Chapter 9

3.7K 128 2
                                    

FLAMES SERIES 3
SAVE ME FROM THE DARK
"AMOR"
By...emzalbino

"Pwede mo ba akong isana sa iyong pagbabalik sa inyong lugar?....muling tanong ni Amor kay Kael na noon ay hindi nakaimik sa tanong ng dalaga sa kanya..

"Bakit wala ka na bang ibang kamag anakan na pwede mong puntahan?.....sagot na tanong ni Kael kay Amor, nais man niyang tulungan ang dalaga ngunit parang naaalangan siya dahil hindi pa niya gaanong kilala ito at baka may kung anong dalang misteryo ito sa buhay...

"May kamag anak ako sa Maynila ang kapatid ni mommy but kilala rin ni tita Thelma ang mga iyon kaya siguradong malalaman din niya ang kinaroroonan ko kung sakali".....saad ni Amor..

"Okay hindi ako nangangako kaya i'll see first kung pwede nga ba kitang isama o hindi?.......sagot ni Kael saka napasulyap sa mukha ni Amor at nakita nito ang pagkalungkot.

"Okay thanks anyway".......mahinang wika ni Amor saka bumuntong hininga ito at ipinikit ang kanyang mga mata.

"Sige magpahinga kana muna para makabawi ka ng lakas".....saad ni Kael at nakita lang nitong tumango ang dalaga na hindi man lang niya idinilat ang mga mata nito kaya iniwan nalang niya sa kwarto at lumabas siya at nagtungo sa may sala at doon niya iniunat ang kanyang katawan at dahil narin sa wala pang katulog tulog ay agad siyang nakatulog...

....

Pagkaalis na pagkaalis ni Kael sa kwarto ay agad ding idinilat ni Amor ang kanyang mga mata at doon ay napaluha ito, akala niya ay tuluyan ng matutulungan siya ni Kael ngunit nakita niya sa mukha ng binata ang pag aalinlangan kaya hindi niya maiwasang malungkot dahil parang pinagkakaisahan siya ng tadhana ayon sa kanyang palagay.

"Saan na ako ngayon pupunta?......naguguluhang tanong ni Amor sa sarili habang nag uumpisa ng dumaloy ang mga luha nito..

"Hindi naman pwedeng kay attorney Ibrahim dahil tiyak na malalaman din nila tita Thelma"....ani Amor sa sarili saka pinahid nito ang mga luha sa kanyang pisngi...

Ilang minuto siyang nakatitig sa may nakabukas na bintana na wari'y hinihintay nito ang kasagutan doon ng kanyang mga tanong, at ng nangalay ang kanyang leeg sa iisang deriksiyon ng kanyang ulo ay minabuti niyang humiga at ipinikit na pilit ang kanyang mga mata at doon ay muling lumitaw sa kanyang balintataw ang dalawang lalaki na may hawak ng baril kaya sa takot ay napahagulgol nalang ito....

Hindi namalayan ni Amor na nakatulog na pala ito sa kaiiyak dahil sa matinding takot nito sa mga kalalakihang dumakip sa kanya at nagtangka sa kanyang buhay.

...

Nagimbal ang kahat ng mga kaibigan ni Amor ng malaman ng mga ito ang nangyari sa kanilang kaibigan..

Natipon tipon ang lahat sa mansiyon ng papa ni Farah na si governor Manuel... Hagulgol ang bawat isa, hindi makapaniwala sa balitang nalaman tungkol kay Amor..

"Hindi totoo ito! Bakit nangyari ito? Sino ang may kagagawan ng lahat ng ito!?....hagulgol na sigaw ni Farah habang yakap yakap ni Louise..

"Mga friends ipagsasal natin na sana ay makita na ang bangkay ni Amor at mahuli narin ang mga salarin na gumawa ito kay Amor!......palahaw ni Mirah na panay ang hikbi nito..

"Sana pinatulog ko nalang sa bahay, sana ay hindi nangyari ito sa kanya, sana ay buhay pa siya hanggang sa ngayon!.....muling sabi ni Mirah habang umiiyak ito...

"Sana pinilit nalang namin siyang sumama sa amin ni Santhana para buhay parin siya hanggang sa ngayon!.....ani Emmz na panay ang singhot nito dahil sa kaiiyak..

"Oo nga eh!....lumuluhang segunda ni Santhana..

"Papaanong hindi pa nakikita ang bangkay ni Amor? Dapat na kumilos ang mga pulis upang makita nila ito at magpaimbestiga sila baka sakaling may nakakita sa insedente!.....pahayag ni Louise na ang pag iyak nito ay may halong galit..

