Chapter 4

4.4K 139 8
                                    

FLAMES SERIES 3
SAVE ME FROM THE DARK
"AMOR"
By...emzalbino

Walang nagawa ang mag inang Thelma at Trixie matapos na mabasa ni attorney Ibrahim Suarez ang huling testamento ni Rafael Carreon ang ama ni Amor na ito ang ginawang tagapagmana ng lahat ng kanilang naiwang ari arian dahil sa nag iisang anak ito ng yumaong mag asawa...

Ngunit magkagayon pa man ay hindi na pinaalis ni Amor ang mag ina dahil kahit papaano naman ay naging kabahagi rin sila ng kanilang pamilya ng nabubuhay ang kanyang ama na naging katuwang din si Thelma ni Rafael ng magsama ang dalawa...

"Amor sigurado kaba sa pasya mong hindi na sila paalisin ang mag inang iyon?....naninigurong tanong ni attorney Suarez ng magkaharap sila sa opisina ng abogado para pormal na lagdaan ni Amor ang lahat ng mga dokumento kung saan nakalahad na siya nga talaga ang nagmamay ari na ng malawak na lupain ng mga Carreon at ang mga naiwang negosyo ng ama nito at maging ang mga perang ipon ng ama at maging ang bahay nila...

"Attorney kahit gaano po kasama ang mga ginawa nila sa akin ay hindi ko po naman maatim na palayasin silang mag ina dahil wala naman silang mapupuntahan at naaawa naman ako kaya sinabihan kong manatili nalang sila sa bahay total napakalaki ng bahay at kami lang ng mga kasambahay ang nakatira doon eh aalog alog lang po".......ani Amor kay attorney Ibrahim..

"Baka gawan ka nila ng masama Amor!.....alalang saad ng attorney..

"Hindi naman po siguro attorney at baka dito na nila maisip ang mga maling pinaggagawa nila noon sa akin at tuluyan na silang magbago".....muling wika ni Amor..

"Iha hindi sa sinusulsulan kita pero nang aalala lang ako na baka mapahamak ka sa kanila".....saad ni attorney Ibrahim..

"Salamat po attorney at wag kayong mag alala dahil lagi po akong mag iingat"....naninigurong sabi nito sa kausap saka ngumiti ito at yumakap sa abogado na parang ama na niya kung ituring dahil magkaibigan ang kanyang nasirang ama at si attorney Ibrahim...

"Kung sakaling may kailangan ka sa akin ay wag kang mag atubiling magsabi dahil naririto lang ako upang maging katulong mo at bilang parang ama mo narin ngayong wala na ang iyong mga magulang".....malungkot na wika ng matanda kay Amor na siyang ikinaluha nito...

"Salamat po attorney, Sa totoo lang po ay walang halaga ang lahat ng mga iniwang kayamanan sa akin ng aking mga magulang dahil wala na sila sa aking tabi dahil ang tanging nais ko lang ay magkakasama kami na masaya tulad noon ngunit wala akong magagawa kundi tanggapin ang lahat kahit na masakit".....lumuluhang pahayag ni Amor..

"Iha ganyan talaga ang buhay una unahan lang at balang araw ay magkikita kayong muli sa kabilang buhay pag dumating ang tamang panahon,Ngunit sa ngayon ay dapat mong pangalagaan ang mga iniwang obligasyon saiyo ng iyong mga magulang at ingatan mo ang iyong sarili dahil ikaw nalang ang magandang alaalang naiwan nila at balang araw ay magkakaroon karin ng sarili mong pamilya at magagamit mong lahat ang iniwan nila sayo para sa kinabukasan ng ninyo ng magiging pamilya mo kung dumating man ang sandaling iyon".....paalaala ni attorney Ibrahim kay Amor na ikinatango ng dalaga...

.....

Dahil sa laging pagpunta punta ni Pauline sa opisina ni Kael upang kulitin ito ay agad na tinanggap ni Kael ang iniaalok sa kanya ni Serge na magbakasyon sa rest house nila sa Palawan at agad din niyang tinapos ang kanyang mga mahahalagang trabaho sa opisina...

"Oh bro ano ready kana ba sa pagbabakasyon mo?....naninigurong tanong ni Serge kay Kael ng magkita sila sa isang bar..

"This is the best decision that i have to do para tigilan na ako ng babaeng iyon!.....kunot noong sagot ni Kael sa kaibigan sabay lagok nito ng whisky..

FLAMES SERIES 3...SAVE ME FROM THE DARK.."AMOR"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon