Chapter 7

3.8K 137 4
                                    

FLAMES SERIES 3
SAVE ME FROM THE DARK
"AMOR"
By...emzalbino

Nagmamadaling tinalunton ni Kael ang daan patungo sa rest house na karga karga nito ang babaeng sugatan..

Agad niyang inilapag sa sofa ang dalaga at agad na tinakbo ang bahay nila mang Enzo at aling Desta..

"O bakit Kael at humahangos ka ah at ang aga aga pa!.....nagtatakang binakbuksan ni mang Enzo ng pinto si Kael dahil nagising ito sa lakas ng pagkatok ng binata..

"Basta sumama po kayo sa akin dahil importante po ito at kailangang kailangan ko ang inyong tulong!....nagmamakaawang turan ni Kael kaya pati si aling Desta ay nag alala narin sa reaksiyon ng bunatang si Kael..

"Ano nga ba iyon ah iho?.....naguguluhang tanong ni Aling Desta..

"Mamaya na po kayo magtanong at halina po kayo baka kung ano pa ang mangyari sa kanya roon sa rest house"......nagmamadaling wika ni Kael na tumalikod na ito.

Walang nagawa ang mag asawa kundi sumunid kay Kael na kahit naguguluhan sila sa ikinikilos ng binata ay tumalima nalang ang mga ito.

Halos takbuhin na ni Kael ang daan patungo sa rest house habang nakasunod naman ang mag asawa at ng makarating na sila sa rest house ay nagmamadaling isinara ni Kael ang bahay saka tumungo sa living room kung saan naroroon ang babaeng nakuha niya sa dagat at laking gulat ng mag asawa ng makita ito..

"Sino siya Kael at saan siya galing?....halos sabay na tanong ng mag asawa at ng makita ang tama ng baril sa may balikat ng babae ay nanlaki ang mga mata ni aling Desta..

"Buhay pa ba iho?....alalang tanong ni mang Enso..

"May pulso pa ho mang Enso pero kailangang maalis ang bala sa kanyang katawan bago mahuli ang lahat".....alalang sagot ni Kael..

"May mga gamit dito sa may drawer si doctora Caridad ang mommy ni sir Serge"....,turan ni aling Desta saka agad na nagtungo sa may stock room at mula roon ay kinuha lahat ang mga gamit at mga gamot na pwede pang gamitin at nagmamadaling bumalik sa may sala habang bitbit ang medicine kit at ang ibang mga laboratory equipments ng doctora.

"Dadalhin ko po siya sa may kwarto para mas maganda na doon nalang alisin ang bala sa kanyang katawan"....saad ni Kael sa mag asawa at binuhat na ang walang malay taong si Amor na hindi man lang kilala ng tatlo..

"Alam mo bang tanggalin ang bala sa kanyang katawan Kael o kailangan natin siyang dalhin sa ospital?......anang tanong ni aling Desta habang walang kakurap kurap na nakatitig sa dalagang walang malay tao..

"Alam ko po aling Desta at nagawa ko na po ito minsan sa isa kong kaibigan noong nag aaral palang ako na aksidenteng napagkamalang magnanakaw at binaril ito dahil dayo lang kami noon sa isang bayang pinuntahan namin at buti nalang dahil mababaw lang ang tama nito at ang pagkakabaon ng bala kaya agad kong naalis, aling Desta paki gawa nalang po ng mainit na tubig upang ipanbanli sa mga gamit at panlinis din mamaya sa kanyang sugat"......

"O siya sige at Enso diyan kana lang muna kay Kael at pupunta ako ng kusina para magpakulo ng tubig"....wika ni aling Desta sa asawa at parang nanginginig ang mga tuhod na tinungo nito ang kusina at habang nagpapakulo ng tubig ay napapaisip ito..

"Ang mukha ng babaeng ito ay parang nahahawig kay Rafael Carreon, iyong biyudo na nag asawa at kamakailan lang namatay at nasa kabilang bayan".....kunot noong wika ni aling Desta sa isip nito at ng kumulo na ang tubig na mainit ay inilagay nito sa palanggana saka dinala sa kwarto kung saan ay naroroon sina Kael, mang Enso at ang babaeng misteryosa na sugatan.

"Heto na ang mainit na tubig!....agaw pansin ni aling Desta sa dalawa na agad namang lumingon.

"Salamat aling Desta".....ani Kael saka inilubog sandali sa mainit na tubig ang mga kagamitan na gagamitin niya sa pagtanggal sa bala na nakabaon sa katawan ni Amor..

FLAMES SERIES 3...SAVE ME FROM THE DARK.."AMOR"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon