FLAMES SERIES 3
SAVE ME FROM THE DARK
"AMOR"
By,..emzalbino
Parang natulala at hindi makapagsalita si Amor ng mga sandaling iyon, hindi niya alam kung bakit biglang bigla ay para siyang hindi makapagsalita habang nakatingin kay Kael..
"Papa are you going to bath too?.......biglang pukaw ni Kathleen kay Kael kaya natupn ang atensiyon nito sa kanyang pamangkin..
"No sweetie! I just came here to look after you and your mama Amor dahil baka may mangyaring masama sa inyo dito sa pool dahil sabi ng mommy mo eh hindi daw marunong lumangoy ang mama Amor mo".......sagot ni Kael sabay tingin kay Amor na noon ay namumula ang mukha at biglang yumuko ito.
"No papa! Mama Amor knws how to swim! Come papa please join us here!......ani Kathleen na hinila pa nito ang kamay ni Kael..
"No sweetie!........mariing tanggi ni Kael..
"Please papa come! Join us!.......pilit ni Kathleen ngunit panay ang iling lang nito kaya ang ginawa ni Kathleen ay sinabuyan niya si Kael ng tubig kaya basang basa ang suot nitong bermudes at pati ang t shirt nito.
"Kahtleen sweetie don't do that!........pigil ni Amor kay Kathleen ngunit patuloy lang sa ginagawa ang bata hanggang sa basang basa na si Kael..
"I'll go and change first!.......paalam ni Kael ngunit ng saktong hahakbang na sana paalis ay biglang hinila ni Kathleen ang kamay ng kanyang tito hanggang sa may tubig at nang nakatayo lang si Kael sa may tubig dahil bumebwelo lang para umahon din ay hindi niya napansin ang biglang pagtulak sa kanya ng kanyang pamangkin kaya naman bigla itong napaupo sa tubig kaya't basang basa ang buo niyang katawan.
"Ayan papa basang basa kana kaya't you can't refuse to join with us!......masayang wika ni Kathleen na nagtatalon talon pa sa tubig kaya walang nagaa si Kael kundi pagbigyan ang hiling nang pamangkin sabay sulyap nito kay Amor na noon ay saktong napangiti.
Hindi napigilan ni Amor ang mapangiti dahil sa hitsura ni Kael na para bang isang basang sisiw ng mga sandaling iyon, at kay Kathleen na kahit sino ay hindi makatanggi sa lahat ng gustuhin nito ngunit sa estilo ng bata ay ni hindi mo magawang magalit imbis ay matatawa ka sa kakulitan nito...
Biglang binawi ni Amor ang tingin nito ng magtama ang mga mata nila ni Kael dahil pakiramdam niya ay parang may kung anong pagkailang ang naramdaman niya ng mga sandaling iyon lalo pa at napansin niyang pasimpleng punasadahan ng bunata ang kabuuan nito ngunit hindi siya nagpahalata na nakita niya ang ginawang iyon ng binata.
Dahil sa basang basa na ang suot na damit ni Kael ay hinubad nalang nito ang kanyang t shirt kaya naman tumambad sa harapan ni Amor ang matitipuno nitong mga muscles at abs at hindi napigilan ni Amor ang mapatulala sa ganda ng katawan ni Kael at ng mapansin ni Kael ang tingin ng dalaga sa kanya ay hindi niya napigilan ang sarili na mapangiti sa sa isiping napansin ng dalaga ang kanyang presensiya.
Nang makita nitong parang nahihiya si Amor dahil sa pagkakahuli nitong nakatingin sa kanyang katawan ay sinabuyan niya ng tubig ang dalaga na siyang ikinagulat nito..
"Aaayyy!!!!...biglang tili ni Amor dahil sa pagkagulat nito at sa lamig ng tubig ngunit ng muli na namang sabuyan siya ni Kael ng tubig ay gumanti na ito at sinabuyan din niya nag binata hanggang sa nagpapalitan na sila at tuwang tuwa naman ang batang si Kathleen na noon ay nakisali sa pagsaboy ng tubig....
"Let's go there!......yaya ni Kael sa may kabilang side ng pool na mas malalim na for adults..
"Papa very deep ang water diyan!......ani Kathleen.
"It's okay you just hold on me"......sagot ni Kael kaya tuwang tuwa naman si Kathleen at ng tumingin siya kay Amor ay tumango lang ito kaya naglakad sila papunta sa mas malalim na pool.