mix of beauty and mess, going through countless of battles that left her pain and scars that were never healed. Celine Grei was only 9 when she witnessed her father dying infront of her. The explosions and the screaming...