"Wag kayong mag alala dahil tutulong ako sa paghahanap sa bangkay ni Amor, sasabihan ko ang mga tauhan ko na makipagtulungan sila sa paghahanap ng kanyang bangkay at pagkatapos nun ay isusunod kong paimbestigahan ang pangyayaring ito para mabigyan siya ng hustiya kung sino man ang may kagagawan ng lahat ng ito".....tiim bagang na saad ni governador Manuel dahil napalapit narin sa kanya si Amor at parang anak na ang turing niya sa dalaga kaya masakit din para sa kanya ang nangyaring iyon sa dalaga...

....

Parang leon na nagngangalit ang galit ni attorney Ibrahim Suarez dahil sa nangyari kay Amor.. Walang alinlangang nagtungo ito sa malaking bahay ng mga Carreon at naabutan niyang umaatungal sa kaiiyak si aling Minda...

"Aling Minda ano ba talaga ang nangyari! Papaanong nangyari ito kay Amor? Nasaan ang bangkay niya!?......taas baba ang dibdib nito sa sobrang galit ng mga oras na iyon..

"Attorney iyon nga po ang hindi namin alam, at ang pagkakasabi ng mga pulis ay parang tinambangan siya sa may lugar kung saan ay madalang ang mga sasakyang nagdaraan at sa bandang maraming mga kahoy kaya medyo madilim ang lugar na iyon at tanging ang kanyang sasakyan ang naiwan doon na wasak ang bintana nito at ang kanyang bag"......malungkot na balita ni aling Minda..

"Sino ang salarin sa nangyaring ito kay Amor!?....muling tanong ni attorney Suarez..

"Walang makapagsabi dahil walang nakakita na testigo at pati ang kanyang bangkay ay wala parin, hindi parin matagpuan hanggang sa ngayon"......muling saad ni attorney Ibrahim..

"Bakit parang galit ka yata attorney? Sa akala mo ba ay hindi kami nagluluksa sa pagkamatay ni Amor? Parang anak ko na siya attorney kaya masakit para sa akin ang pagkawala niya dahil kung kailan kami nagkabati ay saka pa nangyari sa kanya ang ganito, ni hindi pa nga ako nakabawi sa mga naging pagkukulang ko sa kanya, ni hindi ko man lang nasuklian ang mga kabutihan niya sa aming mag ina, sa pagpapatira niya sa amin dito na kahit na anung kagaspangan ng ugali ang ipinakita ko sa kanya noon ay nagawa parin niya kaming kupkupin kaya laking pagsisisi ko na lately ko lang na appreciates ang kanyang kabaitan dahil nabulag ako ng selos sa pagiging close nilang mag ama noon at ng kung kailan gusto ko ng bumawi ay saka naman nangyari ang lahat ng ito"......sisinghot singhot na turan ni Thelma kay attorney Ibrahim..

"Wala akong itinuturo kung sino ang may kagagawan ng lahat ngunit may hinala na ako kung sino!.....lantarang sabi ni attorney Ibrahim..

"Parang may nais ka yatang ipahiwatig attorney ah? Kung ako ang pinagbibintangan mo sa nangyaring ito kay Amor ay nagkakamali ka dahil inosente ako at papaanong may kinalaman ako sa pagkamatay niya eh nauna nga kaming umuwi sa bahay!".....medyo galit na sabi ni Thelma..

"Maraming pwedeng maging paraan upang mapaslang si Amor at uindi ko naman sinasabing ikaw ang may gawa, ngunit maari namang ipagawa sa iba para maging inosente ang kalalabasan ng lahat diba!?......ani attorney Ibrahim.

"Magdahan dahan ka sa pagbibintang mo attorney dahil pwede kitang idemanda sa pagbibintang mong ito sa akin at hindi ako magdadalawang isip na sampahan ka ng kaso kahit na isa ka pang abogado!......galit na duro ni Thelma kay attorney Ibrahim.

"At hindi rin ako natatakot sa banta mo Thelma at sa oras na totoo ang aking hinala ay magdasal kana dahil habang buhay na pagkabilanggo ang ipapataw ko sayo at kung sa akala mo ay makukuha mo na ang kayamanan ni Amor ngayong patay na siya ay nagkakamali ka dahil hangga't hindi nakikita ang bangkay niya ay may posibilidad na buhay siya kaya wag na wag ka munang magsaya dahil baka kalabuso ang bagsak mo!......nagbabantang turan ni attorney Ibrahim saka walang lingon likod na nilisan ang mansiyon ng mga Carreon...

"Hindi mangyayari ang mga sinasabi mo attorney Ibrahim dahil lahat ng aking nais makuha ay napapasaakin at hindi mo kayang hadlangan ang mga pangarap ko sa buhay dahil "what Thelma's want, Thelma's get".......ani Thela sa sarili saka padabog na pumasok sa loob ng bahay....

......itutuloy....

FLAMES SERIES 3...SAVE ME FROM THE DARK.."AMOR"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon