Chapter 22

4.3K 146 9
                                    

Flames Series 3
Save Me from the Dark
"Amor"
By...emzalbino



Gaya ng pinag usapan ni Kael at Amor ay inaayos na nito ang mga importanteng mga trabaho at dokumento sa kanyang opisina. Ipinaliwanag niyang lahat sa kanyang bagong secretarya ang mga dapat niyang gawin at bilin.


"Liza, naririto na lahat ang mga documents na pirmadom ko at just in case na may emergency call ako o anumang appointment ay tawagan mo lang ang contact number at anytime ay naka online ako" bilin nito sa kanyang bagong secretary na hals usang linggo palang sa kanyang pwesto.




"Okay po sir" sagot ni Liza sa kanyang amo.



"Okay thanks" ani Kael saka nagpaalam sa secretary niya dahil medyo kumalam ang kanyang sikmura kaya nagtungo siya sa may canteen upang kumain ng kahit na ano.



Maya maya lang ay habang nasa kalagitnaan ng pagkain si Kael ay tumawag ang isa sa mga katulong na si aling Tina na parang nag aalala ito.



"He-hello aling Tina, bakit kayo napatawag? May nangyari ba diyan?" alalang tanong ni Kael na halos napatayo pa ito sa kanyang kinauupuan.



"Si A-Amor kasi Kael eh" niniyerbiyos na sagot ni aling Tina.


"Anong nangyari kay Amor? Nasaan siya?" kinakabahang tanong muli ni Kael at malalaki na ang hakbang na tinugma ang pasilyo para tumungo sa kanyang opisina habang nakikipag usap kay aling Tina.


"Eh kasi si Amor ay bigla nalang nawalan ng malay tao. Nahimatay nalang bigla kaya heto dadalhin na namin siya sa ospital baka kung ano pa ang mangyari sa kanya" pagbabalita ni aling Tina.



"Okay po aling Tina, sabihin niyo po kung saang ospital ninyo dadalhin si Amor at pupunta na ako agad doon at pakiusap na wag na wag ninyo siyang iiwan kahit isang segundo man lang! Pakisabi sa guardiya na bantayang mabuti ang aking asawa dahil nasa peligro ang buhay niya at ng aming baby" nagmamadaling sabi ni Kael kay aling Tina.



"Oo Kael, masusunod ang gusto mo iho" ani aling Tina saka sinabi narin nito ang ospital na pagdadalhan nila kay Amor at dali daling pumasok sa kanyang opisina si Kael upang kunin ang kanyang gamit.


Nagmamadali itong lumabas ng kanyang opisina at ng mapadaan siya sa kanyang secretary ay....."Liza pag may naghanap sa akin ay sabihin mong may pinuntahan akong importante huh" nagmamadaling wika ni Kael sa kanyang secretary.


"Okay po sir, but saan po ba kayo pupunta?" sagot naman ni Liza sabay alam nito kung saan patungo ang amo.



"I need to go to the hospital dahil biglang nawalan ng malay tao ang asawa ko, and she needs me now" agad na sagot ni Kael sa dalaga.


"Ah okay po sir" sang ayon na sagot ni Liza at nagmamadaling nilisan ni Kael ang lugar at balik naman sa trabaho ang dalaga.

...

Samantala dahil sa pagkakainip na ni Pauline dahil hindi nila matiyempo tiyempuhan si Amor ay ipinasya niyang puntahan si Kael sa mismo nitong opisina upang kompromtahin ito. Nang saktong paghinto nito ng kanyang kotse ay namataan naman niyang mabilis na tumalilis ang kotse ni Kael na para bang hangin na dumaan sa bilus nito.



"Parang nagmamadali ah!" ani Pauline sa sarili saka inayos nito ang nagusot niyang damit at tinungo ang lift. At kahit na alam niyang umalis ang binata ay nais parin niyang magtuloy sa opisina ng dating katipan upang mangalap ng impormasyon.


Ilang sandali ang nagtagal ay huminto ang lift sa palapag na kung saan ay naroroon ang opisina ni Kael. Napakunot ang noo niya ng makitang ibang mukha ang nakaupo sa may mesa ng secretary ni Kael kaya agad itong lumapit doon.


FLAMES SERIES 3...SAVE ME FROM THE DARK.."AMOR"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon