Flames Series 3
Save Me from the Dark
"Amor"
By...emzalbinoAng bawat ngiti sa mga labi ni Amor ay siyang nagbibigay inspirasyon kay Kael sa araw araw nitong lumilipas hanggang sa mas lumalim pa ang nararamdaman nito para sa dalaga.
"Hey good morning bro!" nakataas ang kilay na bati ni Serge sa kaibigan dahil nadatnan niya itong nakangiti ngunit wala namang kausap.
"Good morning too bro, napasyal ka yata?" tanong ni Kael sa bagong dating na kaibigan.
"Yes because i have to tell you something" sagot ni Serge saka muli nitong tinitigan ang mukha ng kaibigan at nagtataka ito dahil ibang iba ngayon ang aura ng mukha ni Kael, parang may kung anong ngiti na makikita sa mga nito.
"Hey bro, why you stared at me like that way?! natatawang turan ni Kael kay Serge.
"Nakakapanibago ka kasi bro. Kaninang pagpasok ko ay nakangiti ka na wala namang kausap and now your face looks like, hmm bro is there any woman involve on that kind of smile on your face?" hindi napigilang tanong ni Serge dahil talagang kataka taka ang ikinikilos ni Kael, samantalang noong huling nagkita silang magkaibigan ay medyo kay lungkot ng mukha nito.
"Ha ha ha! Iyon ba ang itatanong ko sa akin bro?" tumatawang sagot ni Kael.
"No it's not that but i just wonder for your suddenly changed that's why i asked you" napapailing pang sagot ni Serge.
"Ah iyon ba? Well you're right bro, those smiles that you've seen on me it's because of my Rose"nakangiting pahayag ni Kael sabay tingin sa kaibigan nitong nakakunot ang noo.
"Don't tell me na nagkabalikan kayo ni Pauline!?" napalakas ang boses na tanong ni Serge.
"Of course not bro!"mariing tanggi ni Kael .
"Then who is she?" kunot noo paring tanong muli ni Serge dahil palaisipan sa kanya ang nangyayari sa kanyang kaibigan.
"She is Amor, the woman that i saved from the shore. It's hard to explain everything but all i can say that im fallen inlove with her at hindi ko alam kung kailan ito nagsimula basta i found out that i love her". matapat na pahayag ni Kael na kay tamis ang ngiting nakapaskil sa kanyang labi habang binabanggit ang pangalan ng dalaga.
"Akala ko nakipagbalikan ka ulit kay Pauline dahil iuuntog na sana kita diyan sa pader para matauhan ka". natatawang saad ni Serge na pati si Kael ay natawa rin.
"No, im not fool to reconcile with her. Tama na iyong minsan na naging tanga ako sa kanya at nagpabulag sa kanyang kunwaring pagmamahal" ani Kael....."Hmm siyanga pala, ano ba iyong sasabihin mo sa akin?" maya maya ay untag ni Kael kay Serge.
"Ay oo nga pala! Next week ay birth day party ni Lorence at pinapasabi niyang dadalo ka raw kasi hindi ka niya matiyempuhan eh kaya ako nalang ang binilinan niya" salaysay ni Serge sa kaibigan.
"Im not sure bro kung makakapunta ako" pormal na sagot ni Kael.
"Dahil ba sa posible kayong magkita ni Pauline doon dahil sa pinsan ni Pauline ang nobya ni Lorence?" ani Serge sa kaibigan.
"No bro" tanging sagot ni Kael.
"Then bakit parang ayaw mong makaharap ang ex mo? You have to show her na nakapag moved on kana sa ginawa niyang pagta traydor sayo, and show to her na nakakita kana ng mas higit pa sa kanya!" pangungumbinsi ni Serge kay Kael.
"I think you're right bro. I will to go Lorence party at isasama ko si Amor and i gonna show to the public na mas higit ang babaeng nakita ko kesa kay Pauline" sang ayon na wika ni Kael at tatango tango naman si Serge.
"So, see you both there on next week at baka sakaling nakabalik narin ng bansa si Chleo that time at may ka date ako" nakangiting pahayag ni Serge.
"Good, and she will meet Amor too" dagdag na wika ni Kael.
"Oo at ng makita ko rin dahil puro kana lang kwento pero hindi mo naman ipinapakilala sa akin" nakahalukipkip na saad ni Serge.
"Ha ha ha! Don't worry at makikilala mo rin siya at tinitiyak kong magugustuhan mo siya. I mean magugustuhan mo bilang kaibigan at syempre nobya ko" pagtatama ni Kael na ikinatawa ng malakas ni Serge.
"Binawi agad ang sinabi eh, takot na maagawan ha ha ha!" natatawang turan ni Serge.
"Lol, papatayin muna kita bago mo makuha si Amor ko" natatawa ring biro ni Kael sa kaibigan at nagkatawanan ang dalawa.
...
Samantala ay ilang araw na rin ni Trixie sa bahay ni Pauline ng malaman ni Thelma na nasa Maynila ito ngunit ang idinahilan niya ay nagpapalamig lang siya ng sama ng loob dahil sa naging sagutan nilang mag ina kaya naman kumalma agad si Thelma at hinayaan muna niya si Trixie sa bahay ng kaibigan nito na kilala naman niya dahil na meet narin niya ito ng minsan noong nasa Maynila pa sila at hindi pa sila nag asawa noon ni Rafael.
"Mas maganda ngang nasa Maynila ka Trixie para hindi ka madamay kung sakali mang magkabulilyaso sa mga plano ko" bulong ni Thelma sa sarili.
...
Samantala isang hapon habang nasa kwarto ang magkaibigan at nagku kwentuhan ay biglang may nasagip ang mga mata ni Trixie at dinampot niya iyon.
"Kayo pa ba ng boyfriend mong ito? tanong ni Trixie kay Pauline sabay pakita nito kay Pauline ang picture frame na kung saan ay kasama nito si Kael na naka akbay sa kanyang balikat.
"Wala na kami" kibit balikat na sagot ni Pauline ngunit may lungkot na bumalatay sa mga mata nito.
"What! How come?" takang tanong ni Trixie dahil kahit hindi pa niya nakikita ang dating nobyo ng kaibigan ay lagi naman itong nag se send sa kanya ng mga pictures nila noon kaya memoryado niya ang mukha ng nobyo ni Pauline.
"Because he caught me in the act that i having sex with Cris" salaysay nito kay Trixie.
"What! Oh dear! Alam mo kahit na hindi ko pa nakikita iyon sa personal pero alam kong good boy siya , kaya ang masasabi ko lang ay sayang dahil pinakawalan mo ang isang katulad niya" naiiling na sabi ni Trixie.
"Yes i know it! Kaya i just give him enough time to mend his broken heart but afters i will take him back again at gagawin ko ang lahat para muli siyang bumalik sa akin" desididong pahayag ni Pauline.
"Eh papaano kung mayroon na siyang iba?"muling tanong ni Trixie.
"I'll take him back, by hook or by crock" nakataas ang kilay na saad ni Pauline sabay tingin sa kawalan.
" Dahil ang para kay Pauline at hindi pwedeng angkinin ng iba."pormal ang mukhang wika ni Pauline na nakatingin sa may bintana kung saan ay tanaw niya ang malawak na kapaligiran.
Ano ang magaganap sakaling magkita sina Amor at Pauline?
Hanggang saan kayang protektahan ni Kael si Amor?
...itutuloy.