Chapter 25

4.6K 161 14
                                    

Flames Series 3
Save Me from the Dark
"Amor"
By...emzalbino




"Tita Thelma!... Mommy!" sabay na bulalas nila Amor at Trixie ng marinig ang sigaw na iyon ni Thelma at si Pauline naman ay mas lalo pang nagmamdaling lumapit sa kanila.



"You betrayed me Trixie! I treat you as my sister pero ano itong ginawa mo sa akin huh! Trinaydor mo ako! Ginawa mo akong tanga pagkatapos kitang tulungan at patirahin sa bahay ko ay ito pa pala ang igaganti mo sa akin huh!?" nagpupuyos sa galit na sigaw ni Trixie habang nakatutok kina Amor at Trixie ang baril na hawak nito habang papalapit sa kanila.



"Ibaba mo iyan Pauline at mag usap tayong mabuti!" pasigaw na sabi ni Trixie.


"Mag usap! Ano pa ba ang pag uusapan natin huh! Para ano pa ang gagawin nating pag uusap? Para bilugin ang aking ulo? Tsk..tsk..tsk. Kypung kaya mong traydurin ang ina inahan mo ay hindi mo ako magagaya sa kanya dahil kahit na anong gawin ko pa ay hindi na kita paniniwalaan pa!" singhal ni Pauline kay Trixie.



"Oo, aaminin ko na trinaydor ko kayo, pero ikaw ang naunang nagteaydor sa akin. Sinabihan kitang wag na wag kong sasabihin sa aking mommy ang tungkol kay Amor but you still told her at ngayon ay ginagamit mo ang aking mommy para kasangkapan sa kawalang hiyaang balak mo kay Amor at ng malaman mo ang ginawa ni Mommy kay Amor ay sinamantala mo ito, you pushing my mommy to make another mistake!" lumuluha ng sabi ni Trixie.



"Bakit Pauline kung sakaling mapatay mo ba ako ay babalik saiyo si Kael? Babalikan ka pa ba ni Kael kung ikaw mismo ang nagtulak sa kanya para layuan ka, diba? At para sabihin ko sayo na hindi lahat ng bagay dito sa lupa ay kaya mong paikutin! Ngayon kung talagang kaya mong pumatay ay iputok ko ang baril mo at hindi ako natatakot na mamatay dahil alam ko na kahit na nasa kabilang buhay na ako ay sa akin parin ang puso ni Kael at hinding hindi mo na ito makukuhang muli dahil tapos mo na siyang ipinagtabuyan at ngayong ako na ang nakapulot nito ay hinding hindi mo na makukuha pa kahit tadtarin mo ako ng bala ng baril mo at mas gugustuhin ko pa ang mamatay na minamahal ng mahal ko kesa mabuhay na habang buhay namang ipinagsisiksikan ang sarili sa lalaking ni sa panaginip ay ayaw man lang lingunin kahit na ang anino mo!" matapang na sigaw ni Amor kay Pauline na medyo itinulak pa nito si Trixie dahil nakaharang ito sa kanya.



"At ikaw tita Thelma, ngayong naririto na ako sa harapan mo ay patayin mo na ako kung talagang iyan ang makakapagpasaya saiyo! Kahit na magtagumpay kayo sa inyong mga maiitim na balak sa akin ay hinding hindi kayo magiging maligaya habang buhay dahil uusugin kayo ng inyong konsensiya at hinding hindi mo rin makukuha ang lahat ng aking ari arian dahil ang lahat ng iyon ay hindi para saiyo at kahit na isangla mo pa sa impiyerno ang iyong kaluluwa ay hinding hindi ka magtatagumpay!" muling sigaw ni Amor na halos lumitaw na ang mga litid nito sa leeg sa sobrang galit at sa mga sandaling iyon ay hindi na niya ramdam ang anumang takot kundi poot ang namamayani sa kanyang dibdib. Galit sa mga taong sakim at makasarili.



Samantala nagmamadali namang lumabas ng kotse si Kael na hawak hawak nito ang baril na laging nakatago sa compartment ng kanyang kotse mula ng magkita kita sina Amor at Trixie sa mall noon.




"Pauline, put down your gun!" sigaw ni Kael habang nakatutok ang baril nito sa dalaga at palinga linga naman paminsan minsan kay Thelma na habang patungo kina Amor at Trixie.



"Well kung hindi rin lang naman kita magiging akin muli ay mas mabuti pang mamatay na ang babaeng iyan para pareho tayong magluluksa sa kalungkutan!" sigaw na sagot ni Pauline kasabay ng pagkalabit nito ng gatilyo ng baril.


Bang!....bang!... Dalawang putok ang umalingawngaw sa kapaligiran kaya gimbal si Kael ng makitang napahiga si Amor at kasama nito si Trixie.



FLAMES SERIES 3...SAVE ME FROM THE DARK.."AMOR"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon