Chapter 19

4.7K 173 10
                                    

Flames Series 3
Save Me from the Dark
"Amor"
By...emzalbino
....RATED SPG....

Habang papalabas ng kwarto ni Kathleen si Amor ay muntik na itong mapasigaw ng bigla nalang humarang sa kanyang daraanan si Kael. Kaylakas ng pagkabog ng kanyang dibdib sa pagkakagulat nito.

"Ano ka ba Kael muntik na akong mamatay sa niyerbiyos!" mahinang bulong nito sabay kurot sa tagiliran ng binata.

"Na miss kasi kita eh" naglalambing na sagot ni Kael sabay akbay nito kay Amor.

"Eh bakit mo ako ginulat kung na miss mo ako?" nakaingos na tanong ni Amor na nakahawak oarin sa kanyang dibdib.

"Hindi ko kasi alam na lalabas kana sa kwarto ni Kathleen, sisilipin lang sana kita pero dahil saktong papalabas kana kaya nagulat ka"paliwanag ni Kael......"Hmm galit ka ba My Rose?" ani Kael na may pilyong ngiti sa labi nito.

"Hindi ako galit but you frightened me you know? Akala ko kung sinong taong nakapasok na iyon" ani Amor sabay hinga ng malalim.

"Ako lang naman ang lalaking pwedeng gumawa nun sayo eh at kung meron man ay dadaan muna siya sa ibabaw ng bangkay ko kung kaya niya akong kalabanin"nanunudyong turan Kael saka siniil ng halik ang labi ni Amor ng nasa tapat na sila ng kwarto ni Amor.

"Kumain kana?" maya maya ay tanong ni Amor ng bitawan ni Kael ang labi ng dalaga.

"Mamaya na, nawala ang gutom ko. Mas gusto ko munang lambingin mo ako para mawala ang pagod ko" sagot ni Kael saka iginiya nito si Amor sa loob ng kanyang kwarto.

Pagkapasok nila ay agad na niyakap ng mahigpit ni Kael si Amor na para bang kaytagal niyang hindi nakita nag dalaga at tinugon naman ni Amor ang paglalambing ng nobyo.

"I love you so much Amor" namamaos na bulong ni Kael sa dalaga habang magkalapat ang kanilang mga katawan na halos hindi makadaan ang hangin.

"I love you too Kael" tugon ni Amor at napakislot siya ng maramdaman niya ang kamay ni Kael sa ibabaw ng impis niyang tiyan.

Hindi nalayan ni Kael ang mga kamay nitong pumaloob sa suot na t shiry ni Amor. Sa dampi ng mainit na palad ni Kael ay parang nakiliti ang dalaga, parang kung may anong init na nabuhay sa kanyang himaymay lalo pa ng nasa ibabaw na ng kanyang dibdib ang palad ng binata habang magkahinang ang kanilang mga labi.

Hindi inaasahan ni Kael na madadala siya sa kanyang nararamdaman sa dalaga. Dati rati'y kaya niyang paglabanan ang kanyang damdamin kay Amor ngunit sa pagkakataong iyon ay biglang nawalan siyang ng kontrol sa sarili, kayhirap niyang paglabanan ang pagnanasa sa kanyang nobya.

"Ka-Kael" ani Amor ng bumaba ang halik ng binata sa may leeg niya habang patuloy ang paglalakbay ng isa nitong kamay sa katawan ni Amor at isa nitong kamay ay nakayakap sa dalaga.

"A-Amor" paanas na sambit ni Kael sa pangalan ng dalaga at napatitig ito sa mga mata ni Amor na para bang nagtatanong kaya naman parang nahimasmasang bigla si Kael sa kanyang nararamdaman ng mga sandaling iyon....."Amor, im so sorry. Hindi ko sinasadya, nadala lang ako ng aking damdamin. Hindi ko intinsiyon na bastusin ka, nadala lang ako sa udyok ng aking damdamin dahil mahal na mahal kita Amor at please wag na wag kang magagalit sa akin, please don't be mad at me. I love you so much Amor at ayaw kong mawala ka sa akin" nakikiusap na wika ni Kael at sa mukha nito ay kitang kita ang paghihirap, at alam ni Amor kung ano iyon.

"Kael kahit kailan ay hinding hindi ako magagalit sayo. Mula ng iniligtas mo ako ay ipinag katiwala ko na saiyo ang buhay ko at ngayong sinabi mong mahal mo ako ay muli kong ipinapagkatiwala ang buong pagkatao at ang puso ko, hindi dahil sa utang na loob kundi dahil iyon ang sabi ng puso, iyon ang isinisigaw nito"...,ani Amir sabay turo nito sa tapat ng kanyang dibdib...."Hindi importante sa akin kung hindi mo man matupad ang binitiwan mong pangako dahil ang mahalaga sa akin ay makita kang masaya sa piling ko dahil alam ko at ramdam ko ang tapat MONG damdamin para sa akin. I love you too Kael and im ready for everything"walang pag aalinlangang sabi ni Amor kay Kael na siyang nagpaluha kay Kael.

FLAMES SERIES 3...SAVE ME FROM THE DARK.."AMOR"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon