Flames Series 3
Save Me from the Dark
By...emzalbino"Amor, what's happening to you?" muling nag aalalang tanong ni Kael kay Amor ngunit hindi tumutinag ang dalaga at unti unti ng nalalaglag ang mga luha nito na parang takot na takot......."Come let's go now" ani Kael at inakay paalis sa may pizza parlor si Amor na nakamata lang sa kanila sina Pauline na noon ay parang nagtatanong ang mga mata nito sa nangyayaring iyon sa kasama ni Kael dahil bigla nalang parang takot na takot ito na nanginginig pa ang buong katawan at si Trixie naman ay hindi makapagsalita at nakasunod lang ang mga mata sa dalawang umalis ngunit sa hitsura nito ay gulat na gulat.
"Hoy Trixie, are you okay?" untag ni Pauline sa kaibigan kaya parang nahimasmasan at bumalik sa dati ang kanyang atensiyon.
"Huh!" tanging wika ni Trixie saka muling sinundan ang papalayo ng sina Amor at Kael...."Bu-buhay si Amor! Buhay siya at hindi nagtagumpay si mommy sa kanyang ginawa? No wonder hindi nila mahanap hanap ang kanyang bangkay dahil buhay pa pala" bulong ni Trixie sa sarili......."Hindi na dapat malaman ni mommy ito para tumigil na siya dahil alam kong hindi siya titigil sa kanyang ginagawa kung sakaling malaman niyang buhay pa si Amor" muling wika nito sa sarili.
"Okay ka lang ha Trixie?" kunot noong tanong ni Pauline......."Yes im okay" tanging sagot ni Trixie ngunit parang hindi kumbinsido si Pauline dahil nababanaag niya sa hitsura ng kanyang kaibigan ang labis na pag aalala at ang pagkakabigla nito na parang natuka ng ahas ng makita nito ang kasama ni Kael na babae at tinawag na Amor.
"Hmm Kael hindi magtatagal ang kaligayahan ninyong dalawa ng Amor na iyan dahil magiging akin kang muli at i will find out the secret of that woman" nakataas ang kilay na turan ni Pauline sa sarili saka hinila na ang kaibigan para lisanin ang lugar.
....
Nang makarating na sina Kael at Amor sa kanyang kotse ay pinainom niya muna nag dalaga ng tubig upang mahimasmasan ito saka naupo sa tabi ni Amor na noon ay nanginginig pa ang mga tuhod nito at patuloy ang pagdaloy ng kanyang mga luha at ang kamay nito ay kaylamig habang hawak hawak ni Kael.
"Amor calm down please! Ano ba ang nangyari at bigla ka nalang na parang takot na takot? Please tell me Amor, naririto ako! I will help you at hinding hindi kita pababayaan, promise" alalang alala na sabi ni Kael saka hinagkan hagkan nito ang kamay ng dalaga.
"Ka-Kael im so scared! Natatakot ako, papatayin nila ako hu hu hu!" humahagulgol ng wika ni Amor na mas lalo pang nanginig ang katawan nito.
"No, walang makakagalaw saiyo! Hindi kita pababayaan at walang papatay sa iyo dahil hindi kita iiwan, naririto ako para bantayan ka, para iligtas ka sa lahat ng panganib" saad ni Kael saka niyakap ng mahigpit si Amor.
"Iyong babae, iyong babae na kasama ng tinawag mong Pauline ay anak ni tita Thelma. Kael papatayin nila ako! Papatayin nila ako, maniwala ka , papatayin nila ako!" parang nagsusumigaw na sa takot si Amor kaya niyakap pa ng mas mahigput ni Kael ang dalaga upang ipabatid na nasa tabi lang siya at walang makakagalaw sa kanya kahit pa dulo ng daliri nito.
"Kaya pala parang binabad sa suka ang mukha nito ng makita ka and now they will knows na buhay ka at hindi ka patay. Mas mabuting wag ka munang maglalabas ng bahay para masiguro kong ligtas ka and i think you need now to tell to your attorney ang lahat lahat para malaman nila kung sino ang salarin sa ginawa nila sayo noon" pahayag ni Kael kay Amor.
"Kael natatakot ako! Ayoko munang makaharap sila, parang hindi ko kaya, natatakot ako at wag mo akong iiwan, dito ka lang sa tabi ko" waring nakikiusap na wika ni Amor kay Kael.