FLAMES SERIES 3
SAVE ME FROM THE DARK
"AMOR"
By....emzalbinoMasayang masaya ng gabing iyon si Amor dahil muli na naman niyang nakasama ang buo niyang mga kaibigan na kahit na may asawa sina Farah at Louise ay lagi parin silang nagkukulitan sa chat box o kaya ay sa telephone,ngunit kung minsan ay hindi na kadalas gaya ng dati dahil alam niyang may pinagtutuunan na ng panahon ang kanyang mga kaibigan at kung magkaroon ng pagkakataon na makapag usap ay laking pasasalamat na niya.
"Hmm kailan mauulit ang get together nating ito?....maya maya ay tanong ni Emmz habang nagsasalin ng champagne sa mga baso ng kaibigan.
"Maybe pag kasal ng isa sa inyo o kaya ay sa muling pagdating ng blue moon!....birong sagot ni Farah.
"Eh sino nga ba sa inyo ang susunod sa yapak namin ni Farah?....sabat naman ni Louise na noon ay ibinigay ang isang baso ng champagne kay Amor.
"Hmm i think eh si Santhana"....hirit ni Emmz.
"Eh bakit ako eh hindi pa naman nagpo propose si Steve!....ani Santhana.
"Wag niyo sabihing ako eh wala naman ako g boy friend!....agad na sabat ni Emmz.
"Lalo naman ako!....ani Mirah at napatingin silang lahat kay Amor..
"Hoy mga baliw wag ako ang tingnan ninyo ng ganyan dahil kahit ni isang manliligaw ay hindi ako tumatanggap kaya malabo na ako ang susunod sa yapak nila Farah at Louise! And im sure na kung hindi si Emmz ay si Santhana dahil may nobyo si Santhana at si Emmz ay lagi sa diskuhan at malamang na doon niya makikita ang kanyang prince charming eh samantalang ako ay hindi ko hinangad ang makilala ang lalaking maghahatid sa akin sa altar dahil wala pa naman sa isip ko ang mga bagay na iyan!....saad ni Amor na medyo tipsy na ng mga oras na iyon.
"Hey Amor wag kang magsalita ng ganyan dahil baka mamaya ay malaman nalang namin na ikakasal kana dahil buntis ka!....natatawang biro ni Emmz.
"In your dreams! Never!.....nakangiwing turan ni Amor saka muli nitong ininom ang huling patak ng alak sa kanyang baso.
"Hey Amor wag kang sumobra dahil magmamaneho ka pa!.....alalang saway ni Louise sa kaibigan..
"Don't worry kumare/friend dahil kayang kaya kong mag drive at saka hindi naman ako lasing eh, im just tipsy at ihahatid ko pa mamaya si Santhana sa bahay nila"......sagot ni Amor.
"Okay kung ganoon but don't drink na friend kasi baka kung ano pa ang mangyari sa inyo sa daan"....sabat naman ni Farah.
"Oo nga naman Amor, saka ayaw ko pang mamatay noh dahil may fafa naman na nagmamahal sa akin".....natatawang hirit ni Santhana.
"Hoy kung ano ang mga pinagsasabi ninyo!....hirit ulit ni Farah kaya nagkatawanan ang lahat..
Ilang oras pa ang lumipas at dahil mag aala una ng gabi ay ipinasya na ni Farah at Matt na iuwi na nag kanilang anak..
"Guys magpapaalam na kami, see you next time nalang kasi nakatulog na ang inaanak ninyo!...ani Matt sa umpukan ng magkakaibigan..
"Oo nga mga friends, papasyal kami ulit dito bago bumalik ng Maynila sina Louise at Luigi"....sang ayon na wika ni Farah sa asawa nito saka hinagkan nito isa isa ang mga kaibigan.
"Okay friend ingat kayo sa daan".....ani Amor saka hinagkan sa pisngi ang tulog ng inaanak na si Morris..
"Ikaw ang mag ingat dahil medyo tipsy kana at kailangang umuwi kana rin dahil matutulog na rin ang mag asawa"......natatawang biro ni Farah kaya napatingin ang lahat kina Louise at Luigi.
"Hmm wala akong sinasabing ganoon ah!.....kontra ni Louise..
"No mahal diba kabubulong mo lang sa akin na matutulog na tayo".....biro naman ni Luigi kaya nagkatawanan ang lahat.